33

5 0 0
                                    

Lia's Point of View

Lumapit sa secretary na nasa harap ng desk niya.

"Saan dumaan yung lalaking kalalabas lang?" tanong ko sa kanya.

Itinuro niya ang pinto ng fire exit kaya naman halos tumakbo na ako papunta roon. Pumasok kaagad ako at bumaba sa hagdan.

Nagmamadali ako para maabutan ko pa si Trevor. Galit kaya siya? Bakit ba pakiramdam ko, kailangan kong magpaliwanag sa kanya? Bakit pakiramdam ko, mahalaga para sa akin ang iniisip niya? Bakit pakiramdam ko, kailangan niyang malaman na hindi ko boyfriend ang kumag na 'yon?

Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Trevor!" malakas kong tawag sa pangalan niya. I know he can hear me because of the echo that rings all over the emergency exit.

Mas binilisan ko pa ang pagbaba pero hindi inaasahan na natapilok ako.

"Ahh!"

Napapikit ako ng maramdaman ang sakit ng paa ko, nahulog pa ako sa hagdanan na hindi naman ganoong kataaas kaya ito ang bagsak ko. Napaupo ako sa sahig at ilang segundo kong pinakiramdaman ang sakit ng katawan ko.

Ang sakit!!

I bit my lower lip when I feel the pain starting to get worse.

Biglang may humawak sa braso ko kaya naman napatingin ako kay Trevor na sobrang nag-aalala sa akin. Biglang nawala ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya kanina.

Tumitig ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko, marami rin siyang gustong sabihin sa akin. Pero ilang segundo ang lumipas, wala sa amin ang nagsalita.

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at naglakas loob na basagin ang katahimikan.

"I'm sorry." sabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung para saan ang sinabi ko dahil sigurado akong wala akong kasalanan sa kanya. At wala rin akong dapat sabihin o ipaliwanag. Pero sinasabi ng puso ko na dapat niyang malaman ang totoo.

Bago pa man ako muling makapagsalita, naramdaman ko na bigla akong umangat mula sa sahig. Trevor lifted me up, like I was a piece of paper for him. He doesn't even show that it is hard for him to carry me.

Ibinaba niya ako sa hagdanan kaya naupo ako ng maayos.

"Trevor," tawag ko sa kanya. But he doesn't looked at me as he sat on my side. "Hindi ko boyfriend--" I bit my lower lip, hesitating to open it up to him. Should I tell him that the childish guy is my brother? Kilala kaya niya ang kapatid ko?

I sighed. I don't know what to say to him and I don't want to hurt or offend him. Why does it matter to me now?

"I believe in you," he said before he looked at me. "I believe in everything you say." he sincerely said.

My heart beats fast because of what he said. How can he believe me without even listening to my explanation?

I decided not to tell him my real relationship with my younger brother. Hindi na ako nagsalita pa. I can feel his sadness that is hidden behind his deep eyes.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakaupo lang at tahimik dito sa hagdanan. Pero ilang minuto ang lumipas bago kami makarinig ng foot steps. Sabay kaming tumingin ni Trevor sa taas ng steps at nakita ko ang magaling kng kapatid na natigilan ng makita kami.

Ilang segundo siyang nakatitig lang sa amin na para bang iniisip niya kung tutuloy siya pababa o aalis na siya. But I saw him smile in victory. Kampante siyang naglakad pababa.

"Sigurado akong may nangyari na naman sayo dahil kung wala, kanina mo pa akong sinugod."

Mautak talaga ang isang ito. I glared at him when he even sat beside Trevor.

JusticeWhere stories live. Discover now