Hi :) ngayon na lang ulit ako nakapagupdate after 2 weeks. Pasensya na ah.
This chapter is dedicated to my classmate na napapagaling ngayon. He's still recovering magpagaling ka na! miss ka na namin :"( Prayer works. Basta para sayo 'tong chapter na 'to.
"When we first met, I had no idea you would be so important to me. " - Andrew Avelino
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
"Okay you may go na." sabi ko sa sekretarya ko.
"Sige po ma'am" tapos lumabas na siya sa pinto ng office ko. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Ang daming trabaho, ang daming inaasikaso. It's been 3 months nung simulang pumasok ako dito sa publishing company nina papa. Ang sakit sa ulo!
*knock *knock
Napabalikwas ako sa inuupan ko ng may biglang kumatok sa pinto.
"Pasok" sabi ko. Biglang pumasok si...
"Hi kuya!" bati ko sa kanya. Kala niyo naman kung sino. "Hi Belle how's work?" tanong sakin ni kuya.
"Nakakapagod nga" totoo naman kasi. Ganito pala ginagawa sa kompanya na 'to. Nakakasira talaga ng utak. Baka nga maging loka-loka na ako dito eh.
"Well dun sa sasabihin ko ngayon, baka mabaliw ka na nyan" napatitig naman ako sa sinabi ni kuya. Ano naman kaya ang sasabihin nito?
"Ano naman yun? nako kuya kung joke time lang yan, wala ako sa mood" inayos ko yung mga papers na nakalagay sa lamesa ko at tumayo ako para mailagay ito sa drawer.
" May business trip ka" napatigil ako sa pagaayos ng sabihin yun ni kuya. "Hindi ako sasama pagod ako period." walang gana kong sagot sa kanya. Hello?business trip ka dyan. Isaksak niyo sa internal organs pero hindi ako sasama dahil pagod ako.
"Are you sure?" hindi na lang ako sumagot sa halip tumango- tango na lamang ako. "Okay Singapore, goodbye" napatigil ako sa sinabi ni kuya. S-singapore?
"Wait! pakiulit nga ng sinabi mo kuya?Singapore?" napatanga ako kay kuya dahil sa sinabi niya. "Yup mukhang ayaw mo naman ata eh, so i guess sa iba na lang ni dad ibibigay yun-"
"SINONG NAGSABI NA AYAW KO?! PAGOD LANG AKO KUYA NGAYON, NGAYON LANG! ILABAS ANG MALETA!" halos napasigaw ako sa sinabi ko. "I'LL TAKE IT KUYA! PUPUNTA AKO NG SINGAPORE!" inayos ko yung bag ko at kinuha ito.
"Saan ka naman pupunta ngayon?" tanong ni kuya sa akin. "Sa singapore" mahina kong sagot. Lumapit sa akin si kuya at bigla ako pinitik sa noo.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...