Chapter 24

267 2 3
                                    


Inuulit ko po.
Ang mga nagaganap dito ay pawang kathang isip lamang.

"Lahat ng nangyayari ay nakatadhana"- Andrew Avelino

-------------------------------------

Ysabelle's POV

"A-ate kailan ka pa bumalik?" hindi ko pa din lubos na maisip kung ano ang nangyayari ngayon. Si ate... bumalik na siya pero kailan pa?

"No need to know Ysabelle" sagot nito sa akin. Anong no need to know eh halos mag memory full itong utak ko dahil sa kanya! May saltik ata 'to eh!

"Ano ba ate! bitaw nga! " naramdaman ko na lang na hinihigit na niya pala ako palabas ng food chain. Bwiset ha! kung hindi ko lang 'to kapatid edi sana nasabunutan ko na 'to.

"Let's go home" malamig nitong sabi sa akin.  "Paano sina Elyssa don? " tanong ko sa kanya.

Napahinto naman siya sa sinabi ko. Thank goodness dear!  hinarap niya ako kasabay nito ang pagtaas ng kilay niya. "Is it important?" takang tanong nito sa akin.

"Mga kaibigan ko kaya pwede ba ate kailan ko pa sila balikan don" pinilit kong makaalis sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sanhi ng pamumula ng braso ko. Oh sht!

"No, we'll go home whether you like it or not!" kahit nagpupumiglas ako wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Oh gosh! Is this really my sister? the hell what's going on with her?! hindi naman siya ganito noon pero bakit ang laki ng pinagbago niya? kahit physically, ibang-iba na siya. Ang dati niyang black na buhok ngayon red na, dating bagsak ito pero ngayon kulot kulot na. Kung dati maputi na siya mas ngayon! 

Hindi ko siya inimikan hanggang makasakay kami sa isang white na sasakyan pagkatapos ay sumakay si ate sa driver's seat. Bigtime! kanya 'to?

Walang gana ako sumakay sa katabing upuan nito pagkatapos ay nagsimula na siya mag-drive. Bahala siya sa buhay niya! ang tagal tagal niya nawala pagkatapos bigla bigla na lang siya  magpapakita sa akin? now she's really damn crazy.

Ay sina Gabby!

Kaagad kong kinapa ang phone ko pagkatapos ay nagcompose ako ng message para makapagsabi sa kanila na inuwi ako ng walang hiya kong ate. 

To: Gabby C.

Uy! sorry hindi na ako makakabalik dyan kahit gusto ko wala akong magagawa eh. Pasabi din kay Elyssa at Andrew na sorry. 

Pagkatapos nito ay ni-send ko na agad yung text. Diretso lang si ate na nagmamaneho habang nakatingin lang ako sa labas. Naiinis ako! sobrang nakakainis si ate!

"Hey you little brat! don't you ever go with Andrew understand?" bigla akong napatingin sa kanya ng sabihin niya 'yon. What? nababaliw na ba talaga siya?

Napaisip ako bigla- Shit si Keith kaya?! siya ba ang dahilan kung bakit ayaw ako palapitin ni ate sa mga barkada niya? wow! ilang taon na ang lumipas wag niyang sabihin na hindi pa din siya naka-get over? 

"So what? nako ate ha! masama bang maki hang-out sa kanila? kabarkda naman sila ni kuya 'di ba oh anong problema don?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ang arte arte lang ha! 

"Makinig ka na lang sa akin Ysabelle. Y-you don't know them" now it hits her! I don't know them? huh! kilalang-kilala ko na sila! lalo na si...hehe kilala niyo na. "Hindi mo ako madidiktahan sa gusto ko ate." sagot ko sa kanya. Hindi na lang siya umimik mas mabuti na din 'yon dahil masakit sa tenga ang bawat linya na sinasabi niya. 

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon