Happy Holidays:)
"People fall inlove in mysterious way" - Ethan Marcus Lim
Happy Reading Guys.
—————————————————————————————————————
Kurt's POV
"Ano dude? papakamatay ka na? go ahead ng mawala na ang isa sa mga karibal ko sa kagwapuhan " sabi ko kay Keith na ngayon ay katabi ko. Putcha! nakakagago! nakakapanis ng laway!
"Pabayaan mo na lang ako pwede?" sagot nito sa akin pagkatapos ay inirapan niya ako. Aba! kita mo nga naman 'to, pati kagwapuhan ko dinededma niya. By the way, nalaman na niya kasi last week ang tungkol sa pagbalik ni Lorine, ayan ang gago nagmumukmok, hindi alam kung paano haharapin dahil sa kalokohang nagawa.
"Walang magagawa ang pageemote mo dyan! tss gay thing!" hindi na ako nagpaalam sa kanya pagkatapos ay lumabas na lang ako sa condo unit niya. Matatauhan din yan! gagawa gawa ng kalokohan hindi naman kayang harapin tss, that's why lahat ng lalaki nasasabihang 'gago'.
Sinuot ko ang shades na dala ko pagkatapos ay dumiretso ako sa kotse ko.
Walang trabaho? tsk masyado yata akong magaling para tapusin ang mga naiwang kong trabaho sa office? masyado na sigurong proud ang tatay ko tss.
Now saan ako pupunta? mukhang wala na talaga akong mapupuntahan eh. Hindi ko alam kung saan tinatahak ng kamay ko ang manibela. All i know is nasa tapat na lang ako ng mall. Forever alone? nah! sa gwapo kong ito forever alone ako? tss sayang genes ko kung hindi kakalat!
Inalis ko ang shades ko pagkatapos ay pumasok na ako sa mall. Syempre as expected nagtitinginan ang mga babae sa akin. Ano akala nila artista ako? lul! mas pogi pa ako sa artista!
Nginingitian ko lang sila dahil ayoko naman nilang isipin na ang snob ko lalo na't biniyayaan ako ng ganitong kagwapuhan. I'm still walking nang mapadaan ako sa isang barber shop kaya napatigil ako. Should I? mukhang mahaba na din ang buhok ko eh.
Pumasok ako ng may biglang baklang sumalubong sa akin.
"Hi sir! you want?" then he?she? ugh he winked at me. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"I mean sir papagupit ba kayo?" sabi niya sa akin. Sht! iba talaga ang charms ko!
"Ah yes, clean cut lang" sabi ko sa kanya. Sinimulan na naman niyang gupitan ang buhok ko. Ah sht lalo ata akong gagwapo nito eh.
After 30 mintues siguro yun natapos din nilang gupitan ang buhok ko. Naglabas ako ng 500 sa wallet ko.
"Sir sukli niyo po-" hindi ko sila pinansin sa halip ay dumiretso na lang ako sa labas. Okay, mas lalo ata kong pinagtitinginan ng mga tao? tss obvious naman na gwapo talaga ako.
Saan na ba ako pupunta? putcha naman kasi mga busy na sa trabaho yung mga gago, taliwas pa sa trabaho ko. Tsk.
"Kuya Kurt?" napatigil ako ng may biglang tumawag sa likuran ko. So ayon tumalikod ang pogi.
"Oh Gail! ikaw pala yan! ah eh solo ka lang?" tumingin tingin pa ako sa likuran niya kung may kasama ba sya pero muka wala naman ata. "Yes kuya solo lang ako, eh ikaw?"
"Oo eh. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya this time lumapit naman ako.
"Hmm dadalawin ko kasi mamaya si mommy, eh wala na din naman akong klase eh" sagot naman nito sa akin. "Ah I see, tara? para naman may kasama ka" ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay sumabay sa pagkakalakad ko. Darn! kung hindi lang ito kapatid ni Ethan, matagal ko na 'tong niligawan kaso kapatid eh parang kapatid na din ang turing ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...