Chapter 33

307 5 1
                                    

"I am a strong person but every now and then I also need someone to take my hand and say everything will be alright" - Ysabelle Valdia

Happy Reading :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

Everything went...well. The fact na nung nalaman niya ang pinakatatago kong sikreto, wow pinakatatago talaga eh no? well totoo naman, nung nalaman niya 'yon mas naging comfortable ako sa kanya, keep in touch sabi nga ng iba. Mas naging malapit kami sa isa't-isa, malapit naman talaga kami sa isa't-isa dati pa man pero iba ang aura ngayon eh.

Pero grabe, inaalala ko naman talaga ngayon si mama. Hindi siya nagiging maimik these past few days kahit kami nina ate at ni kuya hindi naman alam ang gagawin namin. Sina kuya Paul kaalis lang last day kahit ayaw pa ni Zachary umalis, wala naman magagawa ang bata kung hindi ang sumunod, medyo nakakalungkot nga eh wala na akong nakukulit na bata dito sa bahay.

"Pa! kain na tayo ready na ang dinner" tinawag ko si papa mula dun sa sofa. "Si mama? " tanong ko sa kanya ng maupo siya sa gitna ng hapag-kainan. Nakita ko namang bumaba si ate at kuya, wow sabay talaga eh no? tandem eh. 

"Ayaw pa din lumabas sa kwarto, nagaalala na nga ako diyan sa mama mo eh" sabi sa akin ni papa. "Sinubukan kong katukin siya doon sa kwarto, kaso tulala siya eh. Ano ba nangyari papa kay ma? simula nung umuwi kayo ganyan na yan? " sabi naman ni kuya pagkatapos ay sabay silang naupo ni ate. "Ang weird ni mama infairness" sabi naman ni ate. 

"Kahit tanungin niyo pa ako ng ilang tanong, wala akong masasagot. Hindi ko din alam kung bakit ganyan ang mama niyo ngayon" sabi ni papa. Nakikinig lang ako sa kanilang pinaguusapan.

"Pero papa, nung dumating kayo dito, nung pinuntahan ko siya sa kwarto niyo...bakit ano...bakit siya nag-sosorry sa akin?" and it hits them. Hindi ko din alam kung bakit nagsosorry si mama sa akin, wala namang nagawang kasalanan si mama as far as I know, kasi kung meron man, papatawarin ko naman si mama, not a big deal.

"What? now she's getting weirder" sabi ni ate. 

"Anak, pabayaan mo na lang muna si mama mo. Magiging maayos din siya" pinakalma naman ni papa ang sitwasyon. Pero kung gaano pa pakalmahin ni papa ang sitwasyon, hindi naman maalis sa amin ang pagaalala 'di ba? nanay namin siya. 

Wala ng nag tangkang mag salita sa amin. Kaya ng maubos ko kaagad ang kinakain ko, hindi ako nagdalwang isip na puntahan si mama sa kwarto. Haaay should I visit her kaya? pero bago ko pa man puntahan si mama, I checked my phone first kung meron na ba si Ethan na text.

1 message received.

oh meron nga. I opened it syempre...

From: Gabby C.

How's tita?

Sabi ko na nga ba Ysabelle 'wag kang mag-expect. Haaay medyo nakakadisappoint naman pero sige okay lang. Isa pa naman 'tong si Ethan eh! kanina pa ako hindi tinetext, as in no messages since this day. Nakakapanibago ha! nakakapanibago talaga...

Hindi ko muna nireplyan si Gabby dahil in-off ko ang phone ko. I keep calmed and tried to managed myself para puntahan si mama. Hindi ko muna iisipin si Ethan ngayon.

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon