16

3 0 0
                                        

Lia's Point of View

It's been a week since Felix had gone missing. And his seventh birthday is coming this week.

I promised to tell him the truth about his identity. He should know. I want him to know even if this will kill me deep inside. And I need to be strong.

Nandito ako ngayon sa meeting room. Magpapalit na ulit kami ng assignments and this time, magkakaiba na rin ang rank namin. Hindi na ako ang rank eight kagaya ng dati.

I did my best to prove myself to everyone. Mas nagseryoso na rin ako nitong nakaraang linggo. Hindi na halos ako nakakapagpahinga kapag bumabalik ako dito sa building. Kaya ako na ang rank three sa aming walo at first pa rin sa may pinakamagandang ratings.

I am assigned to the live broadcast on studio for this week. Hindi naman ito challenging na assignment sa akin pero okay na rin ito para sa akin. Maagang umuuwi ang mga nasa studio, mas marami akong oras para makasama ang anak ko pagkauwi ko.

Hindi nagtagal ang meeting namin. Lumabas kaagad ako at nauna na kay Aya na hindi ko na rin halos nakakausap. Dumaan ulit ako sa fire exit at mabilis ako sa pagbaba na para bang may hinahabol ako.

Hindi ko pa nakakausap si Director Gab pagkatapos ng gabing nagdinner ako sa kanila. He is not opening it up either. Alam ko rin na napansin niya ang pagbabago ng mood ko nitong nakaraang mga araw.

All of them can see how hard I try to become the top of the newbies. Kung ako ang top one, hindi ko na poproblemahin kung matatanggal ako o hindi. Safe zone na ang top one.

Hindi ko na rin kinakausap si Aya, purposely. Sawa na ako sa mga tao na sa una lang nagiging mabait sa akin. I know how good Aya is. But I just decided to bring blocks around me. Para hindi na ako mahirapan ng sobra kung sakali man na mapalapit na talaga ang loob ko sa kanya at sa iba pa.

Mga kakompitensya ko sila, mga karibal at kalaban. Yon na yon. Hindi ko dapat kaibiganin ang kalaban ko. I am not as clever as that.

Pumunta kaagad ako sa studio na nasa fifth floor ng building. may nagbigay sa akin ng script para sa morning news. Mababait ang mga tao dito sa studio. Nakasama ko na rin sila dati at nakasundo ko ang karamihan sa kanila.

Mabilis na umere ang news casting at natapos din kaagad ang live stream. Lumabas na kaagad ako at bumalik sa newbies department para kumuha ng bagong tasks. Tatlong morning news at dalawang shooting para sa late noon shows na mamaya pa ipapalabas ang ginawa ko bago ako bumalik sa studio para sa noon news. Naging busy ako maghapon.

At dahil sa studio ako naka-assign, six pm pa lang, nakauwi na kaagad ako sa bahay.

Tinulungan ako ni Felix sa pagluluto ng dinner. Nanood pa kami ng tutorial online kung paano magbake ng cookies na paborito niya.

Sabay kaming kumain nito habang sinasagutan namin ang assignments niya.

"Mama," tawag niya sa akin nang halos patapos na kami sa pagsasagot. Tumingin ako sa kanya at hinintay ang sasabihin niya sa akin. "Ayokong makilala ang papa ko. Huwag niyo na pong sabihin sa akin kung sino siya." he said while writing his name on the paper.

Natigilan ako sa sinabi niya. Looks like my mind went blank for a second. What did he just say?

"Alam ko pong mahirap din para sa inyo na sabihin kung sino siya. Hindi rin naman po ako interesado. Sorry kung palagi ko siyang hinahanap sa inyo." he sadly said. I blink twice before I get back to my senses.

Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palapit sa akin para paupoin siya sa hita ko.

"Anak, ano ba ang sinasabi mo?" I asked before I hugged him. "Hindi ka ba masaya na makilala ang papa mo? Well, hindi ko rin alam kung nasaan na siya o kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Para na rin hindi mo isipin na wala kang papa. Kasi meron--"

"Mama," pigil niya sa sinasabi ko bago kumawala mula sa akin. Naupo siya sa harap ng papel na sinusulatan niya kanina. "Ikaw na ang mama at papa ko. Hindi ko na gustong makilala ang kahit na sino. Sabi niyo, don't talk to strangers. Ayokong makipag-usap sa kaniya kahit na siya pa ang totoo kong papa. Stranger pa rin siya sa akin." he explained.

"Pero anak, pano kung gusto ka niyang makilala? Bigyan mo ng chance ang papa mo--"

"Gusto niyo ba akong ibigay sa kanya?" naiyak na tanong niya.

Lumapit kaagad ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi, syempre hindi. Huwag mong iisipin yan, okay?"

Hindi ko na siya kinulit. Nang maging maayos na ang pakiramadam niya, itinuloy na namin ang pagsasagot sa assignment niya. Nanood kami ng cartoons na nasa cd bago kami matulog.

Binasahan ko siya ng kwento tungkol sa isang prinsipe na nakatira sa gubat. Ito ang kwento kung saan nalaman ng prinsipe na hindi niya tunay na tahanan ang kagubatan kung saan siya lumaki. Ito ang paborito ni Felix.

"Mama," muli niyang tawag sa akin nang natapos ko na ang kwento. "Ako po ba nag prinsipe sa kwento?"

Ngumiti ako dahil sa tanong niya.

"Oo, ikaw ang prinsipe para kay mama. Bakit mo naman nasabi yan?" nakangiti kong tanong habang nakahiga sa tabi niya.

"Nung nalaman ng prinsipe na hindi siya dapat nakatira sa gubat, umalis siya don. Ayoko siyang gayahin, mama." sabi niya bago ako yakapin. "Ayokong iwan ka mama kahit na malaman ko kung sino ang papa ko."

Muli akong natigilan.

This is the thing I feared once. That Felix's mind might open so soon. I want him to have a strong mind and brave heart before that time comes, but here it is. He is now gaining the maturity that is very unusual for his age. Masyado pang maaga para mamulat ang isipan niya.

I hugged him back.

"Palagi mong alalahanin na mahal na mahal ka ni mama. Kung ano ang gusto mo, kasama mo si mama basta tama ang gagawin mo. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari." I promised.

Humarap siya sa akin at nakita ko na nakangtii siya ng sobrang tamis. Pinisil ko ang ilong niya at hinalikan siya sa noo.

"Talaga, mama? Promise yan, ha? Ako rin po, hindi rin kita iiwan, mama. Promise."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I just want him to be happy. Yon lang ang gusto ko, and until the day that he can make his own happiness for the good things, I will be with my son.

"Inaantok na po ako, mama." he said.

Tumango ako ng marahan bago maupo at muli siyang pinagmasdan. Inayos ko ang kumot niya at muli siyang hinalikan sa noo.

Pinatay ko ang isang lampshade sa tabi ng kama niya.

"Mama," he almost whispered out of sleepiness. "Ayoko rin makilala ang totoo kong mama."

My mouth opened out of shock. He almost whispered but I fully understand what he said. I covered my mouth with my hand.

Paano niya...

Paano niya nalaman?

***

resacoya

***

Happy reading

JusticeWhere stories live. Discover now