Lia' s Point of View
This is the last day of my work in the studio. Katatapos lang namin sa evening shoot at nandito na ako ngayon sa fire exit. Dito ulit ako dumaan pabalik sa department namin sa first floor.
Katatapos lang namin mag-usap ni Gina at pumayag siya na magpa-deliver na lang kami ng mga pagkain para i-celebrate ang seventh birthday ni Felix. Nang makababa ako, kagaya ng nakasanayan ko, hindi ko pa rin pinapansin ang mga newbies kung wala naman kinalaman sa trabaho ang pag-uusapan namin.
Aya still asks me if I can come with them every time they are having dinner together. But I always refuse, kagaya ni Aliza na hindi rin nakikihalubilo sa kanila. But we have different reasons for so.
Lumabas na ako sa building at naglakad lang. May malapit na market dito at doon ako pupunta para bumili ng regalo. Ilang minuto lang akong naglakad bago ko marating ang makulay na open market.
Pumasok kaagad ako at bumili ng kung anu-ano, mga gamit sa bahay pero ang magandang regalo para sa anak ko ay hindi ko pa nahahanap. Mahilig siya sa mga action figure kahit na marami na siyang mga ganito sa kwarto.
Hindi ko rin balak magtagal dito dahil marami ang tao kahit gabi na. Tumigil ako sa tapat ng isang maliit na toy store. May nakita akong malaking action figure kaya kinuha ko ito.
"Seven thousand na lang yan, Miss."
Ano?
The price is shocking for some kind of this thing. Ibinalik ko ito at naiilang na ngumiti. Sayang, maganda pa naman.
"Hindi na po, salamat na lang."
Hindi ko kayang gumastos ng ganong halaga para sa isang action figure. Ang alam ko, mahal talaga ang mga ganito. Para sa mga collectors, mura na sa kanila ang ganitong price. Pero para sa akin, na isang ina na nagtitipid, hindi ko ito afford. Marami pa ang bayarin at nag-iipon din ako para sa future ni Felix. Tumalikod na ako pero bigla akong natigilan ng makita si Trevor sa labas ng store. Nakatingin lang siya sa akin kaya lumabas na kaagad ako.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.
"May bibilhin lang ako." he reasoned out. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya dahil sa biglang niyang pag-iwas ng tingin. Pero hinayaan ko na lang siya. Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad. Sumunod lang siya kaya naman nailang ako.
I still need to buy the gift for my son, but it is so awkward that he is with me. Ayoko namang sabihin na bilhin na niya ang bibilhin niya at ganon din ako. I still need to wait for him to go first. Pero ilang minuto ang lumipas, nakasuod lang siya sa akin. I bit my lip before I sighed. Humarap ako sa kanya and I saw him stiffed for a second before he avoid my gaze.
"Bakit ka ba talaga nandito? Sinusundan mo ba ako?"
He looked back at me before he speak. "Yes." he simply said.
Kumunot ang noo ko bago siya tinitigan ng kakaiba. Naiinis na ako sa kanya, ang kulit niya. Para siyang bata nitong mga nakaraang araw. Bigla bigla na lang din siyang sumusulpot kung saan.
Hindi na ako nagsalita bago tumalikod at pumunta na lang sa kung anong store na nakita ko para bumili ng laruan. Pinabalot ko na rin ito bago umalis.
Naglakad ako palabas sa market. Hindi ko rin gusto ang lugar na may masyadong marami ang tao, pakiramdam ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil don.
Hanggang sa makarating ako sa bus stop, nakasunod pa rin sa akin si Trevor. Hindi siya nagsasalita o gumagawa ng kahit na ano. Biglang nagring ang cellphone ko kaya ibinaba ko ang mga bag na gawak ko at kinuha ko kaagad ang cellphone sa bag ko.
'Mama!' napangiti ako nang marinig ang boses ni Felix gamit ang cellphone ni Gina. 'Nasaan ka na, Mama?'
Bago pa man ako makasagot, nakita ko na kinuha ni Trevor ang mga gamit ko at hinawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako papunta sa kung saan at hindi kaagad ako nakapagreklamo dahil kausap ko si Felix.
"Pauwi na si Mama. Bye bye na, hintayin mo ako, okay?"
Ibinaba ko kaagad ang tawag nang makasagot na siya. Ibinalik ko sa bag ang cellphone ko bago bawiin ang braso ko mula kay Trevor.
"Saan mo ba ako dadalhin? Kailangan ko na kasing umuwi." nagtataka kong sabi.
