XXXVIII. Back To The Old Times

158 3 0
                                    

Lisa: (sa totoo lang hindi ko alam kung anung isasagot ko sa tanong ni jennie, maraming nangyari sa amin, mga nasirang tiwala at mga pangakong nasira, mga masasakit na salitang nabitawan namen sa isa't isa at aaminin ko hindi ko alam kung paano ulit mag-uumpisang buuin ang mga nasira sa relasyon namen)

Jennie: you don't know the answer yet?

Lisa: hon..

Jennie: umuwi na tayo gumagabi na baka hinihintay na ta...(hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni lisa at halikan. I missed her lips, i missed everything about my wife, i gently response to her kiss na lalong nagbigay sknya ng dahilan para lalo nya pang laliman ang paghalik skin)

Lisa: (hindi ko na nahintay pang matapos ang kung anumang sasabihin ni jennie ng bigla ko syang hilahin at halikan, namiss ko ang mga labi nya, uhaw na uhaw ako sa mga ganitong pagkakataon na matikman ulit ang halik nya, naramdaman ko ang pagtugon ng asawa ko sa ginawa ko kaya lalo kong nilaliman ang paghalik ko sknya dahilan para kapusin kame ng hininga at nagpasyang maghiwalay ang mga labi namen.)

Jennie: lisa...

Lisa: pls hon. Just give me anotjer chance, a second chance to prove to you that i'm still worth it for your love and trust.

Jennie: lisa, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo at hinding hindi mawawala yun kahit kelan.

Lisa: i know hon. But pls. Let me court you for the second chance. I will bring back all the things na nawala sa relasyon naten. (agad kong siniil ulit ng halik si jennie at naramdaman ko ulit ang pagtugon nya na nagpadagdag sa kuryenteng nararamdaman ko ngayon)

Jennie: (ramdam na ramdam ko ang mga salitang binibitawan skin ngayon ni lisa, alam ko at kilala ko ang asawa ko, pag sinabi nya ang isang bagay ay mangyayari ito, gagawin nya ang mga bagay na gusto nyang mangyari kapag ginusto nya. Pero ngayon ako ang iiwas dahil nararamdaman ko na umaatake na naman ang kalibugan nya at ayokong dito na naman kame abutan sa beach, ayoko ng maulit ang nangyari nuon na may nakakita sameng matanda at sinaway pa kame KAya kumalas agad ako sa pagkakahalik nya)

Lisa: why?

Jennie: eeksena na naman ba tayo sa beach?

Lisa: huh?

Jennie: ayokong may makakita na naman sten na matanda at sawayin na naman tayo.

Lisa: (shit oo nga pala naalala ko bigla dati ng muntik din na may gawin kame sa beach ay may matandang sumuway smen nakakahiya yun pero iba na ngayon, mag-asawa na kame)

Jennie: alam ko iniisip mo kaya ngayon palang tantanan mo na yan. HAlika na umuwi na tayo.

Lisa: (wala naman akong iniisip e, haist bitin kainis!)

Sumunod naman si lisa kay jennie na ngayon ay nauuna ng maglakad. NAkarating ang dalawa sa bahay at naabutan nilang naghahanda ng pagkain ang mag-asawa. Bigla namang napatigil si jennie sa paglalakad ng makita kung paano maglambingan ang mama at papa ni lisa, NApansin naman ni lisa kung sino ang pinagmamasdan ni jennie dahilan upang mapahinto din sya sa paglalakad.

Lisa: ang sweet nila nuh?

JEnnie: yeah.. GAnyan din sila mommy at daddy nung nabubuhay pa ang daddy ko.

Lisa: ganyan din naman tayo dba?

Jennie: dati...Nung wala pang umi'eksena sa buhay naten.

Lisa: kaya parin naman mabalik yung dati dba?

JEnnie: siguro oo pero siguro din hindi na.

