Napa nganga kaming lahat sa naging transpormasyon ng Red Dragon.
Mayroon siyang Red na sungay at pulang buhok na hanggang balikat.
Mayroon siyang maputing balat at medyo patulis na tenga.
Dahil sa kanyang pag papalit anyo ay wala siyang saplot, dahil doon ay napa titig kami ni Wor- Zak, nang makita ito ni Liav ay kaagad niya kaming ginatukan.
Hinubad ko ang aking brown na balabal at inabot ko kay Liav.
Ito ang pansamantalang sinuot ni Red Dragon.
Dahil mayroon na siyang anyo na mala tao ay nauunawaan na niya ang aming pag uusap.
Tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan.
Tumugon naman siya saakin na ang kanyang pangalan ay Roswana Desar.
Habang nag lalakad kami patungo sa tribo ni Ellena ay sinubukang tumakas ni Wor- Zak, ngunit kada lalayo siya ng 20 Km saakin ay kusa siyang bumabalik saakin.
Sa huli ay sumuko din si Wor- Zak pag ka dating na pag ka dating namin sa Pretty Woman Ogre Tribe, ay sinalubong kami ng mga Elders Tribe ni Ellena.
Gula't na gulat ang lahat ng mga ka tribo ni Ellena sa kanilang nakita.
Kasama ko si Wor- Zak.
Nakita din ni Ellena ang tagpong ito, napa iyak siya.
dali dali siyang tumakbo patungo saamin.
Nang akmang yayakapin ko na siya ay lumagpas siya saakin.
Nang tumalikod ako para lingunin kung sino ang kanyang sinalubong na yakap ay nagulat ako.
Si Wor- Zak ang kanyang niyakap?
Nagulat din ang lahat sa ikinilos ni Elena.
Kahit si Liav ay hindi maka paniwala sa kanyang nakita.
Humagulgol ng malakas si Ellena at napa iyak din si Wor- Zak.
Maya maya pa ay nag salita na si Ellena, lumabas sa kanyang mga bibig na hindi niya akalain na buhay pa pala si Wor- Zak.
Tumugon lang si Wor- Zak Oo buhay paako aking Reyna.
Hindi ko maunawaan ang nangyayari, hindi ko ito mai proseso saaking isipan.
Nag tataka din ako kung ano ang relasyon ni Wor- Zak kay Ellena.
At batay din sa ikinilos ni Ellena mukhang matagal na silang mag kakilala.
Maya maya pa ay mas ikinagulat ko ang mga sumunod na nang yari.
Lumapat ang labi ni Ellena kay Wor- Zak.
Gulat na gulat ako, ganun din ang buong tribo ni Ellena.
"Ayoko ng ganitong tagpo." aking saad.
Oras nang masabi ko iyon ay kaagad na akong umalis sa lugar ng mga Pretty Woman Ogre Tribe.
Magulo ang nasa isipan ko.
Kaagad akong lumayo sa Pretty Woman Ogre Tribe, walang naka pansin saakin na umalis na ako.
Bumalik ako sa Kampo namin.
Saaking pag pasok saaming kampo ay napansin ni Gishyo ang matamlay kong porma, ganun din si Sar (Green Goblin Shaman.).
Tinanong ako ni Gishyo kung ayos lang ba ako? tumugon naman ako sa kanya na hindi.
Dahil sa narinig ng dalawa ang aking malinaw na pag tugon ay kaagad nila akong niyaya sa loob ng isang bahay na kahoy.

BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
MaceraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...