Lia's Point of View
Aya keeps on mentioning her job in three stations she had been earlier. Close na kaming dalawa. mabait naman siya at sobrang friendly.
Inaayos ko na ang gamit sa desk ko. Naghahanda na kaming lahat, mula sa newbies section para umuwi. Our first day is awesome.
Pagkabalik ko kanina sa office, dumami ang mga producer or staff na kumukuha sa akin para sa news coverage nila. Hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko natanggihan ang iba kaya naman pagod na pagod na ako ngayon. My schedule was full, pati bukas, may nag-offer na rin sa akin.
Tumayo na ako at nag-stretch ng braso. But then the director suddenly appears from the back, which means he is very close to me.
"Good evening, newbies! Good job!"
Kahit gabi na, mahahalata sa direktor na hindi siya pagod o stressed. He is still looking fresh and charming at this hour.
"Hi, Director Gab!" bati ni Din.
I suddenly froze when the director looked at me. He is smiling like a proud man.
"We are going to have a group dinner. And I hope, all of you could come." he announced. Naging masigla ang bawat isa pero nagdadalawang isip na itinaas ko ang kamay ko.
Napatingin sila sa akin kaya naman nagsalita na ako.
"Sorry, pero hindi po ako makakasama." tanggi ko sa imbetasyon niya. And disappointment is visible to his face.
Walang kasama si Felix sa bahay. Siguradong kasama niya si Gina pero alam kong busy din si Gina. Mahihiya lang si Gina na sabihing hindi niya mababantayn si Felix hanggang sa makauwi ako. Hindi ko pwedeng iwan na lang ang anak ko mag-isa sa bahay.
"Napaka- unprofessional mo naman." prangkang sabi ni Aliza. Ang pinaka-photogenic sa lahat ng tao dito sa building. Ang ganda niya sa screen, ang lakas din ng dating ng poise at confidence niya. At alam ko na hindi kami magkakasundo.
"Miss Aliza, huwag ka naman ganyan. For sure, may dahilan siya." Aya defended, para siyang nagpapaliwanag sa bata dahil sa sobrang bait pakinggan ng boses niya.
"No, it's okay." napatingin kami kay Director Gab dahil nagsalita siya, "It's okay, I hope you can come next time." sabi niya sa akin.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad palabas. Sumakay na kaagad ako sa bus pagkalabas ako.
Alam kong hindi maganda ang inasal ko pero ayoko namang makapagplastikan sa kanila. This is a matter of balancing my work and parenting life. Hindi ko rin gusto ang group dinner. Tunog mabaho para sa akin.
Nagring ang cellphone ko at sinagot ko kaagad ito nang makita na si Gina ang caller.
"Pauwi na ako, Gina." diretsong sabi ko.
'Ha? Diba, may team dinner kayo? Nabasa ko sa news article dati, palaging may team dinner para sa mga newbies sa GKN.' sabi niya mula saka ilang linya.
"Oo meron nga, pero hindi na ako sumama kasi pagod na ako."
'Sus, ang sabihin mo, dahil kay Felix! Haha, okay. Anyway, kasama ko si Felix dito sa team dinner naming mga teachers. Kakain pa lang kami at mamaya pa kami makakauwi. So pwede ka na ring kumain muna sa labas, celebrate your first day, Lia.' she suggested.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Okay, may iba muna akong pupuntahan, tawagan mo kaagad ako kapag uuwi na si Felix."
'Hm, sige na. Mamaya na lang, bye.'
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag at naghintay ng ilang minuto bago makarating sa pinuntahan ko kaninang umaga.
Ang crime scene.
Nang makababa ako sa bus, tahimik akong naglakad sa madilim na site.
Gusto kong makatulong sa imbestigasyon. Alam kong may alam na rin si Trevor tungkol sa totoong nangyari. May idea na rin naman ako. Pero gusto kong masiguro ang theories sa isip ko.
Isinuot ko ang rubber gloves na nasa bag ko bago pumasok sa loob ng restricted area. Ginamit ko ang flashlight sa cellphone ko. Wala na rito ang mga evidence na nakita ko kanina. Siguradong tinanggal na ito ng mga pulis.
