Chapter 2

1.5K 25 0
                                    

XANCHA prepared their meal, pagkatapos ay inayos niya ang mesa. Naglagay siya ng dalawang pinggan, baso, kutsara't tinidor saka niya inilagay sa gitna ng lamesa ang mga niluto niyang hotdog, bacon, egg and fried rice.

"Good morning." Hendricks greeted her while his leaning in the kitchen's door.

Naglakad siya palapit dito saka niya ito pinatakan ng halik sa labi.

"Breakfast is ready, let's eat." tumango naman ito saka sila naupo at sabay nilang pinagsaluhan ang mga niluto niya.

Ganito lagi ang routine nila sa umaga. Maaga siyang gigising para magluto, pagkatapos ay bibigyan niya ito ng isang halik sa labi kapag nabati na siya nito ng good morning. Saka sila sabay na kakain ng di nag-uusap. Sanay na siya sa mga routine nilang dalawa at kahit hindi ito ang gusto niya, wala siyang magagawa kundi kumbinsihin ang sarili na gawin ang mga bagay na hindi niya naman gusto.

Pagkatapos niyang kumain ay uminom siya ng tubig saka siya kumuha ng tissue at pinunasan ang labi niya. Nang makita nyang tapos na din si Hendricks ay walang imik niyang niligpit ang kinainan nila.

Habang nagliligpit ay nakita niya sa gilid ng mga mata niya na sumandal si Hendricks sa gilid ng lababo habang pinagmamasdan siya.

"I have a meeting this afternoon 4pm sharp but it's my parents 29th anniversary so' my secretary will attend the meeting together with you." Natigilan siya sa pagliligpit saka nakaawang ang labi na hinarap niya ito.

Noon pa man ay dina sang-ayon ang mga magulang ni Hendricks na pakakasalan siya nito bilang pambayad utang. Alam niya din na kinahihiya siya ng mga ito dahil ang tingin ng mga ito sa kanya ay isang gold digger. Marami na siyang narinig na masasakit na salita mula sa mga ito at nang mapikon si Hendricks sa mga ito ay nakipagsundo itong hindi siya nito dadalhin sa lugar kung saan man nandoon ang mga magulang nito. Pabor naman siya doon kaya naman walang problema iyon sa kanya. Pero ang marinig na siya ang hahalili sa meeting nito ngayon ang nakapagpagulat sa kaniya dahil alam naman nitong high school lang ang natapos niya ngunit hindi naman siya mangmang sa mga bagay bagay, kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay alam naman niyang hindi siya bobo. Madali siyang matuto at makatanda kapag itinuturo sa kanya ang isang bagay. Nakakapag-english din naman siya kaso hindi iyon fluent tulad ng sa iba.

"Pero alam mo naman na wala ak-"

"I trust you." Putol nito sa sasabihin niya saka ito umalis sa pagkakasandal sa gilid ng lababo. Pagkatapos ay hinarap siya nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

"Don't worry my secretary will teach you. Alam ko namang madali ka lang matuto saka i believe in you Xancha." sambit nito saka siya nginitian ng tipid.

Bumuntong hininga siya saka kagat labing tumango.

"Alright." sabi nalang niya na ikinangiti nito ng husto.

"Thanks. Btw. I'll be leaving now, My secretary will be here later para sundoin ka at ipaliwanag sa'yo ang mga gagawin mamaya sa meeting."

"Sige, mag-ingat ka sa byahe." tipid niya itong nginitian saka pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.

Naramdaman niya hinalikan siya nito sa pisngi saka ito walang imik na tumaas sa kwarto para maghanda. Pagkatapos niyang maghugas ay pinunasan niya ang lamesa.

"I'll be going Xancha, call me if something bad happened." rinig niyang sabi nito habang ang mata niya ay tutok sa pagpupunas ng lamesa at nang marinig niya ang paglock ng pinto ng condo nila ay nanghihina siya napaupo sa bangko.

Nanghihina siya, napapagod na siyang magpanggap bilang mapapangasawa nito. Kung bakit naman kasi naisip niyang ipambayad ang sarili niya para lang mabayaran ang utang ng mga magulang niya.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya saka niya tinapos ang ginagawa niya para pagdating ng secretary ni Hendricks ay ayos na siya.

Pasado alas tres na nang makapagbihis siya ng simpling white polo na nakatak-in sa black mini skirt at black high heels. Ayaw niya sa suot niya ngayon pero no choice siya dahil iyon lang ang nahalungkat niya na pwede nyang maisuot pang-opisina.

Naglagay siya ng liptint pagkatapos ay sinuklay niya lang ang itim niyang buhok na hanggang siko.

"No wonder, Hendricks parent hate me. I'm just a nobody. Plain. Poor. No taste of fashion-" mariin niyang kinagat ang labi saka kinastigo ang sarili. Ito na naman kasi siya't ibinababa ang sarili sa tuwing haharap siya sa salamin.

"Chin up. You're simply beautiful in your own way." Sambit niya sa sarili saka ngumiti ng malaki pagkatapos ay kinuha niya ang itim na purse na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Saktong pagbaba niya ay ang pagtunog ng pinto ng condo unit nila. Binuksan niya ito saka walang emosyon na hinarap ang babaeng nagpakilalang secretary ni Hendricks.

"Let's go madam."

Tumango siya saka sumunod dito sa paglalakad ng nakataas ang noo.

Nang makarating sila sa building ni Hendricks ay ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang gawin maya-maya. Nakinig siyang mabuti saka isinaulo ang mga sinabi nito.

Mga bandang 3:45 pm ay lumulan na sila papunta sa building ng kameeting nila.

Pagkatigil ng kotse ay inantay niyang pagbuksan siya ng pinto ni Sec. Dalia

"This way madam" tumango siya saka lumabas sa sasakyan.

Pinanatili niya ang walang emosyon niyang mukha. Saka sila naglakad papasok sa building at habang naglalakad sila ay panay bulungan ang iba na siyang naririnig niya.

"She look so' young."

"Sino naman kaya yan?"

"Baka isa nanaman yan sa mga naghahabol kay sir."

"Ang ganda niya naman, fresh na fresh."

Yan ang ilan sa mga naririnig niya at dina siya naninibago dahil narinig nya na din yan kanina nang magpunta sila sa building ni Hendricks some of them know na siya ang fiance ni Hendricks at ang iba naman ay pinagkakamalan siyang naghahabol dito.

Ipinagsawalang bahala niya nalang ang mga narinig saka siya ipinukos ang isip niya sa mga dapat niyang gawin mamaya.


IÑAKI sighed as he lean his back on the chair.

Bumukas ang pinto at bumungad ang sekretarya niya para sabihing paparating na daw ang representative sa meeting nila ni Mr. Mendez na di nya pa nakikita dahil bago niya itong kasusyo.

Tinanguhan niya nalang ito saka pinalabas. Ginulo niya ang kanyang buhok ng maalala nanaman niya ang ibinalita sa kanya ng kanyang private investigator. Ilang linggo na pero hindi parin ito mahanap hanap ng kanyang inutosan at napipika na siya. Hindi na siya makapaghihintay pa ng panibagong linggo na dadaan kaya kinumbinsi niya ang sarili na pagkatapos ng meeting niyang ito ay magleleave muna siya sa trabaho para siya na mismo ang humanap sa babaeng araw-araw bumabaliw sa isip niya.

At sa pagbukas ng pinto ang siyang pagbuo ng mga plano sa isip niya.

Looks like God is on my side. Hmm...

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon