Ayan na ulit! Medyo mabilis ang mga pangyayari. Gusto ko kasi yun para mas maraming twist. KAYA ABANGAN NIYO NA! Pag pasensyahan niyo na. Mas gusto ko ang mga POV ni Ysabelle ngayon kaya siya pa rin ang ginagamit ko.
Kaway naman tayo dyan kay friend ko! *kaway kaway* Pasensya ginamit ko ang last name mo HAHA
Hello JewelStrings! :D Para sayo 'to. Salamat sa book cover! :D*
Happy Reading :)
"I miss the old you. The one that cared about me." - Gabby Camacho
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
"Hi baby!" sabi ko sa kanya. " Graduate na si mommy oh! kamusta ka na dyan?" pinunasan ko ang mainit na luha ko sa dumaloy sa pisngi ko. Ngayong araw na grumaduate na ako, di ako makapaniwala. Oo proud ako sa sarili ko. Ngayong natapos ko na ang pagaaral ko handa na akong harapin ang mundo.
"Tara na Belle" nilaan ni Kuya ang kamay niya at kinuha ko naman ito.
"Baby Chelsea bye bye. Dalawin ka ulit namin ni mommy mo ha? Samahan siya ni tito. Masaya ka ba sa kanya? Masaya din kami. And we love you so much" napangiti ako sa sinabi ni kuya. Kahit naman nagalit sila sa akin noon di nila matatanggi na naging parte ng buhay namin si Chelsea. "Okay bye bye baby" muling paalam ko sa anak ko.
Sumakay ako sa kotse ni kuya. Siya kasi ang nagdrive papunta dito tska kami lang ang dumalaw.
"Are you happy?" tanong niya sa akin. Sa halip na sumagot ako sa tanong niya, ngumiti na lang ako ng bahagya. "Yeah halata naman" sabi niya ulit sa akin.
Tumingin na lang ako sa labas. May nakikita akong isang pamilya. Ang saya saya naman nila, hindi ko maiwasang hindi mainggit. Kung nabuhay lang ang anak ko edi sana masaya kami ngayon kahit pa wala siyang daddy.
Sa kabilang banda naman, nakita ko ang isang babaeng buntis. Wala siyang kasama. Naalala ko noong pinagbubuntis ko si Chelsea. Lagi akong gumagala sa labas wala akong pakialam kung malaki na ba ang tyan ko o hindi. Dati naisip ko din na ipalaglag ang bata, dahil magkadugtong ang buhay namin, anak ko pa din siya at minahal ko pa siya kaysa sa sarili ko. Yun nga lang wala siya sa mundong ito.
Tumigil kami ni kuya sa bahay. Maraming tao, isa lang ang ibig sabihin nito. Party. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa lahat ng paghihirap nina mama at papa nandito pa din sila para sumuporta sa amin. Lumabas ako ng sasakyan ni kuya at pumasok sa bahay.
Suot ko ang dress na binili sa akin ni mama. I find it simple yet gorgeous.
"Iha anak! " bati kaagad ni mama sa akin pagkapasok ko sa bahay. Bigla akong niyapos ni mama tapos nasa likod naman niya si papa.
"I'm so proud of you Ysabelle anak" bati naman sa akin ni papa. Nakita ko namang si kuya yung niyakap ni mama. "Ready for business?" napangiwi ako sa tanong ni papa. Hello? fresh graduate po ako. Wala bang pahinga dyan?pero sabagay pang aliw na din sa akin.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...