30

5 1 0
                                    

Lia's Point of View

Nagviral ang report ko tungkol sa raid sa underground gambling house kahapon.

This time, magkahalo na ang positibo at negatibong comments at mga insights ng mga tao. Hindi kagaya ng una, meron nang mga tao ang nagtatanggol sa akin at sobrang nakakagaan ng loob. Hindi ko akalain na marami pa ring mga tao ang nakakaintindi sa akin na ngayon lang lumalabas. Marahil ang ilan ay wala namang pakialam noon o ang iba ang naman ay hindi na rin nakatiis.

May mga tao na binalewala na lang ang issue ko at mas pinansin ang trabaho ko. Meron ding iba na gustong manatili pa ako sa GKN news network dahil daw magaling talaga ako.

Pero may mga tao na sinabing nagpapapansin lang ako at nagpapasikat para kumita ng pera. Ang iba naman, gustong mawala na ang mga kagaya ko na sumisira sa sistema at nagbibigay kahihiyan sa bansa.

Feeling perfect.

Alam ko naman na walang kwenta ang mga sinasabi ng bashers pero nasasaktan pa rin ako ng sobra. Hindi naman nila alam ang totoo at hindi naman nila kailangang malaman. Ang mahalaga sa akin ngayon, hindi nila idinadamay ang anak ko.

Huwag lang nilang gagawin yon dahil hindi na ako magpipigil at ipapamukha ko na sa kanila ang totoo. Ang katotohanan na wala namang perpekto at ang lahat ay parehong sumisira at bumubuo sa society. Hindi ko naman kasalanan na hindi nila ako tanggap at ang mga kagaya ko pero hindi na tama na isinisisi nila sa akin ang lahat.

Nandito ako ngayon sa roof top ng GKN building. nagpapahangin at nag-iisip-isip. Maganda ang view mula dito sa taas at nakaka-relax ng isip.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ito.

'Nasaan ka na?' 

Nagtaka ako sa tanong ni Trevor mula  sa kabilang linya. "Anong sinasabi mo dyan?"

'Nandito ako sa labas, hihintayin kita.' seryoyo niyang sabi bago ibaba ang tawag.

Humarap ako sa baba at nakita ang sasakyan ni Trevor sa harap ng building. Ano kaya ang kailangan niya? Nagpasya akong bumaba at pumunta sa kanya.

Nakasandal siya sa sasakyan niya na nakatalikod sa akin. I secretly smiled when something came in my mind. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng sasakyan niya para umikot papunta sa kanya. Tahimik akong naglakad palapit at gugulatin ko na sana siya pero naging mabilis ang mga nangyari.

Bigla siyang humarap at hinawakan ang mga braso ko. He pushed me a little hard against the door of the car. Sa halip na siya, ako ang nagulat dahil sa bilis ng reflexes niya. 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. How could he do that? He is super cool guy.

He removed his hands on my arms when he saw me.

"I'm sorry."

Napakurap na lang ako at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ilang segundo ang lumipas bago ako maka-get over sa ginawa niya.

Tumikhim ako bago tumayo ng maayos. Nag-iwas muna akong tingin dahil ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at sobrang lapit niya, pakiramdam ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kanya.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" pag-iiba ko sa usapan. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil naiilang pa rin ako at nakakainis dahil hindi ko alam kung bakit.

"Maybe you want to join us, we will be having another mission." he seriouly said.

He caught my attention that's why I looked at him. He is inviting me for another mission!

"Tungkol saan naman yan?" nasaabik kong tanong.

"Let's talk in my car."

Pumayag ako at pumasok nga kami sa sasakyan. Humarap kaagad ako sa kanya at hinintay na magsalita siya. Pero nagulat ako ng bigla niyang paandarin ang sasakyan.

"Teka! Saan ba tayo pupunta? Hindi ko dala ang camera. Magpaliwanag ka muna! Hindi mo pa nga sinasabi kung anong gagawin ko, eh!" I demanded for his answer.

"May isang fashion show na magaganap sa lobby isang five star hotel. Hindi kagaya kahapon, hindi naman namin guguluhin ang event ngayon." he explained.

Parang kumislap ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya na fashion show.

"Ah, so anong gagawin ko? Paano ko maibabalita ang mangyayari na hindi ko magugulo ang event o mapapahiya ang mga tao? Ano ba ang gagawin niyo? Ano'ng meron don? May huhulihin ba kayong kriminal?" dire-diretso kong tanong.

"Magaganap sa event na yon ang illegal drugs trade. Hindi mo kailangang ibalita ang mangyayari ngayon pero kailangan ka namin bilang spy. You are the only person I can trust to do this." he seriously said as he focused on driving.

He trust me that much? I don't think someone could've had trusted me as much as he does.

"Anong gagawin ko bilang spy? Mag-pulis na lang din kaya ako pagkatapos ng kontrata ko sa GKN?"

"You will join the fashion show."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Magmomodel ako? Napangiti ako dahil sa idea na yon.

I can finally know how it feels like to be a model, even just for this day. I feel like my first dream is coming true and that is because of him.

"Thank you, Trevor." I said with all my heart.

Hindi nawala ang ngiti ko matapos ang ilang minuto.

"I will show you later a blueprint so that you will be familiar to the area. You just need to go to the dressing room. When no one is with you in the room, tell me. I will put the spy tools on you, just like yesterday so that no one will notice."

Nakangiting tumango lang ako sa sinabi niya.

"One of the coordinators is an ally, he already put a different name just to make you join the show. After I put the spy tools on you, I will leave and do my job on the audience area. If something happens, just call me. We can hear you through the mic. Use different voice when you need to say something to other people. Just stay quiet if you can." he explained.

Tumango lang ulit ako bago humarap sa kanya dahil itinigil niya ang sasakyan. Nandito ulit kami sa harap ng boutique ng pinsan niya.

"And, I forgot." he said while removing his seat belt. "You can kiss me whenever you want, even if there is no emergency."

Biglang uminit ang mukha ko at nag-iwas tingin. Tinaggal na ang seatbelt ko bago ako bumaba. Hindi ko na siya hinintay pa dahil pumasok na kaagad ako sa boutique.

"You're here again, my future cousin-in-law!" Essie greeted cheerfully. Eh? She suddenly hugged me very tight, as if we haven't see each other for years.

"That's enough," Trevor coldly said before he pulled me away from his cousin. I saw Essie pouted at him. "Just do your work." he coldy added before he let go of my arm.

Hinila na ako ng pinsan ni Trevor papunta sa room kung saan nila ako inayusan kahapon.

So, I am going to be that lady like again today. I let them work on my hair and face, just like yesterday. It didn't last for more than half an hour as they just reveal my natural beauty that I never even discovered myself.

They gave me a dress and helped me wear it on. It has puff sleeves and has a loose skirt. Binigyan din nila ako ng simple pero magandang doll shoes.

Lumabas kami sa room at nakita ko si Trevor na nakaupo lang sa sofa. Essie faked a cough to caught his attention. He slowly stood up as soon as he saw me.

Do I really look different for him?

***

resacoya

***

Happy reading!

JusticeWhere stories live. Discover now