Isang mapang asar na ngiti ang ibinigay saakin ni Scarlett.
"Bago ang lahat.
Nasaan si Guro?" nag aalalang tanong saakin ni Scarlett.
"Patay." aking tugon kay Scarlett.
"Patay?!
Tama ba ang narinig ko?" naguguluhang tono ni Scarlett.
"Patay na patay ako sayo." aking romantikong hirit kay Scarlett.
Nang sinabi ko ang mga katagang iyon ay bigla niyang pinag bantaan ang aking buhay.
"Kung hindi kapa lulubay Mr. Kentavious may kalalagyan ka saakin." mariin at asar na tono ng pananalita ni Scarlett.
Napatawa ako sa kanyang sinabi.
"Nag paiwan sa kampo ng Purpleman's Beast ang iyong Guro.
May gusto daw siyang matutunang Technique sa kampo ng Purpleman's Beast.
Kaya nanatili siya doon." aking pag papaliwanag kay Scarlett.
"Ang aking Guro talaga." naka ngiting saad ni Scarlett.
"Ikaw kamusta ka?
Ayos lang ba ang lagay niyo dito?" aking tanong kay Scarlett.
"Maayos naman kame dito.
Sa totoo lang parang gusto kona ngang makipag isa sa tribo ninyo." saad saakin ni Scarlett.
"Tama ba ang narinig ko?
Makipag isang dibdib saakin?" aking pang aasar kay Scarlett.
Dahil sa asar ay nag lakad siya palayo at sinabihan ako na huwag ko daw siyang sundan.
Nakita ito ni Sar at napa iling nalang siya saakin.
"Master mukhang inasar mo ng husto si Prinsesa Scarlett." saad saakin ni Sar.
"Oo, nakikita ko sa mukha niya ang pag katakot ng husto sa Demon Tribe.
Hindi ko siya masisisi sa nararamdaman niyang pag katakot, sapagkat ang Demon Tribe ang nasa likod ng lahat ng pag hihirap niya.
Siya nga pala, ano ang naging reaksyon ni Scarlett nang makita niya si Ha- Zibar?" aking tanong kay Sar.
"Oras na makita ni Ha- Zibar si Prinsesa Scarlett ay kaagad itong lumuhod at humingi ng tawad sa kanyang nagawa.
Tumugon lang si Prinsesa Scarlett na nasa prosesa na siya ng pag hihilom."saad ni Sar.
"Mabuti naman nasa proseso na siya ng pag hihilom.
Pag pahingahin mo muna sila Phaeros, Wor- Zak, Dirox at Ha- Zibar, bukas nang umaga ay mag pupulong tayo patungkol sa pag salakay sa Demon Tribe.
Kailangan nating matalo kaagad ang Demon Tribe, sapagkat sila ang mayroong pinaka magandang plano na nabuo, patungkol sa Dragon Realm." aking kwento kay Sar.
"Sila rin po Master ang mayroong pinaka malakas na pwersa.
Lalong lalo na ang mga Demon Generals nila.
Kakaiba, ibang iba ang kanilang Force na ginagamit.
Mag kahalong Dragon Force at Demon Force, nakaka kilabot." saad ni Sar.
Bakas sa mukha ni Sar ang takot at pangamba, patungkol sa mga Dragons.
Pag katapos kong maka usap si Sar ay kaagad akong nag hanap ng isang lawa oh katubigan na pweding liguan at naka hanap naman ako.
Isang talon at mukhang kay sarap liguan nito.
Kaagad akong naligo dito.
Kay sarap maligo sa talon at ang presko sa paki ramdam.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
PertualanganAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...