"Appreciate it while you still have" - Kurt Nikko Parenno
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
'Husband'
Waaaaa! Husband naman? pagkalabas na pagkalabas pa lang namin nung store agad siyang lumapit sa akin habang tinitingnan niya yung bracelet na suot niya na sumisimbolo daw ng 'LOYALTY' neknek niya! at pagkatapos nito bigla niyang kinuha yung braso ko para ipagdikit ito. Wala akong magawa kung hindi ang tumingin lang sa ginagawa niya.
"It looks perfect huh" tapos ngumisi siya ng bahagya hindi ko siya pinapansin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Uy galit ka pa din ba?" nakita kong kumunot ang noo niya, he's uhmm. He's cute. Inaamin ko naman yan kahit ano pang facial expression ata bagay dyan kaya hindi ko inaakila na habulin talaga siya ng mga babae. "Oh ang pogi ko 'no? kanina ka pa tulala sa akin Belle tara na nga!"
Alam kong tumingin ako sa kanya pero tumitig? tumitig ba ako? ganun ba yun kahaba para mapansin niya? napailing iling na lang ako.
Nauna ulit siyang maglakad habang nasa likod niya ako. Sige na nga secret lang natin 'to ha? pagnasaan muna natin siya ng saglit lang. Kung susuriin mo ang likod niya, hmmm maganda ang built ng katawan niya. Uso pa ba ang mag-gym? siguro sa kanya 'stay fit' kaya ayon! laway na laway siguro ang mga babae nito sa kanya. Napansin ko lang na simple lang yung suot niya, isang V-neck shirt tapos white pants which is bagay naman. Ang height 'kong 5'6 ft na kapag tumabi ka sa higanteng ito manliliit ka talaga. Hindi ko alam ang mga lalaking mala-adonis ang itsura nageexist pa pala. Marami namang gwapo yung mga naging lalaki ko and still counting, pero di ko naman matatanggi na mas angat itong lalaking 'to.
Tapos kung sa mukha naman niya. Harujusme goodluck! sa buhok pa lang? laglag panga ni Sam Milby. Alam niyo yung usong haircut? yung messy hair akala ko mukhang nest ng ibon eh pero pag nakikita ko sa kanya, d*mn model! tapos yung kilay medyo makapal. Yung dark brown niyang mata kasama ang mahahabang pilik-mata. Matangos na ilong...at...ano...yung lips. Kissable? yes. Manipis ito at medyo mamula mula. I wonder kung ilang girls na ba ang humalik dun.
"Are you tired? gusto mo na bang bumalik sa hotel para makapagpahinga?" pumanhik lahat ng iniisip ko ng marinig ko siyang magsalita. Napansin ko na nakalabas na pala kami ng mall at nasa harap namin ang isang sasakyan.
"Ayaw ko pa bumalik Ethan" sagot ko sa kanya. Tumango siya sa akin habang nakangiti. Kung siguro hindi kami mahilig sa laro nitong lalaking ito, malamang sa malamang kami nito...siguro.
Medyo nagtagal din kami kanina sa mall hindi ko lang napansin na ganun pala talaga kabilis ang oras. Ibinaba kami nung sasakyan sa isang bay. Medyo madilim na din at ramdam ko ang bawat hampas ng hangin sa akin. Kitang-kita ang city lights which is relaxing. Peace and calm 'yan lang ang masasabi ko. Humawak sa bewang ko si Ethan tapos sabay na kami naglakad. Like couples usually do, hindi na pati medyo mainit ang ulo ko sa kanya.
"Galit ka ba talaga sa akin? I'm sorry" napaangat ako sa kanya habang naghihintay siya ng isasagot ko.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...