Lia's Point of View
"Okay! Oras na para buksan mo ang gifts para sayo!" Gina excitedly said after Felix blew the candle on the cake. My son clapped his hands in happiness.
Ako na ang kumuha sa mga regalo sa table sa living room. Nagtaka pa ako dahil apat na regalo ang nakuha ko dito.
"Gina, bakit ang dami mong binili?" I casually asked.
"Ha? Hindi ako, may nagdeliver ng dalawa niyan dito kanina." she explained. Kumunot ang noo ko bago ko ibigay ang mga ito kay Felix.
He opened the first box and he is really happy to see a helicopter with a remote controller. Tumingin ako kay Gina and she just shrugged her shoulders.
Then my son opens the other gift, which is from me. The regular size of an action figure that he always watches from the tv. He is so happy when he saw it.
The next gift is from Gina, just like last year, it has coloring books and coloring materials. And my son already thanked her knowing that those are from her. Naiiling ako habang natutuwa sa kulitan nilang dalawa.
Nawala ang ngiti ko ng hindi binuksan ni Felix ang huling kahon. Nagtaka pa ako ng ibigay niya ito sa akin. Hindi ko naman birthday, bakit sa akin niya ito binigay?
Natigilan ako ng makita ang nakasulat sa maliit na card sa ibabaw ng kahon.
-From Malia's number one fan-
I opened the box and was surprised to see a shiny gray stilettos. Humarap ako kay Gina at nakita na maging siya ay nagtataka rin.
"Saan ba talaga ito galing? Wala bang nakalagay sa package?" tanong ko sa kanya.
She teasingly smiled at me before she shook her head.
"May fan ang mama mo, Felix." she innocently said to my son. Natawa na lang ako.
Posible kayang galing ito kay daddy?
I hesitated but decided to take the shoes on anyway. Saktong sakto ito sa akin. Hindi ko alam kung kanino ito galing, but whoever it is, sana alam niya na nagpapasalamat ako sa kanya. Hinubad ko na rin ang sapatos.
"Okay, kumain na tayo ng cake!" pag-iiba ni Gina sa atmosphere.
I held Felix hands to help him slice the cake. Paborito naming dalawa ang cake na binili ko sa market kanina.
"Ang sarap!" he happily said.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ito. Pero unknown number ang tumatawag, ganoon pa man ay sinagot ko ito.
'I hope you liked the shoes.' sabi ng isang hindi pamilyar na boses bago ibaba ang tawag. Hindi man lang ako nakasagot o nakapagpasalamat. Hindi ko man lang naitanong kung sino siya.
"Sino yan, Lia?" Gina curiously asked.
"Hindi ko alam, pero sakanya galing ang sapatos at laruan ni Felix." naguguluhan kong sagot habang nakatitig sa cake. Sino naman kaya yon?
"Nako, wag mo na isispin yon. Hayaan mo na ang mystery fan mo. Anyway, diba may sasabihin ka kay Felix ngayong seventh birthday niya?" she said as if trying to remind me something I never forget.
Nagpasya akong wag nang sabihin kay Felix kung sino ang papa niya na hindi ko rin naman kilala. But Gina looks interested and Felix becomes sad.
"Ah, Gina kasi. Yung tungkol don, sa ibang araw ko nalang sasabihin, diba Felix?" naninigurado kong sabi. He smiled and nodded. Nakipag-apir ako sa kanya.
"Mama, pwede ko na po bang laruin itong helicopter?" nasasabik niyang tanong.
"Hm, okay. Dahan-dahan ka lang, okay?" paalala ko sa kanya para hindi niya masira kaagad ang laruan.
Tumayo siya at pumunta sa living room. Nakangiting pinagmasdan ko lang siya na maglaro.
"Lia," mahinang tawag sa akin ni Gina kaya humarap ako sa kanya. "Sure ka na ba na hindi mo na sabihin kay Felix ang totoo?" nag-aalala niyang bulong.
I weakly smiled before I nodded.
"Alam niya ang totoo, Gina." I sadly said. Confusion registered in her face. "Alam niya na hindi ko siya totoong anak. Hindi ko alam kung bakit at paano pero sa tingin ko, mas mabuti na hindi na muna namin pag-usapan yon."
She covered her mouth with her hand. Kahit ako, nagulat at natakot din nang nalaman ko na alam ni Felix ang totoo. Pero wala na akong magagawa at balak gawin. Ayokong masaktan siya kapag sinabi ko na ang lahat. Gusto ko muna siyang ihanda para sa mga posibleng mangyari, maramdaman at isipin niya.
***
Few weeks passed. Halos isang buwan na lang, malalaman ko na kung maaaprubahan ako para maging certified news reporter sa GKN news network o hindi. Wala na dapat akong problemahin, nagrank one na ako sa parehong standards ni Director Gab two weeks ago. Pero iniisip ko pa rin na hindi pa tapos ang munting kompetisyon sa pagitan naming pito.
Isa sa aming mga newbies ang nagquit na nung nakaraang linggo. Hindi ko rin alam kung bakit at ayoko na ring alamin.
Naglalakad ako ngayon pabalik sa newbies department. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil pinagtitinginan ako ng maraming tao. Hindi ito normal para sa akin. I am used that they ignore me most of the time becuase I am aware how busy they are. Ano kaya ang nangyari para tapunan nila ako ng tingin?
"Ate Malia!" sabulong ni Aya sa akin. She looks frustrated and stressed.
"Bakit?" I seriously asked.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kitchen. Walang tao dito sa loob at marahan niya akong itinulak paupo sa silya.
Ibinigay niya sa akin ang tablet na hawak niya kaya tiningnan ko ang nakasulat sa article na nasa screen nito.
Natigilan ako nang makita ang mukha ko dito at ang mga nakasulat dito.
"Ate Lia, pano na yan? Kalat na sa internet ang tungkol sayo at sa anak mo. Totoo ba yan, Ate Lia? May anak ka na ba talaga? What should we do? Siguradong tatanggalin ka dito sa GKN, Ate!"
Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi ni Aya. How can she be still concerned to me? She almost cried in worry as if it is her own problem.
Wala naman akong magagawa kung may nagpakalat nitong balita na totoo naman. Pero sino naman kaya ang gagawa nito sa akin na para bang may alam siya? Na para bang alam niya na matatanggal ako sa kompanya kung kakalat ang issue na ito?
"Don't worry, kaya ko ang sarili ko." I firmly said before I stood up.
"Saan ka pupunta, Ate Malia? Wag ka na muna lumabas dito. Wait for them to go--"
"Bakit ko naman gagawin yon? Wala naman akong pinagtataguan at wala akong ginawang kasalanan." matapang kong sabi.
Alam kong makakasira sa GKN ang issue tungkol sa akin pero wala akong magagwa. Maglalakad na sana ako palabas pero natigilan ako ng bigla niya akong yakapin. I can hear her little sobs before she speaks.
"I'm sorry, Ate Malia. Don't worry, everything will be okay." she said as if she is making me stop crying when she is the one crying at this moment. Natawa na lang ako dahil sa ginagawa at sinasabi ni Aya.
"I am okay, don't worry." I assured her. Sabay kaming lumabas matapos ang ilang minuto bago kami lumabas dahil hinintay ko muna siyang tumigil. Para talaga siyang bata. At dahil din dito, naging magkaibigan na ulit kami at hindi na ako iiwas sa kanya.
Hindi ko na pwedeng iwasan ang mga tao dahil lang takot ako sa iisipin o gagawin nila. After all, hindi naman sa akin iikot ang mundo nila.
***
resacoya
***
Happy reading!
YOU ARE READING
Justice
RandomYoung age, young mind. What will happen when the girl full of dreams encountered an early challenge in her life? What will happen when the people that surrounds her are not giving her justice she deserves? How could she live if people do not even wa...
