Lia's Point of View
Nakaupo ako sa bench kasama ang iba pang mga magulang ng mga kindergarten. Ngayong araw na ang family day sa school ni Felix.
It has been few days since I saw Trevor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari nung gabi na yon. Pero nagising ako na nasa loob ng dorm. Nung tinanong ko si Miss Valdez, hindi rin daw niya alam dahil sa beauty rest niya. Sa palagay ko, si Trevor ang nagdala sa akin sa dorm. Nahiya tuloy ako bigla.
Inalis ko sa isip ko si Tevor at tumingin na lang kay Felix. Magkakasama naman ang mga bata sa quadrangle at nagsasayaw sila ng fitness dance.
But Felix looks like he is not on the right mood to do the activity. He moves like a tired kid, unlike his classmates who wildly dance to the beat. After some moments, pinabalik na ang mga bata sa kanilang upuan, pinangunahan ng Principal ang event at nagsimula na ang laro.
Lumapit ako kay Felix dahil napansin ko na parang hindi niya gustong sumali sa kahit na anong laro.
"Anak, anong problema?" I curiously asked. Umiling lang siya bago maglakad papunta sa bench. Naupo siya doon kaya tumabi ako sa kanya.
"Ayaw mo bang maglaro? Sumali tayo sa classmates mo." I tried to convince him, wanting him to enjoy the day.
"Ang sabi nila sa akin kahapon, makakapaglaro lang ang may mommy at daddy. Hindi ako sasali." he sadly said.
Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Anong sasabihin ko sa kanya? Huminga ako ng malalim bago pilit na pinakalma ang sarili ko.
"Gusto mo ba ng ice cream? May ice cream don sa table, masasarap ang pagkain--"
"Mama, gusto ko na po umuwi." I bit lower lip. I never experienced having a hard time to look for something to say. Ano ba ang dapat kong sabihin para gumaan ang loob niya?
"Hi, Felix?" Gina suddenly appeared. "Gusto mo bang makita si Rex panda man?" Gina exaggeratedly asked.
My son becomes active as he smiled widely and nodded multiple times. Gina held his arm and ordered him to go the the vacant room near the stage. My son happily run towards the room. My mouth is partly gapped as Gina sat beside me.
"Ewan ko ba naman sayo, Lia." naiiling niyang sabi. "Kung kausapin mo si Felix, para kang isang reporter."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Reporter naman talaga ako, ah?"
"Oo nga, reporter ka, pero kapag si Felix ang kausap mo, nanay ka. Hindi mo siya pwedeng kausapin na parang wala ka man lang interes sa kanya at puro trabaho ang nasa isip mo." she calmly scolded me.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. That hits me hard. Tama si Gina. Hindi naman ako ganito dati kay Felix. Para pa nga akong bata kung makipag-usap sa kanya dati. She tapped my shoulder before she stood up and walk towards the other kids who are happily playing with their parents. The clown make tricks for the kids as they play.
I sighed, mukhang sobrang laki na rin ang atraso ko sa anak ko. Tumayo ako para sundan siya sa room na malapit sa stage pero hindi pa ako nakakalayo sa bench, narinig ko ang usapan ng ibang mga magulang na malapit sa akin.
"Diba siya yung nasa tv?"
"May anak na pala siya?"
"Sayang naman siya."
"Gusto ko pa naman siya kasi magaling siya magreport."
Napalunok ako bago tahimik na nagpatuloy sa paglalakad. I clenched my fists as I tried my best not to argue with them. Hindi madali para sa akin ang magpigil pero wala akong magagawa dahil ayokong gumawa ng gulo. I want to be a good example to my son as long as I can. And besides, I am obliged to protect my public image as a reporter. Malaking gulo ito kung may gagawin akong makaksira sa GKN network.
