24

7 1 0
                                    

Lia's Point of View

"Bakit nandito na naman ako?" naiinis kong  tanong. I like the view here but I just had a bad memory in this place.

"I just want to ask something," Trevor calmly said.

Ano na naman kaya yon?

He opened the compartment in front of me and I am shocked to see me purse in it.

"Bakit nasa'yo ang purse ko?" tanong ko matapos niya itong ibigay sa akin.

"You left it there, ibibigay ko sana yan sayo but you keep on refusing to meet me." he reasoned out.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Sorry, and thank you." I apologized.

Ilang minuto ang tahimik na lumipas bago ako huminga ng malalim.

"Trevor," tawag ko sa kanya. "Sigurado akong hindi lang itong purse and ipinunta natin dito, ano ba ang sasabihin mo?" diretso kong sabi sa kanya.

"Actually, I opened your purse," he paused like he is hesitating to tell me whatever it is, but decided to sa it anyway. "I saw a picture of a teenage boy in there. Can I know who he is?" he asked.

Kumunot ang noo ko. Picture?

I sighed, dapat pa ba niyang malaman yon? Chismoso rin siya, eh?

"Ah, yan ang ama Felix." I simply said.

Wala namang mawawala kung malalaman niya kung sino yung nasa litrato, nakita na rin naman niya. Pero nagtaka ako ng makita siyang natigilan ng ilang segundo. Ano kaya ang iniisip niya?

"Bakit? May problema ba?" nagtataka kong tanong. Wala naman siyang dahilan para magkaganyan... unless. "Kilala mo ba ang lalaki sa picture?"

Hinawakan ko ang braso niya at tumingin ako sa mga mata niya. Kilala nga kaya niya ang lalaking yon?

"Ha? No, I don't" he said before he avoided my look.

Naupo ako ng maayos at muling binalot ng katahimikan ang sasakyan. At least, nasa akin na ang wallet ko ngayon.

"Do you want to see him?" he asked out of nowhere.

Muli akong humarap sa kanya dahil sa tanong niya.

"Akala ko ba hindi mo siya kilala?" naguguluhan kong tanong.

"I mean," he looked at me before he speak, "I can use my searching team to find him. That's if you'd wish." he explained.

Tumango-tango ako bago humarap sa kawalan.

"Ewan ko, parang ayoko siyang makita." sabi ko na parang mas kinakausap ang sarili ko. "Bakit ko pa siya hahanapin? Siguradong maganda na ang buhay niya ngayon."

Kagaya ni Cathlene, na best friend ko nung high school, alam kong pareho na silang masaya sa buhay nila. Natatakot din ako na kunin nila sa akin si Felix na ayokong mangyari.

Akala ko dati, ayos lang na ibigay ko ang anak ko sa isa sa kanila kapag malaki na siya. Pero ngayon, ayoko nang mawala ang anak ko sa akin. Selfish na kung selfish, hindi ko na siya balak ibigay sa kanila.

"Alam ba ng ama niya ang tungkol sa anak niyo?" Trevor asked that caught my attention. "He should even provide for you even though you are both in a seperate ways. That is according to the law--"

"Hindi niya alam." pigil ko sa sinasabi niya. "Hindi ko rin alam kung tatanggapin niya si Felix kung sakali man na alam niya." I sadly said.

Nalulungkot ako na matanggap na naman ni Felix ang rejection na hindi niya dapat maranasan. Ako ang nasasakatan ngayon pa lang.

JusticeWhere stories live. Discover now