XANCHA can't believe it.
Buhay na buhay ang mga magulang niya, tumanda man ang mga ito ay nakikilala niya parin. At basi sa ayos ng mga ito na puro luho sa katawan ay kumirot ang puso niya.
Mukhang nasa mabuting kalagayan ang mga magulang niya sa mga nagdaang taon na naghihirap siya mag-isa.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, gulat, pagtatampo at lungkot. At dumagdag pa doon ang mga sinabi ni Hendricks para kay Iñaki.
Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Iñaki dahil nanghihina ang pakiramdam niya.
"Anak. Ang laki-laki mo na." may ngiti sa labi na sambit ng kanyang Ina na para bang hindi siya nito napabayaan.
Tagaktak ang luha, nanlalabo ang mga mata na pagak siyang tumawa.
Dapat ay matuwa siya dahil buhay pa pala ang mga ito pero wala siyang madama kahit katiting na saya.
Napasapo siya sa kanyang sintido gamit ang dalawa niyang kamay ng bigla na lamang itong kumirot at may mga malalabong pangyayari ang parang pilikula na nag-play sa isip niya.
"BABY!" dinig niyang malakas na sigaw ni Iñaki bago siya mawalan ng malay tao.
"Mommy where are we going po?" tanong niya sa kanyang Ina.
"Where going to your Tito Morte and Tita Elzpeth's house." nakangiting sagot nito sa anak at pinatakan ito ng halik sa pisngi.
"Why are we going to Tito Morte and Tita Elzpeth's house po?" tanong niya ulit na may kiming ngiti sa labi.
Sinuklay suklay ng kanyang Ina ang kanyang maalon na buhok. "Dahil may batang kinupkop ang Tito at Tita mo, Diba hindi sila magka-anak? And you always want to have a brother or lil sister but i can't give birth again. I'm sure you'll love to play with him. He's 4 years older than you so' he will be your kuya."
"Omg mommy! Talaga po? May makakaplay na po akong bata like me?" masayang paninigurado na tanong niya sa Ina.
Homeschooled kasi ito dahil sa kabi-kabilang kalaban ng kanilang pamilya sa negosyo. Kapag lalabas naman ay lagi itong may kasamang mga bodyguard, tulad nalang ngayon may tatlong sasakyan sa kanilang likod kung saan doon nakasakay ang kanilang mga bodyguard. At kailan man ay hindi ibinulgar ang mukha ng bata sa madla para sa kaligtasan nito.
Monterosseau family are powerful, dangerous, and very rich. They own a lot of businesses and companies in the whole world, such as Buildings, Jewelry Store, Super Market, Tech companies, Hotel & Restaurants, Airlines, Pharmaceuticals and Hospitals.
Tumigil ang lulan nilang Limousine sa isang magarang mansyon. Binuksan ng isa sa kanilang bodyguard ang pinto, pagkabukas ay tuwang-tuwa na nauna siyang pumasok sa loob habang ang kanyang Ina ay naiiling na nakasunod sa kanya.
"Good morning everyone! Morning po! Andito nanaman po ang kyut na maganda nyong pamangkin!" masiglang bati ng bata pagkapasok sa loob.
"Good morning too cutie."
"Morning sweetie."
Balik na bati ng kanyang Tita Elzpeth at Tito Morte.
BINABASA MO ANG
I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)
RomanceXancha Hailey Delvega, ang babaeng bumago sa babaerong si Iñaki Geron. Dahil sa isang pagtatalik na nangyari pareho nilang hahanap-hanapin ang isa't-isa pero kahit gusto pa ni Xancha maulit ang sarap na pinagsaluhan nila sa gabing iyon kailangan niy...