"Oo isang Legendary Healing Potion, para sayo.Inumin mona, dahil kating kati na tong katabi ko na maka laban ka." aking tugon sa Hari ng Purpleman's Beast.
"Whahahaha Salamat sa Healing Potion." saad ng Hari ng Purpleman's Beast sabay inom saaking binigay na Healing Potion.
Oras na matapos inumin ng Hari ng Purpleman's Beast ang aking Healing Potion na binigay ay kaagad na umatake si Gishyo.
Nag pakawala ito ng sobrang lalakas na Axe Fist.
Walang kahirap hirap na nailagan ito ng Hari ng Purpleman's Beast, nang makita ni Gishyo na kampanting kampante na naiilagan ang kanyang mga atake ay bigla itong gumawa ng isang pang gulat na atake.
Isang mabilis na Diagonal Axe Kick
ang pinakawalan ni Gishyo, sa sobrang bilis ng kanyang atake ay bigla, bigla nalang tumilapon ang Hari ng Purpleman's Beast.Sa ngayon ay nakaka lamang sa palitan ng atake si Gishyo.
Maya maya pa ay lumapit saaking tabi si El- Rion.
"Master pasensya na kung natalo ako sa laban.
Hindi ko akalain na makaka apekto ng husto ang Fatigue na nakuha ko salaban natin nung kinakalaban ko ang Hari ng Purpleman's Beast." nahihiyang saad ni El- Rion.
"Panuorin mong mabuti, kung paano lumaban si Gishyo.
Halos katulad mo siya ng sitwasyon, matindi din ang Fatigue na meron siya, ngunit tingnan mong mabuti kung paano niya nakakayang makipag laban ng ganyan katinde." aking saad kay El- Rion habang pinapanuod ang laban ni Gishyo at ng Hari ng Purpleman's Beast.
Pag dating sa pisikal na lakas ay halos hindi nag kakalayo si Gishyo at ang Hari ng Purpleman's, ngunit mag kakatalo lang sila pag ginamit na ng Hari ng Purpleman's Beast ang kanyang alas, at mukhang iritable na siya.
"Ano na.
Akala ko ba malaki takot ko sayo?
Eh para atang nagiging Punching Bag na kita, panget na Blonde!" hiyaw na saad ni Gishyo habang tumama ang kanyang Straight Axe Foot Jab Kick.
Sa lakas ng sipa ni Gishyo ay napa tilapon sa malayo ang Hari ng Purpleman's Beast.
"Whahahahaha Punching Bag?
Nag papatawa ka ba?!" Mariin na saad ng Hari ng Purpleman's Beast.
Maya maya pa ay tumataas na ang kanyang Internal Force at nag simula na siyang mag bagong anyo.
Hanggang naging isang ganap nang Purple Dragon ang Hari ng Purpleman's Beast.
Kanina lang ay nakaka lamang pa si Gishyo sa kanilang laban, ngunit ngayon ay na dedehado na si Gishyo.
Bakas pa din sa mukha ni Gishyo ang takot, ngunit pilit niya itong nilalabanan.
Nag patuloy ang labanan ni Gishyo at ng Hari ng Purpleman's Beast, sa puntong ito ay pagod na pagod na si Gishyo, samantalang ang Hari ng Purpleman's Beast naman ay mayroon pang sapat na lakas.
Napansin ko din na mayroong sobrang lakas na stamina ang Hari ng Purpleman's Beast.
Hirap na hirap na si Gishyo, wala narin sa ayos ang daloy ng kanyang Internal Force.
"Hoyy Gishyo!
Papakasalan ko ang anak mo at bibigyan kita ng isang dosenang apo oras na matalo ka sa laban mo!" aking hiyaw na saad kay Gishyo.
Oras na marineg ito ni Gishyo ay tiningnan niya ako ng matalim at galit na galit siya.
Maya maya ay biglang bumulalas ang sobrang lakas na Internal Force ni Gishyo.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...