13

5 0 0
                                    

Lia's Point of View

This is the last night of my night shift duty. Wala naman kakaibang nangyari sa akin nitong nakaraang mga araw.

Ang lalaki sa underground hole ay comatosed pa rin hanggang ngayon pero ang alam ko, nahuli na nila ang babae na gumawa non sa kanya.

Kahapon din, ibinalita ng isa sa mga newbies na nahuli na ang Principal sa school nila Felix. Out of chaos naman ang school dahil nagpadala na ang government ng substitute principal na siguradong hindi na gagawa ng kapahamakan sa mga bata.

Nakaupo lang ako sa pwesto ko sa newbies section at nagsusulat ng report ko. Kagaya ng dati, natutulog na ulit ang senior ko para sa kanyang beauty rest. Gusto ko rin sanang gawin yon, pero nung unang beses kong sinubukang matulog, nahirapan daw siyang gisingin ako.

Yon din yung gabi na nakatulog ako sa police station. Kaya mas mabuti na kung hindi na muna ako matulog, o lumabas sa building.

Medyo nasanay na ako na tahimik dito sa buong first floor. May guard na nagpapatrol every two hours at siya lang ang nakakausap ko. 

I almost jump in shock when my phone rings really loud. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag ni Gina.

'Lia? Aalis kasi kami nila mama, pwede ko bang isama si Felix? Bukas ng hapon pa kami uuwi.' she said, asking for my permission. I trust her, and I am glad that I can rely on her.

"Oo, sige. Wala rin namang magbabantay sa kanya kasi bukas pa rin ako uuwi."

'Okay, bye. Ako na rin ang bahala sa mga gamit niya, may susi naman ako ng bahay mo kaya dadaan na muna kami don.'

Tumango-tango lang ako bago magpaalam. Mabilis kong tinapos ang report bago tumayo at nag-unat ng katawan ko. Uminom ako ng kape kanina kaya gising na gising ang isip ko.

Nagsimula akong maglakad papunta sa mini kitchen area para kumain ng dinner. I used the microwave oven to reheat the sealed food pack on the fridge. They are giving this to us for free.

I waited for few minutes before I ate. The hot soup suits the pork sisig that I really love. I am in the middle of eating dinner when my phone rings again. Sinagot ko kaagad ito nang makita na isang producer ang tumatawag.

"Reporters on duty, proceed tayo sa terminal ng bus sa may Lily road." he commanded.

Pinatay na rin niya ang tawag kaya kahit hindi pa ako tapos kumain, tumayo na ako. But I accidentally spilled a portion of the pork sisig on my pale blue blouse.

Aish!

Wala na akong oras para linisin ito kaya naman ibinalik ko na lang ang pagkain ko sa freezer para makain ko pa mamaya pagbalik ko. Uminom kaagad ako ng tubig at mabilis na naglakad papunta sa lobby. Nandito na Sir Emman at kagaya ng mga nakaraang gabi, maghihintay pa kami ng ilang minuto bago bumaba rito ang senior ko.

Hindi ko na lang pinansin yon at humarap na ako sa camera man na naiinip na.

"Ano po ba ang nangyari sa terminal ng bus?" I curiously asked.

"May isang makina ng bus ang sumabog kaya may sunog sa lugar na yon. Nako! Bago pa makababa si Miss Valdez dito, baka patay na ang sunog at naibalita ng ibang news company ang tungkol don. Mapapagalitan na naman tayo ng director." reklamo niya.

"Anong nangyari dyan sa damit mo, Miss Constancia?" tanong ng isa pang camera man.

"Natapon ko po ang kinakain ko dahil nagmadali na po akong pumunta dito, pasensya na po." I politely said.

"Buti ka pa, mas gusto namin ang mga kagaya mo na hindi paimportante. Sana hindi mo gayahin si Miss Valdez kapag naregular ka na dito, kung hindi, nako, talaga naman. Dadagdag ka pa sa sakit sa ulo."

JusticeWhere stories live. Discover now