Chapter 1

925 89 67
                                    


Kentavious Luther

January 1, 2020
Time 11:59

Nakakulong ako sa Zisaki Prison Island, isang Prison Island na mga notorious na kriminal lang ang naka kulong, kadalasan na mga kaso na naka kulong dito ay pag patay.

Hindi basta, bastang pag patay kadalasan mga Serial Killer tulad ko, pumatay ng higit sa dalawa.

Naka higa ako ngayon at nakatanaw ako sa aking bintanang maliit saaming selda ang mga magagandang Fire works ay nag puputukan na, mukhang masaya ang pag diriwang ng bagong taon ng mga tao sa labas ng kulungan, napa ngiti ako sapagkat naalala ko ang aking ina at aking nakaka batang kapatid na lalaki.

Nasa kinse anyos na sya ngayon at si ina nasa 49 anyos na.

Gusto kona talaga makalaya, iyon ngalang nakaka limang taon palang ako dito sa loob ng bilangguan, nakulong ng kinse anyos at ngayon bente nako.

Maya maya pa ay isang malakas na atungal ang umalingaw ngaw sa kapaligiran, nagising ang dalawang kasamahan ko sa loob ng selda namin.

"Ano yon!" saad ni Mclenon nauntog sa double deck na kinahihigan nya.

"Sikmura mo ata yon! Dipunggal ka gutom kananaman!!" saad ni Meyers habang dumungaw pababa sa higaan ni Mclenon.

"Tumahimik muna kayong dalawa!" pasigaw na pag sambit ko sa dalawa, iba't ibang klaseng tunog ang naririneg namen ang tunog at hune na unang beses lang namin narineg, maya maya pa ay mga putok na ng baril ang aming narineg.

"Dapa!! dapa!! Mclenon!! Boss Kentavious!! Masama to! mukhang inaatake ang Zisaki Prison Island, mukhang may ipupuga ang sumalakay!!" saad ni Meyers.

Hindi ako nakinig kay Meyers hindi ako dumapa bagkus sumilip ako sa bintana kahit alam kong delikado dahil sa putukan ng baril, naramdaman ko kaagad na may mali sa nang yayari, tanging naririneg kolang ay ang mga Jail Officers lang ang nag papa putok ng baril.

Nanlaki ang aking mata saaking nakita, mga nilalang na kulay berde ang balat at maliliit halos sing laki lang ng limangtaong gulang na bata, napa ngiti ako saaking nakita, tila ba may kaliti na gumuhit saaking katawan.

Sa hindi mapaliwanag na dahilan imbis na matakot ako dahil saaking nakita na berdeng nilalang na halimaw ay sobrang galak na galak ang aking nararamdaman.

"Mclenon! Meyers! lumapit kayo dito sa bintana bilisan nyo." utos ko sa dalawa kong kasamahan sa selda.

"Lumapit kadaw don Meyers!" saad ni Mclenon.

"Kayo nga daw edi kasama ka don" saad ni Meyers sabay gatok kay Mclenon.

Tiningnan ko ng masama ang dalawa na naka dapa sa ilalim ng kanilang double deck na higaan, dahil saaking masamang tingin kaagad silang lumapit sa bintana at tumingin sa labas.

"Punyawa ano yang mga......" kaagad tinakpan ni Meyers ang bunganga ni Mclenon.

"Wag kang maingay" saad ni Meyers.

"Boss ano yang mga berdeng maliliit na halimaw nayan?" tanong ni Meyers saakin.

"Kung pag babatayan sa kanilang anyo sa tingin ko mga Goblin yan," tugon ko sa tanong ni Meyers.

"Go..go... goblin... ang papangit nila boss.. papaano na tayo dito? kayanin kaya ng mga Jail Officers yang mga halimaw nayan? ang dami nila boss mamatay naba tayo dito?" sunod sunod na tanong ni Mclenon.

Sinapak ni Meyers si Mclenon.

"Huminahon ka nga Mclenon! Kung anong tinaba ng katawan mo, kinapayat ng utak at emosyon mo!!" pasigaw na sabi ni Meyers kay Mclenon na natataranta.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon