Kentavious POV
"Mahusay ka. Ha...... ha..... ha...." hinihingal kong sambit.
"Mukhang pagod kana ata ginoo?" saad ng Dwarf na katunggali ko.
"Ayoko sanang gamitin to. Kaso mukhang kakailanganin ko." aking saad habang pina palalakas ko ng husto ang aking Internal Force.
"Isang Transformational Technique!" gulat na saad ng Dwarf na kalaban ko.
"Tama, ka! Red Phoenix 1st Form!" aking saad habang nag babagong anyo.
Napalibutan ng Pulang Balahibo na gawa sa Red Fire ang aking katawan.
Balahibo na kawangis ng sa Red Phonix at pakpak na gawa sa Red Fire.
"Sa tingin ko patas na tayo." aking saad sa Dwarf na kalaban ko.
"Sa tingin ko ay hindi." saad ng Dwarf na ka dwelo ko.
Nung sinabi niya iyon ay kaagad siyang sumugod saakin.
Nag paulan siya ng Dark Fire Flicker Jab.
Mabilis ko itong naiilagan.
Nang matapos ang atake ng Dwarf na kalaban ko ay lumipad ako pataas at pina ulanan ko siya ng Red Fire Spear.
Nailagan lahat ng Dwarf na kalaban ko ang aking atake ngunit hindi niya alam na isa lang iyong Decoy.
Ang tunay na atake ko ay ang Red Fire Slash.
Direktang tumama ito sa kanya, ngunit tila ba bahagya lang ang kanyang naging pinsala.
"Pa.. pa... papaano." aking pag tatakang sambit.
Biglang tumalon saaking harapan ang Dwarf na kalaban ko at nag paulan siya ng atake.
"1,000 Dark Fire Fist!" saad ng Dwarf na katunggali ko.
Sunod sunod na mabibilis at malalakas ang kanyang ginagawang atake.
Halos karamihan sa atake na ginawa ng Dwarf na kalaban ko ay tumama saakin.
Nag tagumpay din siyang pababain ako sa lupa.
Nang makita ng Dwarf na kalaban ko na humihina ang aking depensa ay naging atat siya para maka tama muli ng isang Solid na Dark Fire Fist Upper Cut.
Ngunit hindi niya alam na isa itong patibong para sa kanya.
Taus puso niyang tinanggap ang aking Red Fire Spear na ginawa.
Sapul na sapul siya sa sikmura at sa pag kakataong ito ay sigurado ako na napuruhan ko siya.
Nang makita ko saaking mata na nag ka sugat lang ang Dwarf na kalaban ko, doon ko napag tanto na isa siyang Defensive Fighter.
Ginagamit niya ang kanyang Internal Force para sa depensa at binabalot niya ang kanyang katawan ng kanyang sariling Internal Force tila ba isa itong malakas at matatag na baluti niya.
Bukod pa don ay nagagamit din niya ito sa opensa.
Matalinong mandirigma.
Patungkol naman saaking atake ay hindi ko siya napuruhan at nasugatan ko lang siya.
"Kung isang normal na katawan lang ang meron ako ginoo marahil patay na ako, ngunit ako ay mayroong sobrang solidong katawan.
Katawan na pinalakas ko araw araw at walang pahi......" putol na saad ng Dwarf na kalaban ko.
Pinutol ko kaagad ang kanyang sina sabi sapagkat pinakaen ko sa kanya ang aking kamao.
Sapul na sapul sa panga ang loko.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AvventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...