Ysabelle's POV
"Ate...na saan sila mommy?" tinawagan ko si ate ngayon dahil siya lamang maaasahan ko sa oras na ito. "Umalis sila, why? pauwi ka na ba?"
"Yes ate, need to tell you something pero mamaya na lang, sabihan mo din si kuya na kakausapin ko kayo mamaya ha" then I ended the call. Why is this happening to me. Hindi ko naman ginusto na mangyari ang ganitong sitwasyon, ikot-ikutin ba naman ako na patay na ang anak ko na si Chelsea pero hindi pala, at dalawa pa sila. Paano nila ako naikot nun? eh sa result naman ng ultra-sound ko ay babae sya? now I am truly amazed.
"May I ask ba kung ok ka na?"
Sa halip na sumagot ako sa tanong nya eh hindi ko ito pinansin. Naramdaman nya siguro na hindi ako okay sa mga oras na ito.
Napahawak ako sa bulsa ko kung na saan ang phone ko at kinuha ito.
1 message received
Shit. Si Ethan.
Agad ko itong inopen para mabasa ang message nya.
Where are you? Bakit sya ang kasama mo
Biglang nagdoble ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang text nya. P-paano nya nalaman?
I immediately reply to his text
I'll explain everything later, please wag ka ng magalit.
Pagkasend na pagkasend ko ng text ko, inoff ko ang phone ko. Kahit saglit lang, gusto ko matahimik.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Almost 7 pm na kami makarating ni Dominique sa bahay, nararamdaman ko na ang tensyon. And yes, nakita ko agad si Ethan sa labas ng bahay. Pagka baba namin si Dominique sa sasakyan eh isang malutong na suntok ang inabot nya kay Ethan. Shit.
"Ethan! ano ba! tama na yan!" pigil ko sakanya pagkatapos ay pinuntahan ko si Dominique na kung saan ay namimilipit sya sa sakit. "Why him? nandito naman ako para samahan ka di ba? akala ko pa naman ang kasama mo ang ate mo, or si Lloyd, o mga kaibigan mo. Hindi ko lang matanggap na sya ang kasama mo" oo galit sya. Galit na galit sya.
"I'll explain na nga di ba? pumasok ka sa bahay" sabi ko sakanya tapos hinarap ko si Dominique. "Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya.
"okay lang ako, sige na kailangan ka nila dun. Text me if something happen ha" sabi sa akin ni Dominique pagkatapos ay sumakay na sya sa sasakyan nya at tuluyan ng umalis.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay pumasok na ako sa bahay.
Laking gulat ko ng makita ko sina Gabby pati na rin ang mga magulang ko, magulang?
"I'll explain everything, everything." sabi ko sakanilang lahat pagkatapos eh humarap ako sakanila. Kina Mr. and Mrs. Valdia.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Are you serious?" sabi ni Ethan sa akin pagkatapos ko i-explain ang lahat. Ang lahat lahat. Nakatingin ako sakanilang lahat habang sila ay nananahimik.
"Seryoso ako Ethan" napatingin ako sakanila, no need to mention, halatang gulat na gulat sa sinabi ko. "Kayo? ano ang masasabi nyo sa nalaman ko?" sabi ko sakanila. Nilapitan ako ng kuya ko pagkatapos ay hinawakan nya ako sa braso.
"Ysabelle a-anak-"
"Anak? wow"
"Belle, tama na" pigil sa akin ni kuya kaya napatigil ako. "Anak makinig ka, totoo ang lahat ng sinabi mo, walanghiya kami oo, pasensya na" at biglang umiyak si m-mommy. No no no, nanghihina ako sa ganito.
"Nung nalaman naming kambal ang anak mo, binigay namin ito sa isang lalaki, hindi namin sya kilala anak. Binayaran namin sya para ibigay ang mga bata sakanilang totoong tatay" biglang nanikip ang dibdib ko ng sabihin nila ito sa akin.
"Nasaan na ang lalaking yon?!"
This time naramdaman ko ang yakap sa akin ni Ethan. I can't help myself but to cry. Kawawa ang mga anak ko...
"H-hindi namin alam kung nasaan na sya" fcvk this life.
"Wala na ba kayong contact sakanya?" this time si ate naman ang nagsalita. "Wala na anak..matagal ng wala"
"PAANO KO MAHAHANAP ANG MGA ANAK KO?!" bulyaw ko sakanilang lahat.
"Belle shhh, tama na please" pagmamakaawa sakin ni Ethan. Hinarap nya ako sakanya at nakikita kong naluha na sya. No...
"A-ah kaya nandito kami Belle, may nalaman kami" napatingin naman ako sa gawi ni Elyssa ng magsalita sya. "Sabihin mo nga ngayon, ayoko na ng kasinungalingan please.."
"Ysabelle makinig ka sa akin" naramdaman ko ang haplos ng kamay ni Ethan sa mukha ko. "Kilala ko na yata yung lalaking tinutukoy nila..."
Tiningnan ko sya sa mga mata nya, umiiyak na sya ngayon...pilit ko itong inaalis sa pisngi nya ngunit may nakita akong sugat sa labi nya.
"E-ethan, anong nangyari sayo?" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang sugat nya. "Shh wag mo ng isipin yan, Belle makinig ka sakin ha"
Ilang segundo syang nakatingin sa akin, walang kibo, walang imik. Tahimik ang paligid.
"Hindi ba kwinento ko na sayo kung paano napapunta sa akin ang mga anak ko?"
Kinabahan ako bigla sa sinabi nya...wag mong sabihin na-
"Hindi ba may pumuntang lalaki sa bahay para ibigay sila?"
This can't be-
"Sila ang mga anak mo"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Enjoy reading! lavyah!
Be a Fan <3
Prethreelassie
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...