Chapter 38

21 1 0
                                    




Ysabelle's POV


"Okay kuya, i'm so sorry." sabi ko sa kabilang linya.

"So who's with you huh?" he asked me. Hindi ko masabi ang pangalan ni Dominique dahil sigurado ako magagalit talaga si kuya sa akin. "Uhmm hello?-ano? chop-choppy-bye" end call ko matapos ang mga acting acting skills ko, soooooo back to reality. Nagiikot ikot kami ni Dominique dito sa Quezon mga 30 minutes na din siguro.

"Ihinto mo sa tabi" biglang sabi ko ng makita ko ang isang babaeng may dalang pinamalengke. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko pero malakas ang kutob ko na sya yung hinahanap ko.
Agad akong bumaba ng sasakyan kahit alam kong hindi pa nakakapark ng ayos si Dominique.

I walked calmly para sundan kung saan papunta ang babaeng ito. "hindi mo man lang ako hinintay" rinig kong sabi ni Dominique sa akin pero wala muna akong pakialam. Nakasunod lang kami hanggang tumigil sya sa isang bahay.
"Excuse mo po!" agad ko siyang tinawag bago pa man sya tuluyang makapsok sa loob ng kanyang bahay.

Humarap siya sa amin at nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. Sinasabi ko na nga ba,

"Kayo po ba si Dra. Villaflor?" I asked her. Tahimik lang sya nakatingin sa amin. Mga ilang saglit pa eh tumalikod sya pagkatapos ay naglakad muli papasok ng kanyang bahay.

"Ako po ito, si Ysabelle Valdia." Tumigil siyang muli ng magpakilala ako sa kanya.

"Alam ko" sabi nito sa akin. Napatingin ako kay Dominique na agad din naman tumingin sa amin. "Pwede ka po ba namin makausap?" This time si Dominique naman ang kumausap sa kanya.

For the second time, hinarap nya kami at kasabay nito ang pagtungo nya.

--—-------------------------------------------------------------------------------------------

"Gusto nyo ba ng maiinom?" Tanong nito sa amin habang abala syang mag ayos ng kanyang pinamalengke. 

"Hindi na po kelangan, madali lang naman ho kami dito, kayo lang po kelangan namin"  sabi ko sakanya pagkatapos ay nilapitan ko sya. "Natatandaan nyo pa po ba ako?" I asked her pero hindi sya nakatingin sa akin. Hindi nya din sinagot ang tanong ko.
"Uh kayo po ba si Dra-"

"Ako na nga"

This time, mas kinabahan ako.

"U-uh ano po kasi, gusto ko po malaman kung buhay pa-"

"Oo." Nagulat ako ng diretsa nyang sagutin ang tanong ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo halong emosyon. Gusto kong maiyak sa galit ngunit hindi ko ito magawa dahil sa saya.
"N-nasan po ang anak ko?" Mahinahon ko itong tinanong sa kanya. Sa pagkakataon na ito humarap na sya sa akin at nakita ko ang kanyang maamong mukha. Hinakawan nya ako sa kamay at dinala sa upuan para maupo sa tabi ni Dominique at naupo naman sya sa harapan namin.

"Oo, buhay ang anak mo iha. Patawarin mo ako sa kasalanan ko sayo, hindi ko iyon ginusto, ngayon? Patuloy pa din akong hinahabol ng konsensya ko" nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. I saw her sincerity.

"Dra. napatawad ko na ho kayo, gusto ko lang po malamang kung nasaan na ang anak ko ngayon, baka nasa kalsada na sya, nagugutom, palaboy laboy, hindi ko po yun kakayanin" nag crack ang boses ng sabihin ko yun sakanya, naaawa ako sa anak ko. Wala akong kwentang nanay.

Naramdaman ko namang ang paghaplos ni Dominique sa likod ko habang nananatili syang tahimik sa tabi ko.

"3 years ago, 1 week before na kapanganakan mo.."

Flashback
Dra. Villaflor's POV

"Oh mr and mrs. Valdia, ano pong kailangan nyo?" Agad kong tinanggal ang gloves sa aking kamay at nakipag kamay sakanila.

"I want you to be the doctor for my daughter " sabi ni mrs. Valdia sa akin, wala mang emosyon akong makita sa kanyang mukha pero alam kong seryoso sya sa kanyang sinasabi.

"Gusto kong ikaw ang magpaanak sa kanya" napatingin ako sa gawi ni mr.Valdia pero nakatungo lang ito sa akin. " ah ganun po ba, sige po wala naman po problema sa akin yun " sabi ko sakanila.

"Pero gusto ko, pag nanganak ang anak namin, makatulog sya" nabigla ako ng sabihin nya yun sa akin. Are they serious about that? Papatulugin ko ang anak nila after giving birth?
"Hindi po yata tama-"

"Ako ang ina at ako ang masusunod" nagulat ako sa pagtaas ng tono ni mrs. Valdia sa akin. "Gusto ko kunin ang bata pagkatapos nyang manganak"

Hindi ko siya maintindihan.

" ayaw namin syang maging hadlang sa kanyang kinabukasan" pagkatapos nyang sabihin yun ay bigla syang tumalikod sa akin kasabay ng kanyang asawa. Leaving me clueless.

Anong klaseng ina sya?

End of flashback

*Ysabelle's POV*

Hindi ko alam na may luha na palang umaagos sa aking mga mata. Oo galit ako. Galit ako. Galit ako sa kanila. Nagagalit ako sa mga magulang ko.

"Then dumating na yung oras na manganganak ka, nandun ang pamilya mo, naguguluhan pa din ako sa nanay mo..."

"...kaso may mali eh, hindi normal ang tyan mo, kung titingnan sya masyado syang malaki para sa first timer na manganganak"

Patuloy lang akong nakikinig sa kanyang kwento. Hindi ko pa din masikmura kung paano nila kuhain sa akin ang anak ko.

"Nung mga oras na nanganganak ka na, nagulat ako, nagulat kami ng buong staff ko sa labor room..."

Kung kinakabahan ako kanina mas doble ang kaba ko ngayong oras na ito. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa tahimik na naramdaman ko sa buong paligid.

"Iha, kambal ang anak mo"

---------------------------------------------------------------------------------------
Hurray! After so many months, nakapag update na din. Hindi ko alam huhu nahihiya na ako sainyo. Baka wala na magbasa ng story na to dahil sa kakupadan kong magupdate. Pwede na ako masiraan ng bait😭 char.

I miss you all😘😘
Be a Fan❤️

Prethreelassie 😊

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon