Chapter 32

221 3 0
                                    

"You can throw your unecessary emotions into that trash can there" - Ysabelle Valdia

Happy Reading! ;)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

Paano na? paano ko na sasabihin sa kanya? shoot this.

*bzzt *bzzt

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang text na ba ito ni Ethan sa akin. Pero niisa sa mga ito hindi ko nirereplyan. I don't know why pero feeling ko hindi ko dapat siya kausapin ngayon. Ugh! ang gulo gulo!

' hey! bakit hindi ka nagrereply? busy? problem? need someone ? I'm here, always here okay? iloveyou :* '

I sighed. Pagkabasa ko pa lang sa text niya nanghina kaagad ako. Should I tell him na ba? pero hindi ko alam kung paano! 

P-paano na lang kapag kamuhian n-niya ako? kapag i-iwan niya ako? hindi ko kaya yun!

"Kung ako kasi sayo Belle, sabihin mo na? mahal ka naman nun!" yes back to my senses, nakalimutan ko nga pala na nandito sina Gab at Elyssa sa bahay, particularly sa kwarto ko. Hindi sila pumasok sa trabaho nila kahit ako.

"Oo nga Belle, besides hindi ka 'non iiwan, baliw na baliw nga sayo yung tao eh tapos iiwan ka pa?" sabi sa akin ni Gabby tapos naupo siya sa tabi ko. "Eh 'di ba, m-may anak ako tapos paano pag hindi niya matanggap 'yon?" sabi ko sa kanila habang nanginginig ang boses ko, sht pinipigilan ko lang tumulo ang mga luha ko dahil hindi ko ito kailangan ngayon.

"Kung hindi niya tanggap 'yon, kasalanan na niya 'yon. Ikaw nga eh tinanggap mo pa din siya ng buo kahit may anak siya. " sabi naman ni Elyssa. 

"Cut that thought okay? sabihin mo na sa kanya yan para wala ka ng problema" 

I just shrugged. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. 

"Don't worry, we're here for you, mahal ka 'non kaya dapat tanggap ka niya okay?" then parehas nila akong niyakap. "

"Kung sana hindi ako naging t-tanga noon, sana hindi ako nahihirapan ng ganito " I said.

"Shh tama na yan Belle." they both said in chorus. Pero wala eh, kailangan ko na talagang sabihin sa kanya.

Walang hiya! kahit ngayon nga lang Ysabelle maging matapang ka! bakit ba ako pinanghihinaan ng loob?! I will tell him! hindi bukas o sa mga susunod na araw pa, kung hindi ngayon! I will tell him now.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko pagkatapos ay pumunta sa coset ko. "Where are you going?" takang tanong sa akin ni Gabby.

"Sasabihin ko na sa kanya" mukhang nagulat silang dalawa sa sinabi ko pero napalitan naman 'yon ng mga ngiti so I smiled din.

Kinuha ko ang phone ko pagkatapos ay tinext ko si Ethan.

To: Ethan (daddy/pa)

Hey kita tayo? I'll meet you sa office mo okay? see you.

Pagka-send ko pa lang ng message, may kung anong mga kabayo ang nagkakarera sa dibdib ko. Not now please! kailangan ko itong gawin para sa akin, para sa kanya at para na din sa amin.

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon