"Stucked in this iluusion called 'US' " - Ysabelle Valdia
Happy Reading!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ysabelle's POV
"Hoy Ysabelle! ano bang nangyayari sayo at nakangiti ka dyan?" bigla kong naibaba yung phone ko ng bumulyaw sa harapan ko si Gabby. "Sorry naman ano?uso magsorry?" sagot ko sa kanya.
"Sino ba yang katext mo?" tanong nito sa akin. Actually, si Ethan kasi ang nagtext malay ko bang nakangiti na ako nung binasa ko yung text niya? hihi lande!
"Ah ano wala ano ka ba!"
"Ows? sabihin mo na nga yang ikinapuputok ng butchi mo! " halos matawa ako dahil sa inasal niya ngayon. Si Gabby lang ang nandito sa opisina ko. I wonder kung bakit wala itong trabaho ngayon.
"Wala nga ang kulit mo" sabi ko sa kanya.
*knock *knock
Parehas kaming napatingin ni Gabby sa pintuan ng may biglang kumatok. "Uhh pasok!"
Pumasok naman si Faye kasabay nito ang lalaki sa likuran niya...na may dalang bouquet ng flowers? tapos may box ng chocolates?"Ah ma'am may nagpapadala po nito..." sabi nung kuya mula sa likuran ni Faye. Hala? ano naman kaya ito? "A-ah sige...ano...lagay mo na lang dyan" sabay turo ko sa may lamesa ko.
Nilagay naman ito pagkatapos ay tumungo na palabas. "Sige po ma'am " paalam sa akin ni Faye kaya naman tumango ako. Nagkatitigan kami ni Gabby, oo titig talaga! as in para bang nagtatanong ang mata niya kung kanino galing yung bulaklak at chocolates. I just shrug.
Bago pa man ako makalad papunta sa lamesa ko, inunahan na ako ni Gabby. Ang waso! grabe lang hindi naman kanya 'yon tapos siya agad yung titingin nung flowers?
"OH MY GOSH GIRL! IKAW NA! HABA NG HAIR MO!" narinig ko siyang tumili kasabay nito ang pagtalon. arang engot lang ito eh. "Bakit ba?" tanong ko sa kanya. Ang weird weird lang grabe may nalalaman pang patalon talon.
"ANONG BAKIT BA?! HOY BABAE! GALING PALA ITO KAY ETHAN?!" napalaki ang mata ko ng banggitin niya kung kanino galing ito. HALA!
"A-ano? teka nga! akin na yan!" kinuha ko sa kanya yung bouquet tapos tingnan ko kung may naasulat ba na card or what...
Hey beautiful :)
I hope this will make your day.Keep safe:* iloveyou
"KYAAAAA! SO SERYOSO NA SIYA?! KYAAAAA! IKAW NA BELLE!" halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng mabasa ko ang nakalagay. Hihi kinikilig ako? sht ang corny! basta napangiti na lang ako ng palihim. Lakas mo magpakilig!
"Hehe ano ba Gabby tumigil ka na nga!" sabay palo ko sa kanya ng mahina sa braso.
"GOODNESS! HIHI NAKAKAKILIG KAYO! " napailing iling na lang ako. Hmm start na ng panliligaw ni Ethan? haha okay kinikilig na ako! shh quiet lang kayo. "Oo na tumahimik ka na lang dyan okay?" sabi ko kay Gabby. Kinalma niya muna ang sarili niya pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
The Game called LOVE
HumorLove? hindi ito kinakain, hindi ito nabibili, hindi ito nakikita, at hindi ito nilalaro. Pakiramdam yan, nararamdaman yan at pinaparamdam yan. Kung susubok ka sa isang laro ng pag-ibig, papayag ka ba? ititigil mo ba kahit alam mong talo ka na? o kay...