Chapter 1 (Part 56)

231 43 13
                                    

(Liham ng Pasasalamat)

Stockton POV

"Mukhang nan dito na ang lahat, kaya sisimulan konang basahin ang liham na ibinigay saakin ni Boss Kenta." aking saad.

Nasa loob kami ng Meeting Room ng Zisaki Prison Island.

Nan dito ang lahat ng malalapit kay Boss.

Ang lahat ay naka suot ng itim na pormal na damit.

Si Mrs. Johnson A.K.A si Celeste at si Police Chief Master Sergeant James Johnson ay naka upo sa harapan.

Mamaya babatiin ko si Sir James sapagkat muli siyang na Promote.

Katabi nila ay si Attorney Scarlett ang abogado at ka M.U ni Boss Kenta.

Naka shades siya mukhang na mumugto pa ang kanyang mga mata kakaiyak.

Katabi ni Ms. Scarlett ay si General Warden Cyrus, ang ama amahan ni Boss dito sa loob ng Zisaki Prison Island.

Sa kabilang banda naman ay ang buong Black Dragon na binubuo nila Hassan, Gishyo, Phaeros, Wor- Zak at ng iba pang miyembro ng Black Dragon.

Nasa gitna ako at may hawak na mikropono  at liham ni Boss, naka suot ako ng itim na Black Round Sunglasses at itim na Suit.

"Sisimulan konang basahin ang liham na iniwan saakin ni Boss Kenta.

Gusto niya na ako na ang maging Prisoner 001." aking naka ngiting saad.

"Siraulo ka ba!

Hindi hamak na mas malakas ako sayo!

Baka namale ka lang ng basa, baka ako talaga naka lagay jan!

Patingin nga ako!" malakas na saad ni Wor- Zak.

"Anong ikaw baka ako na dapat ang maging Prisoner 001!

Subok na ng panahon ako at pinag tibay ng realidad dito sa loob ng Zisaki Prison!" saad din ni Gishyo.

Marami pa sanang sasabat sa grupo namin sa Black Dragon ng nag salita na si Ms. Scarlett.

"Kung hindi kayo tatahimik ay sisiguraduhin kong dito na kayo tatanda sa loob ng Zisaki Prison Island.

At kung nakaka limutan nyo ay ipapaalala ko sa inyo na ako ang may hawak sa kaso nyong lahat.

Kaya itikom ninyo ang inyong bibig, at ikaw naman Stockton ayusan mo yang pag basa mo." saad ni Attorney Scarlett na may pag babanta.

Dahil sa sinabi ni Attorney Scarlett ay natahimik ang buong Black Dragon at  bumalik na ako sa pag babasa ng liham ni Boss Kenta.

"Marahil ay wala na ako saating mundo habang binabasa ito ni Stockton, ngunit huwag kayong malungkot ng husto.

Ang aking presensya lang ang nawala hindi ang masasayang ala ala na naka tanim sa inyong puso at isipan.

Hayaan nyong ihayag ko sa inyo ang aking lubos na pasasalamat sapagkat ipinaramdam nyo saakin ang pag mamahal na kailan man ay hindi ko naramdaman nung kapiling ko ang aking Ina at mga kapatid, ngunit ganun pa man ay pinilit kong maging malakas at hindi makurap ng galit ang aking puso at isipan.

Isang natural ng emosyon nating mga tao ang Magalit, Kamuhian ang iba at mawalan ng Pag asa, ngunit wag nating hayaan na tumanim ito saating puso at isipan, sapagkat ang negatibong emosyon ay  bubuo lang din ng isa pang mas malaking hadlang para saating Masayang Kalayaan.

Maging Malaya tayo sa para saating tamang kasiyahan at sikaping makamtan ang ating kaligayan sa buhay.

Huwag nating hayaan ang negatibong aspeto na sirain ang ating minimithi sa buhay.

Maging ma pag patawad tayo, kahit na mahirap, sapagkat doon lang natin makikita ang kaliwanagan ng bukas at manatili tayong ma pang unawa sa pag durusa ng iba at ipilit nating iabot ang ating kamay para sa mga taong na ngangailangan ng tulong.

Bago ako mag paalam dito sa inyo, ay ninanais ko na sana ay humingi kayo ng kopya ng aking storyang nilikha, isa tong Fantasy Story at ang pamagat nito ay "THE STORY OF THE FIRST DISCIPLE".

Na kay Stockton ang aking Draft ng Storya at siya na ang bahala para sa pag imprenta nito.

Muli nag papasalamat ako sa inyong lahat, sapagkat kayo ang dahilan kung bakit masaya akong lumisan sa mundong ito.


------Kentavious Luther
Aspiring Writer.













A/N: Maraming Salamat sa inyong lahat na tumang kilik saaking unang storya na ginawa.

Sa 10 kong readers maraming salamat, Charott hahahahaha. Alam ko namang 11 kayo whahahahaha.

Sa inyong mga Readers na mahilig mag Votes at Comments maraming Salamat.

Salamat din saaking mga Silent Reader.

Sigurado ako mayroong dismayado sa inyo na bakit biglang natapos, oh parang minadali ung ending etc.

Hayaan nyong ipaliwanag ko.

Ganyan talaga ang gusto kong mangyari saaking unang Fantasy Story.

Fantasy to Reality.

Walang minadali, ito talaga ung flow ng aking story at higit sa lahat, hindi laging ang gusto natin ang mananaig oh ang masusunod.

Kung may mag tatanong naman kung may Chapter 2 or more  ang Story ko na ito, no Comment ako.

Kung may katanungan kayo saaking Story mag Comment lang kayo at susubukan kong sagutin.



SALAMAT!!

HANGGANG SA MULI!

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon