Chapter 1 (Part 2)

476 66 5
                                    


"Massacre ang inabot sayo ng mga goblin," saad ko kay Mclenon na naka upo at namamahinga.

"Demonyo ka talaga Mclenon, basag lahat ang mukha ng mga pangit na goblin sayo, naawa ako bigla sa mga goblin nato," saad ni Meyers.

"HAHAHAHA Ang saya ng nangyari sa mundo natin nato Boss," isang kakila kilabot na presensya ang pinakawalan ni Mclenon.

Napa ngiti ako at si Meyers sa sinabi ni Mclenon.

Nama hinga kami saglit, at saka kami bumalik sa Zisaki Prison, sinalubong kami ni General Warden Cyrus at Vice Warden James.

Bakas sa mukha ng dalawa ang pag kagulat sapagkat hindi nila inaasahan na babalik kami na halos walang galos oh tama mula sa mga goblin.

"Mahusay ibang klase talaga kayo," saad ni General Warden Cyrus.

Samantala si Vice Warden James ay naka tingin lang saamin ng deretcho at walang kurap.

"Medyo nakaka pagod yon Uncle, pweding maligo muna kame bago namin ikwento ang lahat?" tugon ni Mclenon kay General Warden Cyrus.

"Oh sige sige, medyo mabaho ka na nga," tugon ni General Warden Cyrus kay Mclenon.

Kaagad kaming pumunta saaming selda para maligo, ngunit ibang iba ito sa pag babalik namin saaming selda, kung dati ay inihahatid kami ng mga Jail Officers na naka posas ngayon ay hindi na, walang na kaming posas at ang 9 na Jail Officers ay 3 nalang, inutos ito mismo ni Vice Warden James.

AAAHHHH!!! Sarap, presko lodi," saad ni Mclenon habang nag feflex ng kanyang muscle sa salamin.

"Lodi mo mukha mo, sya ngapala sabi sa manual pwedi kang mag bigay ng System Points gamit ang Handshake isipin molang kung magkano ang idodonate mong System Points," saad ni Meyers.

"Oo nga pala may importanteng lumabas kanina sa Awakeners Window ko may Items at Rewards daw akong natanggap, WOW Lods naka tanggap ako ng isang LEGENDARY AXE!! at... at... at.... tatlong aklat na ang title ay Pisoro Axman Technique Basic Class, Advance Class at Master Class ang kani kanilang rank at 5 na stars, 50 System Points," saad ni Mclenon

"Ang galante naman ng nag papatakbo ng system nato." saad ni Meyers.

"Sa tingin ko kaya madaming rewards na nakuha si Mclenon ay dahil sa madami syang napatay na goblin at isapa mag isa nya lang itong ginawa at sa pinaka brutal na paraan nya pinatay ang mga goblin," tugon ko kay Mclenon at Meyers.

"Ma tingnan nadin ang saakin at ma set up ang aking Character Profile, Boss anong magandang Role sa tingin mo ang bagay saakin," tanong saakin ni Meyers.

"Fighter, sa tingin ko akma ang Role na iyon sayo patungkol sa skills ikaw na ang bahala, sa pananaw ko hindi mona kailangan ang rekomendasyon ko," tugon ko sa tanong ni Meyers.

Ilang minutong tiningnan ni Meyers ang mga skills na pamimilian nya.

"Mahirap mamili lalo't na wala namang description sa bawat skills sa na pamimilian itong tatlo nato ang aking pipiliin, Slash Chop, Gigantic Palm Strike at Tiger Frontal Kick, ung huling skill slot ko hindi ko muna gagamitin baka may reward na skills," saad ni Meyers.

"Sa rewards mo ano, ano ang natanggap mo?, tanong ni Mclenon kay Meyers.

"Tama nga hinala ko," saad ni Meyers.

"Anong tama ang hinala mo? magandang item? ohh katulad din ng saakin may libro kadin? ohh kaya ung parang sa Dragon Balls Magic Beans? Oh.. kaya?... Oh kaya?" .. saad ni Mclenon.

"Manahimek ka nga! Ang una kong natanggap na reward ay dalawang Skill Cards Fire Fist at Frost Fist saka 6 stars at 50 System Points iyon lang," saad ni Meyers.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon