11

3 0 0
                                    

Lia's Point of View

Inilagay ng isang pulis ang palakol na wala nang handle sa isang malaking ziplock. Huminga ako ng malalim bago tumakbo papunta sa senior ko na nagsisimula nang maglakad palayo sa playground.

"Miss Valdez," tawag ko sa kanya bago tumigil sa harapa niya. "Pwede bang sumama muna ako sa kanila? Gusto kong ituloy ang news report tungkol sa insidente."

"Whatever." she replied without even looking at me. "Just be sure na matatawagan ka kung may panibagong emergency." she reminded before walking away.

Naglakad ako pabalik sa lugar kung nasaan sila Trevor. Umalis na ang ibang rescuer at mga pulis. And Trevor is about to leave when I get in his car. He stopped setting his seat belt when he saw me.

"Sama ako." I simply said before taking the seat belt on my side. Pero nahirapan ako sa paghila sa strap nito, it is stucked. Natigilan ako ng bigla na lang niyang hinawakan ang strap na hinihila ko. Humarap ako sa kanya at bigla akong napalunok ng makita na sobrang lapit niya!

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako nakagalaw. Ilang segundo ang lumipas bago niya tuluyang mahila ang strap at siya na siya na rin ang nag-ayos nito. Nag-iwas ako ng tingin bago pa man niya paandarin ang sasakyan.

"Hindi ba magagalit yung kasama mo kung sasama ka sa akin?" he asked while driving.

"Hindi naman siguro, saan tayo pupunta? Sa hospital, diba?" pag-iiba ko sa usapan.

Lumingon ako sa kanya at nakita siyang tumango.

"Ano sa tingin mo ang nangyari sa lalaki? Wala bang cctv footage? Sana naman maging okay lang siya. Sino kaya ang gumawa nito? Imposible naman na ginawa niya ito sa sarili niya. I mean, tumalon siya sa hole tapos don niya sinugatan ang sarili niya, diba?"

I feel like I am talking to myself. Hindi rin naman siya sasagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.

"May kinalaman kaya yung tumawag na babae? O witness lang talaga siya? But that doesn't make sense, kung nagsuicide yung lalaki, bakit hindi niya hawak ang ax at hindi ito malapit sa kanya. Pagbaba ko don, wala yon sa kamay niya. What if, sabay silang nahulog? Gaano na kaya talaga siya katagal don sa baba? Ikaw, Trevor? Ano sa tingin mo?"

Kahit alam kong baka hindi siya sumagot, humarap ako sa kanya sa pagbabakasali na may idea na siya sa nangyari. I bit my nail when silence take over.

Ilang minuto kaming naging tahimik hanggang sa tumigil ang sasaksay sa harap ng police station. Bumaba si Trevor kaya ganoon din ang ginawa ko at sinundan ko siya.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong. Ang akala ko, sa hospital kami pupunta pero nandito kami ngayon.

"Wala akong sinabi na sumama ka sa akin." he coldly said as he walks in the station. I pout while following him. "I am going to do my work. Hindi ko kailangan pumunta sa hospital dahil ibibigay naman kaagad nila ang report tungkol sa lagay ng lalaking yon." he explained.

Kahit na, sana sinabi niya sa akin para naman alam ko. Sumunod pa rin ako sa kanya at pumasok kami sa opisina nila. Kumaway sa akin ang ibang mga pulis na nasa harap ng computer nila.

Ngumiti ako bago kumaway sa kanila.

"Status?" Trevor coldly asked them.

"Walang cctv sa area na yon. hindi na rin namin matawagan ang caller." sabi ng lalaking nakausap ko kanina sa playground.

"Wala pang update hospital, inooperahan ang bata, alam na rin nila ang pangalan at tinawagan na ang pamilya nito. I sent you the email about his personal informantion." the other guy said.

JusticeWhere stories live. Discover now