"You are a distant start that I could not reach " - Andrew Avelino
Happy Reading Guys :*
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
"Oh my gosh! super late na kami sa balita ah?! eh anong mayroon sa inyo ngayon ni Ethan?" sabi sa akin ni Gabby na ngayon ay nasa office ko habang nakatingin lang sa akin si Elyssa. "So yun nga, mommy ako" sagot ko naman. Kwinento ko sa kanila ang lahat, ang lahat lahat simula nung sa Singapore tapos nung pumunta kami sa Sta. Rosa.
"You gotta be kidding me Belle. Anong nangyayari?" sabi naman sa akin ni Elyssa. Humugot muna ako ng malalim na hininga. Ugh! paano ko ba sa kanila maeexplain ng maayos.
"Hindi ako nagbibiro totoo mga sinasabi ko-"
"Gusto mo siya"
"Yeah- NO! bakit naman ako magkakagusto dun?" tumayo si Gabby mula sa pagkakaupo niya pagkatapos ay nagikot-ikot sa opisina ko. "Look who's defensive haha" nag-init bigla ang pisngi ko. Eh ano ba 'tong mga 'to! hindi ko naman talaga siya gusto ah!
"H-hindi no! tumigil nga kayo! basta ganun lang yun, ayoko sa kanya! "
"The more na pinipigilan the more na magugustuhan mo siya haha" nakita kong nag-apir silang dalawa pagkatapos ay bigla silang tumawa. Okay?
"Okay. Ayoko magkagusto sa kanya? alam niyo naman kung sino talaga siya di ba? oh wag niyo na ako i-push dun! pumayag lang ako maging nanay ng mga anak niya kasi...ah...kasi ano...wala lang cute kasi hehe"
"Talaga? what a valid reason Belle whooo! " tapos tumawa na naman silang dalawa 'don. Napatampal na lang ako sa noo ko. "Ewan ko sa inyo! basta yun na yun" hinarap ko na ulit ang monitor ng computer ko at nagsimula ulit mag-type.
"Pero ingat ka dun ha? nako! master of game of love yung lalaking yun" sabi ni Elyssa kaya nagkibit-balikat na lamang ako.
"Weird pero sweet naman siya eh, yun nga lang hindi natin alam kung totoo siya" sagot naman ni Gabby. Gulong-gulo na ako sa inyong dalawa ha! kung anu-ano pinagsasasabi.
"Tumigil na nga kayo, ayoko na pagusapan pa yan eh" suway ko sa kanila. Obviously? ayoko talaga pag-usapan yun lalo na't ang topic si Ethan. Kasi...nakakagulo ng utak? tama tama! nakakagulo siya ng utak, nakakagulo siya sa brain ko-
"Hoy!"
"Ay utak!"
Nagulat ako ng biglang sumigaw sa harapan ko si Gabby. Sht.
"Anong utak? tinatanong namin kung ano oras ng labas mo? marami ka kasing iniisip dyan"
Napa tango na lang ako sa kanila. Okay erase erase Ethan! Umalis ka muna dyan sa isip ko nakakaabala ka lang dyan eh!
"3'oclock ilang minutes na lang naman eh kaya pwede na akong mag-out" sagot ko sa kanila. Nakatayo na sa harapan ko ang dalawang lokang ito mukhang hinihintay ang pagaayos ko ng gamit. "What?" tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...