Lisa: anung ibig mong sabihin? (kinabahan ako sa sinabi ni jennie kaya kinulit ko sya para mapaamin kung anung ibig nyang sabihin)

JEnnie: wala! naisip ko lang lisa kung hindi siguro tayo nagpadalos dalos ng desisyon at kung nakinig lang siguro tayo sa isa't isa hindi siguro tayo masisira at aabot sa ganitong sitwasyon na kelangan mo pang paghirapan ang tiwalang nasira ng dahil sa mga mali nateng actions.

Lisa: dba sinabi ko naman sayo, gagawin ko ang lahat para bumalik ang dating tayo.

Jennie: e paano nga kung hindi na kayang ibalik pa yung dating tayo?

Lisa: ahh basta! hindi ako makakapayag na masira tayo ng tuluyan! mahal na mahal kita jennie at gagawin ko ang lahat maibalik lang ang lahat sa dati..

Jennie: mahal din kita lisa pero sana dati mo pa naisip yan bago na nauwi sa wala ang lahat.

NApatahimik si lisa sa sinabi ni jennie, sumikip ang dibdib nito dahilan upang tumulo ang ilang pirasong luha na kanina pa nagbabandyang tumulo. Nakita naman ni mr.MAnoban ang sitwasyon nila jennie at lisa na kanina pa pala nya pinagmamasdan at nakita nya kung paano magpunas ng luha ang anak nyang si lisa kaya pinutol nya na iyon sa pamamagitan ng pagtawag sa dalawa.

Mr.Manoban: jennie! lisa! andyan na pala kayo. Tra na at kumain na tayo ng makapagpahinga na tayo!

Mrs.Manoban: halika na mga anak, kain na.

Jennie: halika na tinatawag na nila tayo.

Lisa: ahhh oo sige susunod ako.

JEnnie: (alam kong masakit lisa ang mga salitang binibitawan ko sayo pero hindi mo ko masisisi kung naging ganito ako sayo ngayon.)

Lisa: (sumunod naman ako kay jennie matapos nitong naunang pumasok sa loob at nagulat naman ako ng bigla akong salubungin ni papa)

Mr.MAnoban: magpakatatag ka anak, alam kong kaya mo yan!

Lisa: salamat papa. (kelangan kong magpigil ng luha dahil ayokong makita ni jennie na mahina ako, kelangan nyang makita na kaya kong panindigan ang sinabi ko sknya)

Naging tahimik ang oras ng pagkain ng apat, ni isa walang umiimik kaya hindi natiis ni mr.MAnoban ang katahimikang bumabalot sa hapagkainan.

Mr.Manoban: jennie iha may namimiss akong bagay na ginagawa naten dati..

Jennie: anu po iyon papa?

Mr.Manoban: pwede bang makainuman naman ulit kita?

Jennie: po?

Mr.Manoban: huling inom naten ay nung kasal nyo pa ni lisa pero hindi naman tayo halos nakapag-bonding nun e.. baka ppwede maulit lang yun.

Jennie: Oo naman po. AFter this??? game???

Mr.Manoban: game!!! tapos na ko kumain hahahaha..

Mrs.Manoban: ayan ka na naman ah! sama ako dyan hahaha matagal tagal din nung huling inom ko e.

Lisa: mama sasali ka pa?

Mrs.MAnoban: oh bakit bawal na ba ako mag-inom?

Lisa: hindi naman po. HAHAHa sama din ako!

Jennie: sinong nagsabing kasali ka?

natahimik ang tatlo sa sinabi ni jennie....

Jennie: joke lang! tara na nang makarami tayo hahaha..

Mr.Manoban: jusko ka iha, lage na lang akong kinakabahan pag nagsasalita ka ng ganyan.

Mrs.Manoban: para namang dka na nasanay sa batang ito. Oh sya tara na magligpit na tayo ng pinagkainan.

Lisa: ma ako na po maghuhugas.

Mr.MAnoban: oh sige sige, sumunod ka agad sa pwesto ah hahaha.

Lisa: opo..

Pinagmasdan naman ni jennie si lisa habang nag-aayos ng pinagkainan ng lahat. NApansin naman ito ng mag-asawa kaya hindi na nila ito tinawag muna baka sakaling magbago ang ihip ng hangin at biglang umamo ang pusa sa kanyang amo..

The Second Chances (YOU CHANGE ME Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon