52

1 0 0
                                    

Lia's point of view

This is the last time I am going to come in the police station as my assignment ends today.

Bukas na kami bibigyan ni Director Gab nang resulta matapos ang tatlong buwan na paghihirap ng bawat isa sa amin.

I sighed before I decided to continue walking. Nakapasok ako sa loob ng station at sinalubong ng ngiti ang bawat isang officer sa loob.

"Last day mo na dito diba?" tanong ng matandang officer nang hindi tumitingin sa akin.

"Yes, sir." magalang kong sabi.

"Jackpot!"

Napatingin kami sa isang officer na matatanggap lang ng tawag. Para talaga siyang nanalo sa lotto dahil sa ekspresyon niya.

Lumapit kaagad ako at inihanda ang ballpen at notepad ko.

"May nagbigay sakin ng tip tungkol sa nag-iisang anak na babae ni Mr. C!"proud niyang sabi.

Natigilan ako dahil sa sinabi ng officer. Tungkol... Sakin? Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin.

"Anong... Ano raw po ang meron?" naiilang kong tanong sa kanya.

Wala si Trevor dito ngayon na hindi ko alam kung bakit. Ilang araw na siyang umaalis mag-isa at hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya pumunta.

"Isang model daw si Ali C! At mamayang gabi--"

"Wala po bang iba?" tanong ko sa officer.

Siguradong fake news lang naman yon. Wala rin akong interes na makinig tungkol kay Ali C.

"Bakit? Hindi ba mas magandang news ang maibabalita mo kung tungkol sa sikat at mayamang tao ang story mo?"nagtatakang tanong niya.

"Oo nga po, pero sa tingin niyo ba gusto malaman ng tao ang tungkol kay Ali C? Hindi nga siya lumalabas sa mga magazines o news paper---"

"Kelan ka pa pumili ng news?" naiinis niyang tanong.

"'Di bale na lang po." sabi ko bago tumalikod sa kanya at naglakad pabalik sa bench.

"Hoy!"

Hindi na ako lumingon pa sa officer. Alam kong naiinis na siya sa akin sa mga oras na ito. Ito ang unang beses na may naibigay siyang report sa akin pero hindi ko man lang pinakinggan ang bagay na ito.

Magiging malaking news ba talaga kung ire-reveal ko ang sarili ko bilang si Ali C?

Hindi ko alam...

Nagbrowse na lang ako ng mga updates at news. Ilang oras ang lumipas, hindi pa rin nagpapakita si Trevor.

Nag-alala na ako kaya naman tinawagan ko ang cellphone niya. This is the first time he has not been telling me his whereabouts and what to do.

He didn't pick it up. What is going?

I was about to dial his number again when I realized that I may just getting used to it. I am always waiting for him to call or to pop up from nowhere.

I am just used to see him and talk to him often than I should.

I sighed before I put my phone back to my bag.

I know that he'll be fine. He should.

Ilang sandali ang lumipas bago ko marinig na tumunog ang cellphone ko. I excitedly take it and was a bit disappointed when Gina's name is on it.

"Gina?" hindi ako nagpahalata pero mukhang iba ang tono ng boses na natin g ni Gina.

'May iba ka bang inaasahan na tawag?' she maliciously asked. 'Anyway, yung field trip ng mga bata bukas na yon. Kasama nila ako at ang ilan pang mga teachers. Three days kami don--'

"Hindi ba pwedeng wag mo na lang isama ang anak ko?" I almost begged. She told me about this a month ago. And I still don't want to get this approved.

'Once a year lang ang field trip ng mga bata. Pumayag ka na, kawawa naman si Felix kung hindi ka papayag. Kung magkataon, sya lang ang hindi kasama sa batch nila.'

I sighed.

There's nothing I could do about this. My son is growing up and a part of it is learning things that he will be having whether I like it or not.

Hours come quickly passed.

It is almost dinner time when my phone rings again. I sighed before I answered it without looking at it.

"Oo na, Gina payag na akong sumama si Felix sa fieldtrip. Ano pa nga ba ang magagawa ko?" I said to Gina while arranging my stuffs. I trust her so much and I need to trust my son, too. "At least, alam ko kung saan siya pupunta. Hindi gaya ng iba kong kilala na hindi man lang nagsasabi kung buhay pa ba siya. At least, hindi ako mag-aalala, diba?. Hindi gaya nung kakilala ko na walang ibang ginawa kung hindi pag-isipin ako kung nasan siya o kung okay ba siya--Aish! Sige na. Uuwi na rin naman ako. Bye, see you later."

I ended up the call and sat on the bench.

Nasan ka na ba, Trevor?

I decided not to think about him as time flies by, mas lalo ko lang siya naiisip.

Bumalik na ako sa GKN matapos magpaalam sa mga police officers sa station. Nandito na rin ang iba pang newbies. Galing si Red sa sports center kung saan isang Linggo siyang nangolekta ng mga balita tungkol sa athletes at magaganap na Olympics. Nag-sign out na ako at umalis.

Kailangan ko ng lakas para bukas. Dumiretso ako sa bahay nila Gina para sunduin si Felix. Sabay kaming pupunta sa unit ko.

"Kahit anong mangyari 'wag kang lalayo kay Teacher Gina, okay? Maglagay ka ng anti-mosquito lotion bago ka matulog. Kapag pupunta ka sa cr, magpapaalam ka--"

"Opo mama, nasaulo ko na lahat ng bilin niyo. Wag na kayo mag-alala." sabi ni Felix na nakukulitan na sa akin.

Magkasama kaming nag-aayos ng gamit para alam niya kung saan kukuhanin ang mga kailangang gagamitin. Ngumiti ako at bahagyang ginulo ang buhok niya.

Lumabas ako sa kwarto ng marinig ang doorbell. Tiningnan ko sa screen kung sino ang nasa labas at nagtaka ng makita ko si Trevor. Binuksan ko kaagad ito at nagtaka ng makita ang hitsura niya. Lumabas ako para lumapit sa kanya.

He looks like he was frustrated for a long time.

"What happened to you---"

"Nasan ang anak ko?"

And that moment, I know it was Travis I was talking to. I never imagined this would happen so soon.

"Travis---"

He tightly held my arm before he pushed me against the wall. Napadaing ako dahil sa impact nito sa katawan ko.

"Why did you keep my son from me?" he asked, mad and confused.

Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko na para bang dito niya inilalabas ang galit niya. Pwede niyang mabali ang buto ko ilang segundo mula ngayon dahil sa ginagawa niya.

Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas ang pinto sa unit ko.

Travis pretended to be calm when he saw Felix. Huminga ako ng malalim at ngumiti bago humarap kay Felix.

"Mama, sinasaktan ka ba niya?" Felix sounds scared.

Lumapit ako sa kanya at kinarga siya.

"Hindi, nag-uusap lang kami ni Travis."

"Good evening po, Doctor." magalang na sabi ni Felix.

Humarap si Travis sa kanya at hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya. Paano niya kaya nalaman ang totoo? Sino ang nagsabi sa kanya nito? Si Cathlene kaya? O si Maurice?

Pero hindi na ito ang mahalaga ngayon. Sa tingin pa lang ni Travis kanina, balak na niyang kuhanin si Felix sa akin. This should not happen.

***
Resacoya
***
Happy reading!

JusticeWhere stories live. Discover now