"Hope for the best, expect for the worst" - Snash Martinez
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
Weekend na ngayon. Oo ganun talaga kaibilis ang araw. Wala naman masyadong nangyari, the fact na mas lalong nagiging sweet si Ethan at hindi ko talaga mapigilan ang hindi kiligin hihi. Oo nga pala! si kuya last time, I can see his smile again. So ibig sabihin maganda ang naging paguusap nila ni Gabby nung hinabol siya ni kuya? hindi kasi nagkwekwento si kuya sa akin eh.
Maaga akong nagising kasi sabi ni Ethan maaga daw niya akong susunduin. Jusko! ito na namang impakto kong adrenaline rush 'di magkamayaw.
"Good morning ate!" bati ko kaagad kay ate na ngayon ay nagcocoffee sa dining area.
"Uy aga mo ah? saan gala?" tanong nito sa akin then she took a sip from her coffee. "Ah yes sunduin ako mamaya ni Ethan" sagot ko tapos naupo ako sa tapat niya.
"Ay oo nga pala 'no"
"Alam mo?" takang tanong ko sa kanya. "Oo nagpaalam kagabi sa akin si Ethan hehe Ikaw ha bibisitahin mo pala mga anak 'non" then she winked. Wow Ethan! ikaw na! pinagpaalam mo pa talaga ako eh. Pero wait- alam ni ate about sa kids?
"Ah alam mo pala ang tungkol sa mga bata? " nagtimpla din ako ng coffee dahil nainggit ako kay ate hihi. Medyo lumalamig na din kasi ang umaga.
"Bakit hindi ko malalaman 'yon? matagal ko na 'yon alam Ysabelle" bumalik ako sa lamesa tapos siya inaatupag naman yung phone niya.
"Ah ganun" sagot ko.
"Okay lang naman ah in fact after ilang years ng nawala ang pamangkin ko, may chance ka ngayon na maging mommy 'di ba? so kamusta na kayo ni Ethan? " tanong niya sa akin pero hindi siya tumitingin. "Kami ni Ethan?" ininom ko muna saglit yung kape ko.
"Ay hindi Ysabelle! kami ni Ethan, kami" she said sarcastically. Grabe 'tong kapatid ko. "joke ang sis. So ano nga?" pangungulit na niya.
"Nanliligaw pa din? the fact na ang sweet sweet niya lalo" sabi ko sa kanya. Napatigil siguro siya kapipindot sa phone niya pagkatapos ay tumingin na siya sa akin. "Yiiee! kilig kilig sis! ikaw ha! sumbong mo sa akin kapag nagpaloko ka 'don, mali nga yata ako noon sayo dati kung ayaw ko kasama mo mga kabarkada ni Keith eh and I'm sorry for that. Halata naman na masaya ka kaya go for it!"
Ang aning lang talaga ng kapatid ko. Sarap bunutin nang hibla ng buhok eh haha joke!
"TITA GANDAAAA!" nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin.
"Hi baby Zachary! " binuhat ko ito pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. Hmm ang bango bango lang eh. " Hi tita pretty! " bati naman nito kay ate kaya napatawa kami parehas haha bata pa lang eh ang galing na mambola.
"Kiss ko na saan?" tanong sa kanya ni ate. Bumaba naman si Zach pagkatapos ay lumapit kay ate para halikan ito. Swear! ang cute talaga nitong batang 'to.
"Ang sarap 'non baby! eh si tito wala?" ngayon umekstra naman sa harapan namin si kuya take note ang kanyang messy hair ah? taray! halatang bagong gising nga pero gwapo pa din.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...