I saw my son playing with the character mascot. Pumasok ako sa loob at nagtaka dahil may itinuturo ang mascot kay Felix. Bago pa man ako makalapit sa kanila, tumakbo na si Felix palabas sa kabilang pinto. Susundan ko sana siya pero napatingin ako sa mascot na naglakad palapit sa akin. Nilampasan niya ako at hinila niya ang kurtina para maiharang sa mga bintana. Nagulat na lang ako ng bigla niyang tinanggal ang head dress nito.
Mas nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakasuot nito.
"Why are you here?" he asked, surprised to see me. Sweat runs down all over his face and he looks really attractive by his appearance and good smell.
"Teka, may problema ba? Under cover ka ulit--" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sinenyasan niya kong huwag maingay.
"The clown outside is my partner on duty. You shouldn't be here. We are going to arrest he principal of the school." he whispered.
My eyes widened as I covered my mouth using my hand. My forehead creased after a while.
"Wala namang masasaktan, diba? I mean, maraming mga bata dito. Baka magkagulo, ano ba ang kasalanan ng principal?"
"Fraud, child abuse and kidnapping."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. One week ago, may nabalitaan nga ako na may bata na nawala. Hindi ko naman akalain na siya ang gumawa nito. Hinawakan ko ang braso ni Trevor bago muling magsalita.
"Kailangan bang dito niyo talaga gawin yan? Nakuha niyo na ba ang batang kinuha ng principal?" naninigurado kong tanong. Kumunot ang noo niya bago umiling.
"We are planning to get the principal first, sapat na ang ebidensya namin para patunayan na nasa kanya nga ang bata. We will get the kid by force if the principal won't cooperate." he explained. I narrowed my eyes in disapproval.
"You are going to mess the family day for the kids, Trevor. Hindi niyo siya pwedeng basta na lang kunin kasi pwedeng meron siyang back up plan. Paano kung may utusan siya para saktan ang bata? Kapag ganon, wala na kayong magagwa, baka ipapatay pa niya ang batang hawak niya." I said.
"Naisip ko na rin yan, and there is another team surrounding the house of the principal if we fail to catch her here."
"Alin sa mga bahay niya ang tinutukoy mo?" I worriedly asked. Muling kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What do you mean?"
"Ang sabi sa akin ng kaibigan ko, maraming properties ang principal. Hindi lang nakapangalan sa kanya ang lahat pero more than ten ang bahay at lupa niya dito sa city." I shared what Gina told me.
I saw him stiffed for a second before he used the ear piece and speak.
"Abort the mission. Get back to the base and re-plan for the mission." he coldly said. He looked at me again but he does not show his coldness to me. "Thanks for the tip. I should get going." he said before he wears back the head of his costume. Naglakad siya palapit sa pinto pero pinigilan ko kaagad siya.
"Wait lang, Trevor."
I smiled when he looked at me. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis siyang kinuhanan ng litrato. Natatawang ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag bago pa man niya ito kuhanin sa akin.
Sinenyasan ko siyang alisin ang head mascot niya. I took my handkerchief and offered it to him. Hindi niya ito kinuha kaya lumapit ako sa kanya at pinunasan ang noo niya na basang basa na sa pawis.
"You are doing your job well, Mr. Officer." I cheered him up. Kinuha niya ang panyo kahit naiilang. He wears the head of his costume back and went straight to the pathway which leads to the front gate. Lumabas na rin ako at lumapit kay Felix.
"Mama! Nanalo po ako ng toys!" he happily said.
I smiled at him. Ano kaya ang sinabi ni Trevor sa kanya kanina?
Felix and I decided to join a team race and other games. It is almost five in the afternoon when we decided to go home. The party is not yet over but I still need to prepare for my work so we go home.
***
resacoya
***
Happy Rading!

YOU ARE READING
Justice
RandomYoung age, young mind. What will happen when the girl full of dreams encountered an early challenge in her life? What will happen when the people that surrounds her are not giving her justice she deserves? How could she live if people do not even wa...