Pero sa tingin ko, may naiwan pa sila. Isang matibay na ebidensya na makakapagturo sa salarin. Pero paano ko naman mahahanap yon?
Hindi kaya nasolve na nila ang kaso?
Hindi man lang ako sinabihan ni Trevor. Hindi naman niya kailangang gawin yon dahil hindi na yon parte ng trabaho ko.
Tsk.
Kailangan kong kumilos mag-isa, kung ganon. Gusto kong makatulong sa pamilya ng biktima.
"Who are you?"
I almost jumped out of fear when I suddenly heard a cold voice. I didn't know that someone would be on this place at this moment.
I swallowed my shocked pace before slowly facing the owner of the voice. Napakurap ako nang sumalubong ang liwanag ng flashlight niya sa aking mga mata.
"Why are you here?" seryosong tanong ng lalaki bago alisin ang flashlight sa mukha ko. Nakita ko ng maayos ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan at munting liwanag mula sa flashlight ko. Si Trevor?
"Wala, ikaw, bakit nandito ka? Gabi na, what if magpakita ang killer dito--"
"You should be worry about yourself. Kapag may ibang nakakita sayo dito, pwede ka nilang pagkamalang suspect." he warned me.
Hindi ko naisip yon, ah. Oo nga, pwede nga akong maging suspect dahil sa basta-basta kong pagkilos dito.
"Gusto ko lang naman tumulong." depensa ko. I looked straight to his eyes before I crossed my arms. "Sigurado akong matino ka naman, may idea ka na rin kung sino ang gumawa nito, tama ba?" I directly asked.
I saw changes on his expression for a second. Looks like I'm right. Naglakad siya palapit sa warning tape bago ito itinaas at sinenyasan akong lumabas kami sa crime area.
Ginawa ko ito dahil mukhang may sasabihin siya sa akin. Pumunta kami sa sasakyan na nasa hindi kalayuan mula sa crime scene. He didn't bother to open the door for me, so I did it for myself.
"So, pwede ko bang malaman kung ano ang totoong nangyari? I mean," I started as soon as he closed the door of the car. "Alam kong confidential ito, pero gusto kong malaman kung may prime suspect na ba kayo?" I curiously asked.
"For a reporter like you, mukha yatang masyado kang interesado sa kaso na ito? It's none of your business, you know?" he frankly said.
"Gusto kong tumulong, Trevor. And besides, I practiced watching reports about crimes, too. Kaya sa tingin ko, parte na rin ito ng trabaho ko. Sa tingin ko, iisa lang ang prime suspect na nasa isip natin." I admit.
His forehead creased, looks like he is interested to whatever I say. I breathed deeply before speaking.
"Yung mga evidence," panimula ko "kadalasan sa mga crime cases, magulo ang crime scene o kaya naman, itinago o sinira na ang mga ebidensya. Pero ang nakita ko kanina, sobrang daming clues ang nagkalat sa paligid."
Humarap ulit ako sa kanya at nakitang tumatango siya.
"You get the point for that. Pero ang ebidensya ay hindi sapat para maituro ang totoong suspect." he coldly said.
"Kaya nga ako nagpunta dito," muli kong nakuha ang atensyon niya. "Naisip ko na may kulang pa. Or something had been hidden from this. Hindi ikakalat ng professional killer ang ebidensya na makakapagturo sa kanya. Ibig-sabihin, hindi sanay ang killer na pumatay ng isang inosenteng bata. Looks like the murder case is not all about murder. Sa tingin ko, hindi sinasadya ng killer ang nagawa niya."
"Who do you think killed the kid?" he asked, wanting me to spill the suspect in my thought, thinking that we both had one killer in mind.
"Isang bata ang killer."
***
resacoya
***
Happy reading!
YOU ARE READING
Justice
RandomYoung age, young mind. What will happen when the girl full of dreams encountered an early challenge in her life? What will happen when the people that surrounds her are not giving her justice she deserves? How could she live if people do not even wa...