Chapter 19

262 3 0
                                    

"Be brave enough to hold on" - Ethan Marcus Lim

Happy Reading Guys :*

Dedicated kay Luhan (EXO) and to Luhan Shippers/ EXO-L/EXOtics/Luhan biased out there. Damang dama ko kayo. :(

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

*poke *poke

"Uy Belle gising na nandito na tayo" naramdaman ko ang isang kamay na kinukuhit ang balikat ko. Sht ang bango lang niya! hmm ang sarap lang-

OHMYGOSH! NAKATULOG BA AKO?! bigla akong napabaling sa kinauupuan ko pagkatapos ay napatingin ako sa kanya. Nakakahiya!

"haha mukhang nasarapan ang tulog mo ah?" nakita ko siyang ngumisi-ngisi sa akin tapos nagalis na siya ng seatbelt. Ginawa ko na lang din ang ginawa niya tapos lumabas kami ng sasakyan niya. 

Anong meron? bakit sa isang modernong bahay kami nakatigil ngayon?

Nakita kong pumunta sa likod ng sasakyan si Ethan para kumuha ng mga gamit. Wala talaga akong idea kung bakit kami nandito, bakit kami nasa isang magandang bahay, ang daming mga katanungan na naglalaro sa utak ko. Ugh ang gulo!

"Ethan na saan ba tayo?" tanong ko sa kanya para naman kahit konting idea lang meron ako. "Uhmm nasa Nuvali tayo"

Nuvali daw? ah! oo! yung magandang subdivision sa Sta. Rosa! now I know kung nasaan kami pero ano nga ba ginagawa namin dito?

"Ah eh ano gagawin natin dito?" isinara niya muna yung likod ng sasakyan pagkatapos niyang kuhain ang mga gamit tapos dumiretso...PAPASOK NG BAHAY?!

"O-oy! E-ethan! baka ma-trespassing ka dyan! nako pag nagkataon lagot tayo-"

"Paano ako mate-trespass kung bahay ko 'to?" napanganga ako ng sabihin niyang bahay niya yung nasa harap ko. AS IN BAHAY NIYA "TONG MAGANDANG BAHAY NA "TO?! SERYOSO?!

Dirediretso siyang pumasok sa gate hanggang makapasok siya sa main door ng bahay. Pero ako nasa labas pa din kasi ang hirap mag sink in sa utak ko kung totoo ba talaga yung sinsabi niya.

"Hey papasok ka ba or hindi?" napantig ng tenga ko ng bigla siyang magsalita kaya no choice sumunod ako sa kanya hanggang sa loob. Nakakamangha lang. Nakakamangha lang ang disenyo ng bahay niya.

"Seryoso ka bang bahay mo talaga 'to?" tanong ko ulit sa kanya tapos dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig kaya ganun din ang ginawa ko. "Oo bahay namin 'to"

Namin.

So ibig sabihin may iba pang nakatira dito maliban sa kanya? W-wag mong sabihin na babae?

Pinili ko na lamang manahimik at naupo sa isang upuan. Pero hindi pa din maalis sa mata ko ang pagkamangha sa bahay nila. "Hindi ka ba nagugutom?" hmmm pinakiramdaman ko muna ang tyan ko kung nagugutom na ba ako at ang sabi nito- medyo daw haha.

"Pwedeng gutom na pwede din namang hindi pa haha" biro ko sa kanya kaya napiling na lang siya.

Naglabas siya ng pagkain doon-wow! prepared masyado! tapos inihain niya 'yon sa lamesa kung saan ako nakaupo ngayon. Kumuha siya ng plato tska ng kutsara't tinidor tapos ibinigay niya sa akin. 

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon