Pag katapos kaming arestuhen ng mga pulis ay kaagad inareglo ng Ama ni Hassan ang mga nangyari.
Kaya hindi gaano kumalat ang kahindik hindik na krimen na aming ginawa.
Ganun paman ay hindi napigilan ng ama ni Hassan ang aming pag ka kulong, ngunit ginawa niya lahat para mapunta kami sa isang desenteng Prison Island.
Ipina ngako naman ni Stockton na aalagaan niya ang aking Ina at si Zavious.
Ipina ngako din ng dalawa na mas lalo nilang susuportahan ang bahay ampunan.
Natawa naman si Meyers at Mclenon sapagkat umiiyak si Hassan at Stockton.
Napaka buti ng dalawang R.K na kaibigan namin.
Naging kaibigan namin sila dahil sa madalas na pag bisita ng kani- kanilang ama sa bahay ampunan.
(End of Flash Back)
Nagising ako sa biglaang pag sigaw ng isang kasamahan namin na nag babantay saaming paligid.
"May mga Goblin Mountain Bandits!" saad ng isang Human Red Blood Wolf.
Kaagad nag sipag handa ang aking mga kasamahan at muling naganap ang isang labanan.
"Anak ng tokneneng tong mga to! Dis oras ng gabi saka nag adik at mga nanalakay." saad ni Gishyo.
Kaagad na paparating saamin ang isang katutak na Green at Red Goblins.
Kitang kita namin sila sa baba ng bundok.
Sinabi ko saaking mga kasamahan na huwag nang mag aksaya ng Internal Force ako na ang bahala sa kanila.
Kaagad akong gumawa ng Limang daang Ice Pillars at ipinukol ko ito sa kanila.
Direktang tumama ito sa mga Goblins na nasa baba ng bundok.
Marami ang nasawi sa hanay nila ngunit madami padin ang natira.
Akmang bababa na ang aking mga kasama ngunit binawal ko sila.
Sinabi ko na kaya kona.
Kaagad akong nag Transform saaking Fly High Butterfly Form para mabilis na makalapit sa kanila at maatake sila.
Oras na maka lapit ako sa kanila ay kaagad nang nag simula ang labanan.
Malalakas ang mga Goblin Mountain Bandits na ito.
Kadalasan ay Goblin Champions at Hob Goblins ang aking nakaka laban, ngunit wala silang magawa saaking malalakas na atake.
" 100 Red Fire Ball!
Red Fire Slash 3,000!
1,000 Red Fire Bullets!" sunod sunod kong sambit saaking mga atake.
Mabilis na naubos ang mga Goblin Mountain Bandits, ngunit nag tataka ako kung bakit tila wala pa ang kanilang Leader.
Nang biglang may malakas na Green Fire Explosion ang papa lapit saakin.
Pinigilan ko ito ng aking kamay at nag tagumpay ako, ganun paman ay sumabog padin ang malakas na atake na iyon at nag karoon ako ng bahagyang pinsala saaking kamay.
"Mahusay k...." napa hinto ako saaking sasabihin sapagkat sa isang cute na batang Fairy ang aking nakita.
Sa kanya nang galing ang malakas na atake nayon?
"Gishyo anak mo ba to?" aking tanong kay Gishyo.
"Hindi Boss! Saka bakit saakin?" tugon saakin ni Gishyo.
"Master Kentavious mag iingat ka sa kanya! mukhang bata man siyang tingan ngunit napaka lakas niyang nilalang isa siyang Hada!" saad ni Sar.
Tutugon sana ako kay Sar ng bigla muling umataki ang batang lalaki na Fairy.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...