1

18 2 0
                                    

Lia's Point of View

I kissed the cheek of my very lovely boy.

"Bye, mama! Galingan mo po sa work mo!" he cheerfully said.

"Ikaw din, goodluck sa first day natin, Felix!" nakangiting sabi ko bago ayusin ang uniform niya.

Tumayo ako at humarap sa bestfriend ko, my son's kindergarten teacher.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Gina."

She giggles and nods a lot. First day lang din niya as a teacher, and so am I? First day ko rin ngayon sa first and ever work ko.

"Goodluck, Lia. Galingan mo!" she cheered.

I waved goodbye to my son and waited for them to go inside the classroom. Naglakad na rin ako palabas sa school at sumakay sa bus.

My hands are shakey, ngayon ako talaga kinakabahan. I hope not to fail in my first day. Few minutes passed before I reached the huge GKN network building. Tumigil ako sa harap ng main entrance bago ako huminga ng malalim.

I smiled and took my ID from my bag and wore it around my neck. Kinuha ko rin ang logo badge at ikinabit ito sa left side ng kwelyo ng suot kong blouse. I breathed once again before I finally took a step to get closer as my feet gets heavier.

I scanned my ID on the scanner before I get inside the building. Napakalawak ng lobby at maraming tao sa loob. Maayos at malinis ang building na ito, napakaganda rin ang style sa bawat sulok. May ilang tv screens at projectors and nasa bawat sulok ng first floor. Ang ilan ay kagaya ko, first day din nila.

Lumapit ako sa director na isa sa mga nag-interview sa akin. He is mid twenties, yet his position is very far from me. The serious and perfect face of the director faced us all. I know that he will be looking for us until the day we become regular employees.

Anyway, ito naman ang gusto ko. This is the dream I had after high school. Nagkaroon ako ng maraming pangarap simula elementary. Kung hindi nga lang nagkaproblema noon, baka pumasok na rin ako sa modeling industry. But things are very fine now and I have nothing to regret.

Eight new employees are lined up and the director is walking back and forth in front of us. Isa na ako sa walong ito. I could not even believe that I am now working for the best tv news network in the country.

"Listen up, newbies! Wala akong ia-assign na senior or mentor sa inyo, siguradong alam niyo na dapat ang gagawin. Three months kayong on hold before regular position. I assigned people to be monitoring you and will give points to you on your evaluation. At hindi ko sasabihin kung sinu-sino sila. So do your best and impress us all if you really wanted to be a regular employee." the director said in authority and charm.

"Yes, Director." we replied in chorus.

Sa dulo ng lobby, mayroong mga unoccupied desks na inilaan para sa aming newbies. Nagsimula na kaming maglakad, ang iba ay kagaya ko na kinakabahan maliban sa isa. Isang babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin. She is very confident with her steps and head held up high. I wonder why hindi na lang siya naging model.

Lumapit ako sa pinakamalapit na desk sa bintana pero bago ko pa man mailagay ang bag ko rito, naunahan na ako ng isang napakagandang babae, the confident one.

She is tall and really gorgeous looking. Alam kong natanggap siya dahil sa looks and presence. Hindi ko lang alam kung magaling din ba siya.

"I was here first." she sophisticatedly pushed me a bit to make me move away from her desk.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na sa bakanteng mesa sa likod. Nakaupo na silang lahat ako ako na lang ang naiwang nakatayo kaya napansin ko ang dalawang employee mula sa second floor. Nagbubulungan sila!

JusticeWhere stories live. Discover now