"Hindi ako tulad ng isang kalapati na pagpinakawalan, bumabalik. " - Lloyd Valdia
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
7am pa lang pero pakiramdam ko buhay na buhay na ang dugo ko. Hindi kasi ako napakali. 2 days na lang yan! Tapos uuwi na ng Pilipinas. He acts so strangely though ganun lang naman talaga siya sa mga babae. Gusto ko siya takasan matapos yung nangyari kahapon. Bakit kasi ako pumayag! ako na ang magulo. Napaisip ako bigla...kung iwanan ko kaya siya dito sa Singapore tapos magpapabook ako ng flight tomorrow morning? hmm pwede pwede- teka! baka ako isumbong kay kuya nito! Erase erase.
Kung magtago na lang kaya ako dito forever sa hotel?- ay hindi! Paano na lang ako kakain?walang stock ng foods! Napatampal na lang ako sa noo ko. Isip isip Ysabelle!
Alam ko na! kung kumuha kaya ako ng kutsilyo tapos itaga ko kay Ethan? bright idea! *evil laugh* pwede!
"Hoy ano tinatawa mo dyan?"
"Ay kutsilyo!" Nagulat ako ng nakita ko si Ethan na nasa pintuan ng kwarto ko. "Kutsilyo?siguro pinagpapantasyahan mo katawan ko ano?tapos sinasaksak mo ako-"
"H-hoy tumigil ka nga! Bat nandito ka?" Putol ko kaagad sa sinabi niya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at pinuyod ang buhok ko. Pero naramdaman ko na lang na may kumuha sa pamuyod ko at kinuha ang buhok ko saka ito itinali. Bakla ba tong si Ethan?
"Im not gay. Marunong lang talaga ako dahil ako nagpupuyod sa kapatid ko simula ng mawala si mom" na-goosebumps bigla ako sa sinabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Pagkatapos nun iniharap niya ako sa kanya and he's wearing his d*mn smile. Oh gosh not now ethan. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Tama ba tong pinasok ko?
Utak: mali ysabelle! Hindi ka ba nagiisip na pinapaikot ka lang niya?! Kilala mo si ethan kaya dapat alam mo yung ginagawa mo.
Puso: g*go ka talaga utak! Pabayaan mo nga si Ysabelle kung ano yung gusto niya. Pambihira!
Nagulat na lang ako ng may biglang pumisil sa ilong ko.
"Aray naman! " sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
"Highblood ka na naman. Go fix yourself " sabi naman niya.
Bakit may muta ba?panis na laway? Kasi kung oo. Nkakahiya! Nagmadali ako pumasok ng banyo at humarap sa salamin.
"Wala naman eh" sabi ko sa sarili ko. Pasabugin ko tong si Ethan eh pinagmamadali ako.
***
"Done" sabi ko sa kanya na ngayon ay naglalaro ng zombie tsunami sa phone niya.
"Tara na?" Eh?yung totoo?
"Aalis ba?" Takang tanong ko sa kanya sa halip na sumagot tumawa na lang siya. "At anong nakakatawa ha? Mr. Lim?" sabi ko habang nakapamewang pa.
"Your'e cute Belle pfft" sabi niya sa akin. Cute?alam ko na naman yun! Duh? since birth kaya.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...