9

4 0 0
                                    

Lia's Point of View

Gina and I agreed that Felix will stay in their house every night. At dahil nasa school lang naman si Felix sa umaga, maihahatid at masusundo ko pa siya sa school.

And this is my first night shift.

Makakapagluto pa ako ng breakfast at baon niya sa school at maihahatid ko siya. Pwede rin akong makapunta sa family day sa school, babawi na lang ako ng tulog sa gabi. Ang sabi ni Director Gab, mayroong dorm sa building at doon din nags-stay ang mga night shifters.

Nandito na ako ngayon sa bus. Isang linggo lang ako sa night shift, para lang din sa experience na mararanasan din naman ng lahat ng newbies. Nauna nga lang ako.

Bumaba kaagad ako sa bus stop at naglakad papunta sa building.

Naninibago ako. Iba sa pakiramdam na wala ang mga newbies na kagaya ko na palagi kong nakikita dito. Wala ring tao sa lobby kaya dumiretso na ako sa floor kung nasaan ang dorm. Ngayon ko pa lang din mapupuntahan ang dorm na ito kaya hindi ko alam kung ano ang meron dito.

Wala naman sigurong multo dito, diba? Kagaya ng mga napanuod namin ni Gina sa tv na horror movies na may mga kababalaghan every nightshift. Naiisip ko pa lang na may ganon dito, kinikilabutan na ako.

Tahimik na nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi naman ako natatakot. Iba lang sa pakiramdam kung sakali man na totoo nga yon.

Pumasok ako sa dorm at nakita ko ang isang napakagandang babae. Sa palagay ko, same sila ng level ni Aliza pagdating sa beauty at appearance. Isang tingin pa lang, siguradong gusto na kaagad sila ng mga producers.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inilagay ang bag ko sa isang bakanteng bed na katabi ng sa kanya.

"Ikaw pala yung newbie na sabi nila, magaling daw. Hindi naman halata." masungit niyang sabi habang nakaharap sa salamin na hawak niya. Sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya. Mukhang kagaya ni Aliza, hindi ko rin makakasundo ang isang ito.

Hindi na ako nagsalita, naupo ako sa kama at inayos ang gamit ko. Sa totoo lang, ayoko naman siyang kausapin. Senior ko pa rin siya at hindi maganda na patulan ko siya para sa walang kwentang bagay.

"Kasi," pagpapatuloy niya, "Kung totoong magaling ka, hindi sila magpapadala ng senior para samahan ka. Nakakaawa ka nga, eh. Dahil sa kapalpakan na ginawa mo, wala nang directors at producers ang nagtitiwala sayo, so I'm here. Pinadala nila ako para masigurong hindi ka papalpak. Don't worry, hindi mo naman kailangang lumabas sa tv habang kasama mo ako. For experience lang naman kayong newbies." mayabang niyang sabi bago mahiga na sa kama niya. Nakuyom ko ang aking kamay dahil sa pagpipigil ng inis.

Gusto ko siyang patulan dahil minamaliit niya ako. Pero may sense naman ang sinabi niya kahit nagyayabang siya. Kilala ko siya, ang pinakamagaling sa seniors, kahit last year lang siya nagsimula. Para na siyang ka-level ng mga pro.

"Pwede bang maglibot muna ako?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako inaantok dahil natulog ako kaninang tanghali hanggang hapon.

"Ikaw ang bahala, just be sure to keep in touch if there is emergency." she said with her sleepy tone.

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Lumabas na ako sa kwarto at naglibot sa buong floor. Wala sa floor na ito ang office ng ibang directors or producers. Almost conference or meeting rooms lang ang nandito.

Maliwanag sa buong building at walang kahit na isang ilaw ang hindi nakabukas. Wala ring pagala-gala kagaya ko dito sa loob. Bumaba ako sa lobby at nag-ikot din dito. Hindi talaga ako sanay na halos walang tao dito sa loob.

Lumabas ako sa building at naglakad-lakad, hindi dapat ako lumabas pero hindi ko rin naman gusto na nasa loob lang ako at walang ginagawa. I took my phone with me so that I am still in touch for emergency calls. Ganoon din naman ang gagawin ng in charge, tatawagan lang din naman kami kung kailangan kami. Kaya kahit nasaan ako, ang mahalaga, matatawagan ako.

JusticeWhere stories live. Discover now