Lia's Point of View
Few days passed after the fashion show happened.
Things went really quite messy after it. My pictures wearing the sexy outfit had went trending together with the name that is not originally mine. There are agencies that had been looking for me but I never showed up.
'Oo nga pala,' Gina said when she remembered something. 'Napansin ko na matamlay si Felix sa school nitong mga nakaraang araw. Lia, mag-iingat ka. Baka naiintindihan ni Felix kung ano ang nangyayari sayo sa trabaho. Tulungan mo siyang ma-divert ang isip niya kapag magkasama kayo, ang lungkot niya tingnan, oh?' she worriedly shared.
Kumunot ang noo ko bago huminga ng malalim. Nag-aalala ako sa anak ko, hindi ko na siya masyadong natutukan dahil nagkaroon pa kami ng iba't ibang mission ni Trevor na gabi o madaling araw na ako nakakauwi.
Nagpaalam na si Gina kaya ibinaba ko na ang tawag. Hindi na muna siguro ako sasama kay Trevor sa sususnod na mission.
Mayroon na ulit ilang mga producer ang kumuha sa akin sa tv news coverage nila at naging maayos naman ang show. Meron pa rin pero iilan na lang ang mga bashers na pati ang kompanya ay sinisiraan pa.
Nagpasya akong magpalipas ng buong lunch break dito sa roof top ng GKN building. Bumaba rin ako kaagad at dumiretso sa newbies section kung saan ako lang ang nakapwesto. Hindi ko rin alam kung bakit sabay-sabay na inilagay ni Director Gab ang anim pang newbies sa night shift at dalawang linggo sila sa ganoong schedule.
Natigilan ako sa pagbobrowse ng mapansin na naging tahimik ang buong paligid. Hindi naman kadalasang nangyayari na nawawala ang kahit na isang boses dito sa buong first floor. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na naglalakad papunta sa akin.
Oh, no. What is he doing here?
"Hi, Miss Constancia? Can you take me to the office of your director?" he politely asked.
I bit my lower lip to avoid showing my irritation. I avoided his look before breathing deeply. Tumayo ako bago magsalita.
"Sumunod ka sakin." I said without looking at him.
Nagimula akong maglakad at kagaya ng nakasanayan, dumaan ako sa fire exit. Pero pagpasok pa lang namin sa fire exit humarap ako sa kanya. I crossed my arms before speaking.
"Why are you here?" I seriously asked to him.
He removes his face mask before he walk towards me and hugged me like a kid.
"Ateee! I missed you so much!" he childishly said.
"Para ka pa ring bata." naiiling kong sabi bago ko siya yakapin pabalik. "Baka may makakita satin, ano ba ang ipinunta mo?" tanong ko ng bumitaw na ako sa kanya.
"Starting from now on, kapag may interview kami, ikaw lang ang papayagan naming gumawa non, napagkasunduan na ng grupo namin yon kaya hindi ka na pwedeng tumanggi--"
Hinampas ko ang braso niya dahil sa inis.
"Nasisiraan ka na ba? Pano kung mawalan kayo ng fans o magkaroon ng bashers dahil sakin? Ikaw ang may pakana non, 'no? Idadamay mo pa ang group niyo? Bawiin mo yan, sasapakin talaga kita!" maangas kong sabi bago umakto na susuntukin siya.
"Wala ka nang magagawa, pinapunta nila ako dito para kausapin ang direktor mo kasi alam kong papayag siya sa ayaw mo at sa ayaw." makulit niyang sabi at dinilaan pa ako!
My younger brother is a famous singer and dancer. He belongs to a boy group that shouts huge fame all across the world.
I am just worried that their career might get affected because of me.
YOU ARE READING
Justice
RandomYoung age, young mind. What will happen when the girl full of dreams encountered an early challenge in her life? What will happen when the people that surrounds her are not giving her justice she deserves? How could she live if people do not even wa...