Chapter 13

331 4 5
                                    

 

Salamat at natapos din ang bagyo:)

Happy Reading !

 

" I'm not perfect, But I'm loyal" - Keith Catalla

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

"Okay thank you sir" nagpaalam ako sa isang board member nitong publishing company. Nakakabobo naman talaga kasi kung anu-ano lang ang pinaguusapan, syempre malaki ang tiwala sa akin ng mga magulang ko kaya kailangan ko 'tong ayusin. Inayos ko ang gamit ko at lumabas mula sa office na yun.

"Tapos na?" nagulat ako ng biglang sumulpot sa tagiliran ko si Ethan. Nagulat talaga ako! napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Asan na si Faye?" tanong ko sa kanya. "May kinuha sa kotse, madali lang yun" sagot naman ni Ethan sa akin, tumango ako bilang tugon.

Naisipan kong umupo muna sa isang couch para makapagpahinga. Sumunod naman sa akin si Ethan, ngayon ko lang napansin ang kanyang blue colored polo which is bagay sa kanya. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi naman ako nagpumiglas.

"Relax. Bad mood ka na naman eh" sabi niya sa akin habang pinipisil pisil ang kamay ko. Ngumiti na lang ako sa kanya kasabay ng pagpikit ng mata ko.

"Gusto ko magpahinga, 2 hours din akong nakatunganga doon." sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap ito sa kanya kaya napamulat ako. Ano na namang pakana 'to Ethan?

"Hey uuwi na tayo ha? alam kong pagod ka na. Ayan na pala si secretary mo oh" napatingin ako ng tumingin siya sa direksyon ni Faye na papalapit sa amin. "Ma'am okay na po ang meeting? Pwede na po kayo bumalik sa hotel para makapagpahinga" ngumiti ako sa kanya.

"Salamat Faye" tumayo ako mula sa pagkakaupo ko kasabay nito ang pagtayo din ni Ethan. Hindi niya pa din inaalis ang kamay niya sa kamay ko. Shoot! para kaming couple.

"Ma'am! ayie kinikilig talaga ako sa inyo ni sir Ethan!" bulong sa akin ni Faye. Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Acting lang niya yun" sagot ko naman sa kanya kaya napatawa muli ako.

Pumasok kami sa sasakyan. Ang haba pa ng oras ng byahe, inaantok na talaga ako kaya naisipan kong isandal ang ulo sa may bintana. Di bale pagtyatyagaan ko na lang yung bawat pagkauntog ko sa salamin.

"Ano ba yan Belle nagtyatyaga ka dyan, nauuntog ka tuloy" lumapit sa akin si Ethan at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "Okay sleep na" pahabol niya tapos hinaplos haplos niya ang buhok ko.

Pinikit ko ang mata ko hanggang sa ito ay magdilim.

***

Nagising na lang ako ng marinig ko na tumutunog yung phone ko. Kinuha ko ito at sinagot kung sino man yung tumatawag.

"Good Morning!" isang boses ang bumati sa akin. "Hmmm?" sagot ko naman.

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon