Chapter 1 (Part 22)

248 52 7
                                    

A/N: Mayroong ka hindik hindik na eksena ang Chapter na ito.

Mayroon ding pang TO  TORTURE ang Chapter na ito.

Kaya kung ayaw ng ganitong eksena ay huwag basahin.

Kung mahina din ang iyong loob ay huwag basahin ang Chapter na ito.

Maraming Salamat.




"Sayang akala ko panaman kaya mong makipag sabayan saakin." aking saad kay Ha- Zibar na naka bulagta saaking harapan.

Lumapit ako kay Ha- Zibar at balak kona sana siyang patayin, sapagkat sinaktan niya saaking harapan si Scarlett, nang mayroon siyang sinabi na nag pa ngiti saakin.

Dahil sa kanyang sinabi ay nag bago ang aking isipan, tiname ko siya upang maging aking kawal.

Tiningnan ko ang kapaligiran at kala hati ng kastilyo ay nasira dahil saaming sagupaan ni Ha- Zibar.

Kaagad kong hinanap si Scarlett, gamit ang Internal Force Detection Technique, hindi ako nahirapan na hanapin siya sapagkat mayroong Special na daloy ng Dantian si Scarlett.

Nang dumating ako kung nasaan si Scarlett ay nakita ko na papatayin nya na si Aykarah.

Hawak ng mga Purpleman's Beast si Aykarah samantalang may hawak na dagger si Scarlett at gigilitan niya sa leeg si Aykarah.

Nang makita ko ang tagpong ito ay
kaagad ko siyang pinigilan at hinawakan ko ang kanyang kamay.

Ikinagulat ito ni Scarlett.

"Bakit?" Tanong saakin ni Scarlett habang naka tingin siya saakin na mayroong masidhing damdamin.

Damang dama din ng lahat ang lakas ng Internal Force na pinakakawalan ni Scarlett.

Mayroon siyang lakas ng isang Master Rank pag dating sa Internal Force.

"Alam kong galit na galit ka sa kanya, Ngunit kailangan mo munang mag tiis ng bahagya, Marami siyang kailangang ibahaging imporsmasyon saatin." aking saad kay Scarlett.

"Hangang kailan?" Mariin na saad ni Scarlett.

"Dalawang araw." aking tugon kay Scarlett.

Oras na sabihin ko yon ay tumalikod na si Scarlett at pumunta sa labi ng kanyang ama at mga labi ng kanyang mga kasamahan.

Pag katapos ng tagpong iyon ay pinag utos ko saaking mga kasamahan na Purpleman's Beast na dalin sa Basement si Aykarah.

Habang ako naman ay magiging abala para labanan ang mga natitirang mga kawal na Sumusunod kay Ha- Zibar at Aykarah.

Maya maya pa ay nag simula na ang pag sabog sa kaliwa at kanan na direksyon ito ang hudyat na sini simulan na ng S.O.G ang kanilang misyon.

Samantalang ako ay busy mang gulpe ng mga Gwardiya na nan dito sa kastilyo ang ibang may kakayahan na mag Level Up at mag Evolve ay aking Tiname, at ang wala namang kakayahan na paunlarin ang kanilang sarili ay kinikitilan kona ng buhay.

Malaki na ang naging presensya ng Purpleman's Beast sa lugar ni Scarlett kitang kita sa bilang ng mga Purpleman's Beast na nan dito.

Pero ang pinaka pinag tataka ko ay ang mga sinabing saakin ni Ha- Zibar.

Napa rito sila sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom para sa kayamanan ng Valjirina Rawyn Vampire Kingdom.

Isang kayamanang mag papalakas sa iyo sa maiksing panahon.

Maka lipas ang ilang sandali ay naubos kona ang mga Kawal ni Ha- Zibar at Aykarah, madami dami akong natame na Monster.

Aalis na sana ako sa kastilyo ng may biglang tumilapon na katawan pa loob sa kastilyo.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon