Ito na oh. UD na ulit! sa mga nagbabasa nito mahal na mahal ko talaga kayo, mas minahal ko pa kayo kesa kay *Toot* chos lang . Pabayaan niyo na lang si author, sawi lang talaga ako haha!
"You know the difference between Promises and Memories?" -Ethan Marcus Lim
----------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
Isang linggo ang nakalipas ng sabihin ni kuya na ex niya si Gabby. Sa una di ako naniniwala pero sa mata pa lang ni kuya nagsasabi siya ng totoo.
Pero sa totoo lang? bagay sila ni kuya. Kailangan ko lang malaman kung sino ba talaga si Gabby sa buhay niya, alam ko na naman na ex niya siya kaso di ko lang alam kung ano yung pinagsamahan nila noon.
Naglalakad ako ngayon papuntang library. 2 hours vacant naman kaya may oras pa ako.
"Uy Elyssa! " sabi ko bigla ko kasi siya nakita sa isang table. Nilapitan ko siya at umupo sa isang vacant seat. " Oh ikaw pala yan Belle. Kamusta?" ngiti nitong sagot sa akin.
"Ayos lang ako, si Gabby nga pala?" tanong ko sa kanya.
" Di siya pumasok eh" sagot naman niya. Hindi pumasok si Gabby?ano naman kaya ang nangyari dun. "Bakit?" muling tanong ko sa kanya sa halip na sumagot , nagkibit balikat na lamang siya.
"Tara Elyssa cutting tayo" sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.
"Sigurado ka ba dyan Belle?" takang tanong niya sa akin. " Oo naman. Mukha bang hindi?" sagot ko sa kanya .
"Eh bakit ba tayo magcucutting?baka pagalitan tayo" sabi niya.
" Ano ka ba! mas mahalaga ang kaibigan kesa sa subjects" pagmamaktol ko naman kaya nakuha niya agad kung ano sinasabi ko. "Ah yun lang pala. Tara na! Kailangan tayo ni bestfriend" napangisi na lang ako.
"Ikaw bahala kapag napagalitan tayo ha" sabi ni Elyssa kaya tumango tango na lang ako.
Kay Kuya Paul na lang ako magpapaliwanag if mapapagalitan kami.
Ilang minutes lang nung pumunta kami sa dorm nina Gabby mukhang tahimik tska may second floor pala to. Halos bahay na nga eh tapos sila lang dalawa ang nakatira dito?
"Tara na pasok na tayo" sabi ko. Nakailang katok kami sa pinto pero walang nagbubukas nito. "May tao ba dito?" tanong ko kay Elyssa, mukhang wala din siyang alam kaya di siya sumagot.
Ilang saglit pa biglang bumukas yung pinto. "Gabby" mahinang sabi ko.
Para siyang dinaanan ng Bagyong yolanda dahil sa itsura niya. Magdamag ba siya umiyak?
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...