2

16 2 0
                                        


Trevor explained many things to me while we are walking outside the GKN building.

Nakikinig lang ako habang sumusunod sa kanya. Ilang beses akong napalunok dahil ang unang news task ko ay...

Isang murder case.

I never expected this! Hindi pa nga ako makaget over na nagtatrabaho na ako sa isang news network tapos murder case kaagad ang ibabalita ko? Hindi naman ako maselan pero hindi ako sigurado kung kakayanin ng sikmura ko ang makikita ko.

Ayon sa mga sinabi ni Trevor, may isang city na malapit lang dito ang pupuntahan namin. Hindi pa alam ng mga pulisya kung sino ang killer at kung ano ang motibo nito sa biktima.

Tumigil si Trevor sa harap ng isang itim na sasakyan at sinenyasan ako na pumasok. Binuksan ko ang pinto sa passenger's seat at sumakay. Nang makasakay na si Trevor, pinaandar kaagad niya ang sasakyan.

"You will be interviewing a police officer. Stick to the script and ask carefully. Remember not to mention any inappropriate things that might affect the emotions of the family left by the victim."

Aish! Nakakainis naman ang isang to! Bakit sobrang cold niya at parang wala lang sa kanya ang sinasabi niya? Anyway, hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanya. This is my job and I have to do it right.

"Okay, basta ibigay niyo kaagad sa akin ang script para mapag-aralan--"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang siyang nagsalita.

"Anong ibigay sayo ang script?" he asked, annoyed. Hindi makapaniwalang tinitigan ko lang siya. He is rude to some newbie like me! "Ikaw ang magsusulat ng sarili mong script. Busy ang team namin sa paglutas ng kaso na ito, alangan namang kami pa ang magsulat ng script? Ipinaliwanag ko na sayo ang mga alam namin at hindi pa pwedeng sabihin. Ikaw na ang bahala don."

Bigla akong natigilan bago pa man siya matapos sa pagsasalita. Ano? Ako ang gagawa ng--

Aish!

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at nagsimulang magsulat ng notes at questionnaires. Nakakaasar, hindi niya kaagad sinabi sa akin na ako ang gagawa ng script. 

Hindi naman ako nahirapan sa pagsusulat ng script dahil alam ko naman kung ano ang nangyari ayon sa paliwanag niya. Ilang minuto kaming naging tahimik hanggang sa makarating kami sa isang pamilyar na lugar.

I'd been here before. Malapit dito ang bahay ng isa sa mga kaklase ko nung junior high school. I wonder if my classmate is related to the victim.

Bumaba kaagad ako ng itigil na ni Trevor ang makina. The caution tape caught my attention immediately. I walked closer the crime scene. Wala na ang bangkay ng biktima but marks are all over the area. Marami pa rin ang nagkalat na dugo dito sa damuhan.

I thought I am going to puke out when I saw this but scenario just caught my heart.

Worries flooded in my head. Unang pumasok sa isip ko si Felix.

What if he would encounter such terrible thing like this? How could he survive in this kind of dark world we live in? What if he would be a murderer or a victim one day?

Oh, no!

Pinunasan ko kaagad ang luha na pumatak sa aking mata bago tumalikod at lumapit sa mga pulis.

Napansin ko na may dalawa pang news reporter ang nandito at nag-aayos na sila ng make ups nila. I need to focus on this job. It hurts, as a mother and as a part of the community, to share sad news like this.

But everyone needs to be aware what things might be changing in the future. Nagtanong ako sa mga pulis. Ilang minuto ang lumipas bago ako naglibot sandali sa paligid at naghanap ng mga bagay na pwedeng makatulong sa investigation ng mga detectives at crime scene experts.

Hindi rin nagtagal, tinawag na ako ng camera man na galing din sa news network ng GKN at sinenyasan ako na magsisimula na kami. Ipapalabas sa tv ang mukha ko at hindi ko inaasahan na ito ang unang mapapanood sa akin ni Felix.

Nag-promise siya kanina na manonood siya ng balita. But I hope that he is not watching. But in his young age, he should be aware. Everybody should be aware.

"Miss Constancia! Ready na po?" tanong ng camera man. Huminga ako ng malalim bago tumango. "Okay, cue!"

I used my serious face and looked straight to the camera, just like how we did in my degree. This is it, Malia. Impress your boss and do your best. Stick to the goal.

Director Gab's Point of View

Being the son of the GKN owner was never been good. My father is the head director of this network. As soon as I finished my bachelor in college, he already set me up as a director of news department.

I am inside my office at eighth floor, looking at the screens and watching the newbies. Apat sa kanila ang may potensyal. It is almost lunch break when the top examiner flashed on the screen. I remembered her name, Malia Constancia. She is the best among the applicants and suited for the job. I wonder what she will be giving to GKN news for today.

"Ako si Malia Constancia para sa GKN news. Isang batang lalaki ang nagtagpuang patay sa isang sa isang grass flat, eksaktong 10:43 ngayong umaga. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, natagpuan ng kaibigan ng bata ang biktima na hindi na bumalik sa lugar kung saan sila naglalaro." nag flash sa screen ang pictures sa crime scene at ilang mahahalagang detalye pero hindi lahat ay ipinakita nila. "Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng salarin na hindi magtatagal ay ibabahagi na rin sa publiko. Hustisya para sa pamilya ng biktima ang hinihingi ng mga naiwang kaanak ng pitong taong gulang na bata."

Bigla akong napalingon sa pinto dahil bumukas ito. Pumasok ang secretary ko at naglagay ng papel sa table ko.

"Pinapanood niyo pala ang newbies, Director Gab." I saw him glancing at the tv screens on the wall before I take a look at the papers he gave me. "Feedbacks ito mula sa ibang department, Sir. Maganda ang ratings nila kay Miss Constancia na wala pang isang minuto sa tv." he said with his eyes full of adoration.

"Narito si Police Officer Namio Guevarra para sa iba pang detalye."

"Hm, she is quite unique, isn't she? She looked professional in appearance and not even stuttering once." I added while staring at her on screen. "She gave specific details which is good. Viewers like complete details so they would feel nothing is being hidden from them as they deserved to know the truth."

The main goal of GKN news network is to gain the trust of the people as we deliver them the best, fresh and true news and events as much as we can cover.

Three out of eight newbies already caught the spot as regular employees. Kung mas paghuhusayan pa nila, I'm sure my father would be proud. Ako rin naman ang pumili sa newbies so they are my obligation and responsibility. And Miss Constancia looks like she is not offended for having a crime investigation news for her first task.

"Reserve a dining table to my favorite restaurant, we will be having a welcoming dinner for the newbies." I said to my secretary, not leaving my sight from Malia Constancia. From my side view  I saw my secretary shook his head. I know what he is thinking. Probably not believing that I am doing this for Ms. Constancia, which is true.

"Noted, Director Gab." I looked at him and saw him smiling teasingly. He walked out and closed the door so I take my time watching Ms. Constancia who is speaking carefully.

Her words are very concerned behind the serious face. Lahat ng punto niya ay tama at akma sa situation na para bang sanay siyang maghandle ng ganitong news. Though I know that it is her first news stream.

I haven't realized that I am smiling all the moment of watching her.

"Muli, ako si Malia--"

Oh, anak ng berdeng kalabaw!!

***
Main Character
Gab Cobby
25 years old
Director of GKN news department
***
Samahan si Gab sa pagtuklas niya sa mga bagay na hindi niya inaasahan bilang direktor.
***
Happy reading!

JusticeWhere stories live. Discover now