"Sa kotse ko. I'll take you home." seryoso niyang sabi.
Nagtaka ako sa sinabi at bago pa man ako makasagot, hinila na ulit niya ang braso ko. Aish!
Binawi ko ang braso ko bago sumabay sa paglalakad niya. Hindi na ako tumanggi dahil mas mabilis ako makakauwi kung sasabay ako sa kanya. Kaibigan ko naman siya, hindi kagaya ni Director Gab na boss ko. Aish! Bakit ko ba iniisip ang mga tao sa paligid ko?
Dapat kong isipin ang mas convenient para sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat na hindi naman niya laging ginagawa. Nang makapasok na ako, inilagay niya ang mga bag na dala ko sa likod bago siya pumasok sa driver's seat. Ako na ang nag-ayos ng seat belt ko kaya umalis na rin kami kaagad.
"Salamat nga pala," nakangiti kong sabi sa kanya bago humarap na lang sa bintana. Mas nagiging komportable akong kasama si Trevor nitong mga nakaraang araw.
"Birthday ng anak mo?" tanong ni Trevor makalipas ang ilang minuto ng katahimikan. Humarap ako sa kanya at nakita na seryoso lang siya sa pagmamaneho.
"Oo, seventh birthday niya." ngayong ko lang narinig si Trevor na banggitin ang tungkol sa anak ko. Ano kaya ang nakain niya simula nung nagkita kami sa private compound? "Ang bilis nga ng panahon, parang dati sobrang liit pa niya. Hindi ko mamamalayan, high school na kaagad siya." nakangiti kong sabi.
Baby pa siya nung una ko siyang mahawakan. Baby pa siya nung nagpasya ako na ako na mang magiging ina niya...
Sobrang bilis ng panahon.
"Nasan ang papa niya? Hindi mo siya binabanggit." there's a hint of little sadness in his voce.
"Hindi ko alam kung nasaan ang papa niya. Litrato lang niya ang meron ako, hindi ko na nga alam kung ano na ang hitsura niya ngayon." pag-amin ko sa kanya. Hindi ko na rin naman gustong hanapin ang lalaking yon. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko na kasalanan kung hindi niya makilala ang sarili niyang anak. I am very selfish as that.
"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.
"Single mom ako, ganon." paliwanag ko sa kanya. Ano kaya ang iniisip ni Trevor?
Kailan pa siya nagkaroon ng interes sa buhay namin ng anak ko? Pero ayos lang naman sa akin na malaman niya. Wala naman akong itinatago sa mga tao. Alam ko rin na hindi magiging maganda ang lagay ko sa GKN kung sakali man na malaman nila na may anak na ako at single mom pa.
Nakapasa ako sa isang blind interview. Isa itong program ng GKN ngayong taon lang nila ginawa. Hindi naman ito literal na blind interview. Inilagay lang nila ang applicants sa actual scenario sa broadcasting studio. Hindi nila kami binigyan ng script at nagplay lang sila ng actual video tungkol sa news. At kami na ang bahala sa news report na sasabihin nami. Hindi pwedeng magtanong ang mga judges ng kahit na anong tungkol sa applicants at tanging si Director Gab lang ang may access sa information namin. Kaya hindi nila alam ang tungkol sa anak ko.
Sigurado ako na kung nagkataong alam nila, babagsak na agad ako sa interview. Maswerte pa ako na makapasa dahil sa blind session nila.
Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makauwi ako sa bahay.
"Gusto mo bang pumasok? May maliit na celebratiom kami dito sa bahay." I invited him.
"No, thanks. May pupuntahan pa kasi ako. Enjoy." he said before he... smile?
I am so surprised that I saw him smile for the first time. Nahawa ako sa ngiti niya kaya naman ngumiti na rin ako.
"Bye, Trevor. Thank you." sabi ko at bumaba na. Kinuha ko ang mga gamit sa likod at muling bumalik sa harap. I knocked at his window and speak as he opened it. "Mas bagay sayo kapag nakangiti ka."
Tumalikod na ako at pumasok sa bahay. Gina and Felix are preparing the table for us. Ibinaba ko ang gamit ko at tumulong sa kanila hanggang sa magsimula na rin kaming kumain.
***
Resacoya
***
Happy reading!!! 😀

YOU ARE READING
Justice
RandomYoung age, young mind. What will happen when the girl full of dreams encountered an early challenge in her life? What will happen when the people that surrounds her are not giving her justice she deserves? How could she live if people do not even wa...