Chapter 11

937 17 0
                                    

Nakahiga sila sa kama at kakatapos lang nila magtalik. Pinapaikot niya ang kanyang mahabang kuko sa dibdib nito.

"Iñaki. I have a questions."

"What is it baby?"

"Anong nangyari sa mag-asawa na kumupkop sa'yo? Bakit sila namatay?"

Naramdaman nyang bahagya itong natigilan sa tanong niya pero maya-maya lang ay nilaro-laro na nito ang buhok niya.

"The police told me that they killed each other. Ayon daw sa kapitbahay namin nun, nagkaroon ng matinding sagutan ang mga ito. Pagbabasagan ng gamit, sigawan at lagabog ang mga narinig nila. Until now palaisipan parin kung ano ba talaga ang pinag-awayan ng mga ito na nauwi sa pagpatay nila sa isa't-isa." Malamig na sambit nito pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang noo.

Napalunok siya sa sinabi nito. "T-That's creepy. Pero kanino pala ang gamit mong last name? Sa real parents mo?"

"Yeah. Saka walang anak ang mag-asawang kumupkop sakin. Kaya lahat ng kayamanan nila ay sa akin nila ipinangalan. Anyways, ikaw naman ang magkwento about your life baby."

Napabuntong hininga siya, kinubabawan niya ito at kahit damang dama niya ang matigas nitong pagkalalake ay pinagsawalang bahala niya muna iyon.

"I have a miserable life. Kaunti lang ang naaalala ko sa pagkabata ko. Paulit-ulit kong tinatanong sina Inay at Itay noon kung naaksidente ba ako. Minsan nga naisip ko kung sila ba talaga ang mga magulang ko kasi hindi naman anak ang turing nila sa'kin. Oo nga at pinakain at binihisan nila ako pero hindi ko ramdam na minahal nila ako bilang anak nila. I don't know why that thought keeps on pestering in my mind. Kada magbibirthday ako noon e lumilipat kami ng bahay, kaya naman ayon hindi ako nakapag-aral ng husto kasi palipat-lipat nalang kami. Kaya nga hindi ako nagkaroon ng isa manlang na kaibigan e. Then, on my 16th birthday isang mayamang matanda ang pumunta sa bahay namin at nagpakilalang ako daw ang nawawala niyang apo, sa takot at gulat ko noon agad akong nagtatakbo kay nanay na nagwawalis lang sa likod ng bahay. Sinabi ko na may matandang nagpakilalang Lolo ko. Kitang kita ko ang pamumutla niya nun." pagak siyang natawa sa sama ng loob.

"Hinila niya ako agad inilayo sa bahay, takbo lang kami ng takbo. Hindi ko na maalala ang sumunod pang nangyari noon pero pagkagising ko nasa ibang bahay na naman kami. Pero hindi na sa isang bahay na gawa sa kawayan kundi sa isang bahay na mala mansyon sa laki."

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata  para pigilan ang luhang gusto lumabas dito.

"D-Doon sa malaking bahay na iyon nakita mismo ng dalawang mata ko si itay na nilalatigo ni Don Mendez, ang ama ni Hendricks. Habang si Inay naman ay nakaluhod sa tabi nito nakayuko at tahimik na lumuluha. Nalaman ko nalang na nagmakaawa pala sina Inay na doon muna kami tumira pero hindi pumayag si Don at Doña Mendez dahil malaki ang utang ng mga magulang ko sa mga ito. At sa eksenang iyon dumating si Hendricks, nang makita ko siya agad kung ipinambayad ang sarili ko, tutol ang mag asawang Mendez pero wala din naman silang nagawa kasi ang Unico Hijo na nila mismo ang pumayag sa naging desisyon niya."

Naramdaman nyang hinagkan ni Iñaki ang ulunan niya. Nagbuntong hininga siya pagkatapos ng mga sinabi niya.

"Magulo rin pala ang buhay mo noon."

"Magulo nga, pero nang dumating ka sa buhay ko bigla akong nagkaroon ng pag-asa na baka sakaling maging maayos pa ang magulo at madilim kong buhay."

Pinagpalit ni Iñaki ang posisyon nila. Ngayon naman ay ito na ang nasa ibabaw niya at malamlam ang mata na nakatitig sa kanya.

"Well... we have the same hope baby." hinaplos nito ang kanang pisngi niya.

Ngumiti siya dito at nakipagtitigan sa binata.

"Dati buo na ang pasya kong pakasal kay Hendricks pero ngayon natatakot na akong matuloy iyon. Kasi nakikinita ko sa sarili ko na hindi ako mamumuhay ng masaya kong hindi naman ikaw ang makakapiling ko."

"Baby. Your making my heart beats so' fast. Dapat panindigan mo iyang mga sinasabi mo. Baka akala mo, nakatatak na ang mga yan sa puso't isip ko."

"I like you Iñaki."

Nangingilid ang luhang isinubsob ni Iñaki ang mukha sa bandang leeg niya.

"W-Wait. Iñaki, are you crying?" Nag-aalalang tanong niya dito.

"Y-Yes. Yes. I'm crying. Hayaan mo muna akong umiyak baby. Matagal na rin kasi mula ng maramdaman kong mayroong tao na nagpapahalaga sa'kin. Saka ikaw naman ang kasama ko okay lang naman siguro na makita mo akong umiiyak."

Nangingiting hinagod niya ang likod nito at pinatakan niya ng halik ang ulunan ng binata. "Go on baby. Keep on crying, alam ko namang tears of joy yan."

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na din ito sa pag-iyak. Pinupog nito ng halik ang mukha niya habang may ngiting nakalarawan sa labi nito.

"I like you too baby. I like you so' much that I can't breathe without you. Sana kahit may malaman ka tungkol sa'kin at sa mga ginawa ko noon ay magustohan mo parin ako."

"At ano naman ang mga nagawa mo noon na sa tingin mong ikasasakit at ikagagalit ko? Tungkol ba sa mga naging babae mo noon, kung gaano ka kababaero? Pst. Baka di mo alam Iñaki sikat na sikat sa dyaryo iyang pangalan mo hindi lang isang sa pinaka mahusay sa negosyo kundi pati sa pagiging matinik sa babae!" Naniningkit ang matang piningot niya ang kaliwang tenga nito.

"Ouch! Hindi naman yun eh! Aray ko Xancha naman!"

"Ay sinisigawan mo pa ako? Gusto mo tamaan ka talaga sa'kin? Ha? lalake ka?!"

Nagkanda haba ang nguso nito sa kakapingot niya dito.

"Kasalanan nila iyon kasi sila ang lapit ng lapit sa'kin. May kasabihan nga na palay na ang lumalapit sa manok. Sana alam mo iyon baby." Nanlalaki ang mata na kinurot niya ang tagiliran dito.

"Aba. Matindi ka talaga e nu?! Alam ko ang kasabihan na iyon Iñaki, Yung mga palay ang mga naging babae mo at ikaw naman iyong manok! Litche ka! Pisain ko kaya iyang dalawa mong itlog ha?!" Singhal niya sa binata.

Agad naman itong umalis sa ibabaw niya at umalis sa kama. Saka ito naupo sa sofa na medyo malayo sa pwesto niya.

"Oh ano takot kang pisain ko iyang itlog mo? Diba manok ka? Mangingitlog kapa naman kahit basagin ko yang itlog mo ngayon." Bumangon siya at naupo sa kama saka niya kinuha ang unan sa tabi niya at ibinato ito kay Iñaki.

"B-Baby. Wag mo naman kawawain ang mga itlog ko. Hindi ka naman kasi mabiro. Dati lang naman ako nambababae. Pagkatapos nung nangyari sa atin hindi na ako naghanap o tumikim pa ng iba." Namumulang sabi nito habang nakatakip ang mga kamay sa pagkalalake nito. Natatakot atang tutuhanin niya ang mga sinabi niya.

Dapat lang na matakot ka Iñaki dahil hindi lang yang dalawang itlog mo ang pipisain ko kapag nakita kitang tumutuka pa sa iba.

"Siguradohin mo lang." seryosong sambit niya dito.

Ngumuso ito. "Seryoso naman ah."

"Psh. Kung ganon lumapit ka dito."

"P-Pero baka pisain mo lang itlog ko." nauutal pang sambit nito sa kanya.

Pigil ang tawang tinaasan niya ito ng kilay.

"Ah ganon hindi ka lalapit dito? Lalapit ka o Ako ang lalapit dyan at talagang pipisain ko ng tudo iyang itlog mo?"

Tumayo naman ito saka napapalunok na naglakad palapit sa kanya.

"B-Baby—"

Dinakma niya ang pagkalalake nito kaya naman agad itong nagtatakbo palayo sa kanya at pumasok sa banyo narinig niya pang inilock nito ang pinto.

"Fck! Shit! Fck! Fck!" Paulit-ulit na mura ng binata.

Siya naman ay nagkanda gulong-gulong sa kama kakatawa. Balak niya lang naman na hawakan iyon.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon