"You don't have to be pretty just like her, you can be pretty like you" - Snash Martinez
Happy Reading :)
—————————————————————————————————————————————————————————————————-
Ysabelle's POV
"Sasama ako."
"Ayoko naman maabala ang trabaho mo, at isa pa pwede ko naman isama sina kuya-"
"Ma...sasama ako" then he hugged me. Hindi ko naman siya matiis eh.
"Sige na sige na...paano ang mga bata ha?at oo nga pala si Amica? " tiningnan ko lang siya. "Wala namang problema sa mga bata ma, besides pwede naman natin sila isama sa Quezon, and also tita Mabel lives there kaya meron tayong matutuluyan. Amica? don't worry about her tss."
"Nagpa-DNA na ba ang kambal?" I asked him. Naalala ko kasi bigla silang dalawa. "Yes and mamaya ko na kukunin ang results" pagkatapos niya sabihin yun I heard him sighed. "Kinakabahan ka ba pa?"
"Nakakatawang sabihin pero oo, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dapat hindi 'di ba?" naupo siya sa harapan ko pero ang ginawa ko lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Walang magagawa ang kaba, kahit ako din naman eh kinakabahan. Paano na lang kapag positive?
"Don't be, I'll be here. Sasamahan kita okay?" then I gave him a peck on his lips. Sht smile na yan. "Thank you ma"
Tinayo niya ako mula sa pagkakaluhod ko. Medyo masakit sa tuhod ah.
"Ano ba yan? bakit ka ba kasi lumuluhod? tingnan mo nga yang tuhod mo oh, pula na" sabi niya sa akin. This time siya naman ang lumuhod pagkatapos ay pinagpagan niya ito kasabay ng paghipan niya. Uhh.
"Ok lang ako, wag mo akong alalahanin" I said to him. "Ok ok ka dyan, eh halata naman sayo na hindi" sabi niya sa akin. Hay Ethan hanggang kailan ba ganito?
I promised na hindi kita lalayuan di ba, pero what if kung positive ang result? hindi pa ba kita lalayuan nun? kahit na mali na 'tong ginagawa ko?
Maya-maya lang may tumawag sa phone niya, he answered. Then I gave him privacy, baka naman kasi sobrang importante nung paguusap nila eh.
After a few minutes lumabas na siya mula sa kwarto niya pagkatapos kinuha niya ang susi ng kotse niya. "Are you ready?" tanong nito sa akin.
Ha? ready na ba ako malaman ang result?
"Ah uhmm yeah ready ako" then I smiled. Sht naman Ysabelle ang sinungaling mo!
Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay sabay kaming bumaba mula sa condo unit niya hanggang makarating kami sa parking lot. Hindi ko alam kung bakit tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Feeling ko natatalo ako ng takot. Relax! negative ang result niyan!
Sumakay na kami ng sasakyan then nagsimula na siyang magdrive. Hanggang makarating na nga kami sa isang ospital kung saan malalaman namin ang result ng DNA. What now?
Bumaba na kami pero damang dama ko pa din ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kilig kung hindi sa kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa ganito?
Tumigil kami sa isang pintuan, right. Pero bago kami pumasok hinarap muna ako ni Ethan, with a caress far more gentle than any soft pillow, he touched my cheeks down to my lips. " Please, kung ano ang maging result ng DNA, huwag mo kalimutan yung promise mo" without any further reaction, tumango lang ako sa sinabi niya. He gave me a sweet smile, hay relief.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...