Chapter 28

827 12 0
                                    

They thought that everything's gonna be okay.
They thought that there will be no mess again.
They thought that finally they will live in peacefulness without any worries.

But, life is life. It's not a life if there's no challenges. Hindi laging masaya, minsan may dumarating na mga pagsubok sa buhay na kailangan nyo malampasan.

She's now one month pregnant with their second child. Pagkagising niya ay wala na sa tabi niya si Iñaki, kaya naman bumaba siya at hinanap niya ito hanggang sa nakita niya ang note na iniwan nitong nakadikit sa ref.

To my lovely wife,

Morning Wife. I'm sure when you woke up ay nasa kumpanya na ako. Kailangan ko pa kumayod ng husto dahil madadagdagan tayo, I have to work my awesome ass more. Hindi na kita ginising dahil masarap ang tulog mo. Btw. May niluto na akong breakfast para sa inyo ng mga anak natin, initin mo nalang kapag malamig na, eat a lot okay? So' when our baby come out he/she will be healthy. I love you Xancha ko. Mwuah.

-Inaki na mahalay pero pogi.

Nangingiting napailing siya at inilagay ang maliit na papel sa bulsa ng suot niyang padyama. Her smile widen nang makita niya ang isang tulip na nasa ibabaw ng mesa. Sweet... Magmula kasi ng malaman ni Iñaki na buntis siya ay bihira na itong pumasok sa trabaho, lagi itong nasa tabi niya at ayaw siya pagkilusin, ultimo pagkuha ng tubig sa kusina ay pinapangko siya nito para daw hindi siya mapagod. At ang lagi nitong dinadahilan sa tuwing pinapapasok niya ito sa trabaho e, "The company will survive even without me. Magaling ata ako. So' no worries and let me take care of you, wife." Buti nga at naisipan na nitong pumasok ulit sa kumpanya.

Iniinit niya ang agahan nila na niluto ng kanyang asawa. Tinawagan niya ang anak gamit ang intercom na nasa gilid sa pader ng kusina, Nakakonekta iyon sa kwarto ni Haña. Ipinagawa iyon ni Iñaki para daw hindi niya na kailangan pang umakyat kapag gigisingin ang kanilang anak. Her daughter picked up the call and said that she will be downstair in a couple of minutes.

"Good morning mommy ko!" masiglang bati sa kanya nito saka lumapit sa kanya at niyapos ang bewang niya.

"Morning kapatid ko!" then she kissed her tummy.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak, "Morning to you too my princess, umupo kana at kakain na tayo. May pasok ka ngayon sa school."

Sumunod naman ito sa kanya at agad na naupo. Pinaglagay niya ito ng pagkain sa pinggan nito saka ibinigay niya sa anak ang gatas na tinipla niya dito.

"Salamat mommy. Kain ka na din po. Here, eat more veges and fruits po." aniya at nito.

"I will." sambit niya at nag-umpisa na kumain.

Pagkatapos nila kumain ay iniligpit niya ang mga pinagkainan nila habang naliligo si Haña. Siya na sana ang magpapaligo dito pero tinaasan siya nito ng kilay at sinabihan na malaki na daw ito, baka daw madulas pa siya sa banyo e mapano pa sila ng kapatid nito. So' ayon inantay niya nalang na matapos ang bossy niyang anak na mana sa ama nito saka niya ito binihisan ng uniform nito.

"Ang laki na ng baby ko ah. Gorgeous pa." nakangiting sambit niya dito.

Her daughter flipped her straight long hair. "I know right mommy."

Pinagmasdan niya ang anak na may ngiti sa labi. Namana nito sa kanya ang tuwid at itim nitong buhok, hugis ng mukha pati narin ang natural na pulang labi nito. Ang magaganda naman nitong mata, katamtaman na kapal ng kilay at matangos na ilong ay namana nito kay Iñaki.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon