Chapter 32

696 14 0
                                    

AFTER THE QUICKY MOMENT. They bath together then dress up together. Gumaan ang pakiramdam niya ng magkaayos nila ni Iñaki. Nawala ang bigat sa dibdib na ilang linggo niyang ininda.

Sabay silang bumaba ng asawa niya, at sa baba ay may malaking ngiti ang anak nila habang pumapalakpak ito.

"Bati naba both of you? Where are we going po daddy?" excited na tanong nito sa kanila ng makababa sila.

Hinaplos niya ang mahaba nitong buhok na may suot na headband. "We're okay now, your dad said na may ipapakita siya satin and I didn't know what is it too." ani niya sa anak.

"Chill ladies. It's a surprise, now shall we?" sambit ng gwapo niyang asawa saka iwinistra ang kamay na wari itong hari na naglilingkod sa kanyang reyna at prinsesa.

Napahagikhik ang anak niya, siya naman ay napailing nalang. Naglakad sila palabas ng penthouse. When they make sure that the door is locked, they went to the elevator.

Nang makarating sa parking lot pinindot ni Iñaki ang remote control ng kotseng gagamitin nila. Sumakay sila sa Gray BMW na gagamitin nila papunta sa lugar na pagdadalhan sa kanila ni Iñaki.

Sa byahe ay masaya silang nag-uusap. Ang anak nila ay nakaupo sa backseat at busy ito sa sariling tablet nito.

"Saan mo ba talaga kami dadalhin? Hm?" pangungulit niya sa asawa.

Nginitian lang siya nito saka kumindat. "It's a surprise baby. Malapit na tayo kaya no need to ask just set and relax."

"Ikaw talaga. Siguradohin mo lang na matutuwa kami ng anak mo ah."

"Naman. Ako pa ba?" Aniya habang ang mga mata nito ay nakatutok sa daan at maingat na nagmamaneho.

"Yabang ah. Confident na confident ka talaga e. Pag mamaya ligwak yang surprise mo." biro niya dito.

Ngumuso naman si Iñaki. "Wag naman sana. Pinaghandaan ko iyon wife."

"If you say so hubby."

Panandalian silang natahimik ng bigla nalang tumunog ang cellphone ni Iñaki na nakalagay sa dala niyang purse.

"Hendricks is calling." sambit niya sa asawa.

"Wait wait lemme' park the car first." Aniya nito at itinigil muna ang kotse sa gilid ng kalsada para kausapin si Hendricks.

Ibinigay niya ang cellphone nito habang nang-uusisa ang mga mata niya. Pwede naman kasing siya nalang ang sumagot ng tawag. Hm...

"Yes. Yes. Oh that's good. Damn. Thanks dude!"

"Hahaha lol. Will be there in 30."

"Right. Yeah. That's good to know. Okay bye."

Pagkatapos ng usapan ng mga ito ay ngingiti-ngiting ibinalik nito ang cellphone sa kanya.

"Anong pinag-usapan nyo?" She curiously asked.

Instead of answering her question. He kissed her on the lips and she can't help but to respond.

"Gosh. Mom, Dad. That's rated spg. I'm here. Helloooooooooo...!" boses ng anak nila ang nagpabalik sa kanila sa reyalidad.

"Opsss... Sorry princess your daddy can't get enough of your mom." nakangiwing sambit ni Iñaki.

Palihim na kinurot niya ang tagiliran nito. Saka namumula ang magkabilang pisngi na alanganin niyang nginitian ang anak.

"Sorry princess. Ang daddy mo kasi e." paninisi niya kay Iñaki.

"Forgiven. Hmpk."

Bandang alas dose na ng makarating sila sa isang private beach.

"Kanino itong private beach?" Tanong niya sa asawa ng makababa sila sa kotse.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon