Chapter 16

810 14 0
                                    

Tagaktak ang pawis na napabalikwas ng bangon si Xancha.

Her dreams. It's her forgotten memories when she was young.

Mga ala-alang ayaw niya ng maalala ay nagbalik sa kanya.

Naninikip ang dibdib niya sa sakit, pakiramdam niya ay nagkabasag-basag ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na ang lalakeng mahal niya ngayon ay ang batang naging saksi sa masamang nangyari sa kanya noon at wala man lang itong ginawa para tulungan siya.

Pinalibot niya ang paningin, nasa silid siya ng guestroom ni Hendricks. Nagtagis ang bagang niya, at kung hindi siya nagkakamali mayroon din itong alam sa nangyari noon.

Nagagalit siya sa mga ito at pati na rin sa sarili niya.

At sa mga naalala niya, bakit hindi manlang siya hinanap ng mga magulang niya? Kamusta na kaya ang mga ito?

Napatitig siya sa kawalan. She feel so' betrayed.

Kung ganon naman pala na kilala siya ni Iñaki noon pa, bakit hindi siya nito ibinalik sa mga magulang niya? bakit hindi ito gumawa ng paraan?

Kaya ba kasama niya ito ngayon ay naguiguilty ito dahil wala itong ginawa noon?

Naghahalo-halo ang mga tanong sa isip niya. Pero isa lang ang sigurado niya...

Hindi na nya kaya pang makasama ang lalake.

"Baby gising kana. Alam mo bang pinag-alala mo ako? May gusto kabang kainin? Nagugutom kaba? Nagluto ako ng paborito mo. Wait i'll just go downstairs and get the—"

Walang mababakas na emosyon sa mukha na nilingon niya ito.  "How old are you?" she asked.

Iñaki paled. "Baby let's not talk about it, alam kung nagugulohan at gulat ka na makita ulit ang mga magulang m—"

"Do i have to repeat myself for you to answer my question?"

"No baby."

Hindi siya umimik at tinitigan lang ito sa mga mailap nitong mata.

"I-I'm 27 years old."

27 years old huh? Nice she's 22.

"So' the girl in your past. That's me right? Yun nga lang, iba ang nangyari sa mga gawa-gawa mong kwento. Hindi totoo na palagi kang nakatanaw sa'kin mula sa malayo at tamang tanaw ka nalang dahil ang totoo mula ng magkakilala tayo e lagi na tayong magkasama, magkalaro, nagkukulitan at asaran. Madalas ka pa nga noon sa mansyon namin diba?" malamig niyang sambit dito.

Napalunok si Iñaki at unti-unting naglakad palapit sa kanya.

"No. Don't come near me. Diba dyan ka naman magaling? Tinawag kita Iñaki. Nagmakaawa ako sa'yo na tulungan mo ako. Pero anong ginawa mo? Tumayo kalang. At pinanood mong makuha nila ako." mariin ang bawat salitang bigkas niya.

Nag-iwas siya ng tingin dito ng makita niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

"I-I was an asshole and devil back then. Natrauma ako sa nangyari sa'kin noon nung bata ako, nang makita kung pilit kang pinapasakay ni Nay Lara sa sasakyan naalala ko kung papaano nawala sakin ang mga magulang ko. Nasa bahay kami noon ng tita mo, bigla nalang may mga armadong lalake na pumasok at tinutukan ng baril ang mga magulang ko. I-I was in the maids room kung saan doon ang kwarto ng parents ko isinama nila ako noon dahil wala ang amo nila. W-Wala akong nagawa. Wala akong nagawa para iligtas ang mga magulang ko. I am a weak! They killed my parents infront of me! Nalaman ng mga tita, tito at ng mga magulang mo ang nangyari pero itinago nila ang katotohanan ng pagkamatay ng mga magulang ko! Pinalabas nila na aksidente lang lahat! Galit na galit ako. Galit na galit ako sa mga Monterosseau! A-At nang makilala kita naisip kong maghiganti. Kaya naman nung malaman ko na gustong-gusto magka-anak ng mag asawang katiwala niyo, hinikayat ko silang kidnapin ka. Planado ang lahat. At the age of nine. Nabuo ang lahat ng plano na iyon sa isip ko. Pinilit ko ang ang tita mo na siyang kapatid ng ama mo na isama ang parents mo sa states at iwan tayong dalawa sa bahay na walang kahit isang bodyguard. Dahil may tiwala sila sa'kin na hindi kita pababayaan kumagat sila sa plano ko. And when you make yourself as a payment para mabayaran ang mga utang ng tatay mo sa mga Mendez, binisita ko sila nun at binigyan ng sampung milyon. Para... magpanggap na patay. At nang gabing makita kita sa bar na mag-isa hindi ako nagdalawang isip na lapitan ka. Wala sa isip ko na may mangyari sa—"

Hindi na niya ito pinatapos. Luhaan na umalis siya sa kama at sinugod ito.

Binigyan niya ito ng mag-asawang sampal at dinuro-duro. "Masaya kana?! Nakaganti kana! Nasira muna ang buhay namin lalo na ang buhay ko! Ang sama mo! Ang sama-sama mo Iñaki! Sana. Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita minahal!" sigaw niya dito at pinagbabayo ito ng suntok sa dibdib.

Hindi ito umilag o sinalo ang mga suntok at kalmot niya. Hinayaan lang siya nito hanggang sa mapagod siya.

"I'm sorry. Kinain ng galit at paghihiganti noon ang pagkatao ko. But believe me Xancha. Natutunan kitang mahalin nung nasa isla tayo." nagsusumamo nitong sabi sa kanya.

Buong lakas niyang iwinaksi ang kamay ni Iñaki na pilit na humahawak sa kanya. "Ito ang tandaan mo Iñaki. Hinding hindi kita mapapatawad!"

"X-Xancha. Wag naman ganyan oh. Nagawa ko lang naman ang mga iyon dahil sa paghihiganti pero humingi naman ako ng tawad sa mga magu—" sinampal niya ulit ito, saka siya humakbang palayo sa binata.

"Wag na wag mong mababanggit ang mga magulang ko. Wala kang karapatan Iñaki. Demonyo ka! Dahil sa'yo kaya nagkanda letche letche ang buhay namin! Dahil sa'yo kaya hindi kami nagkasama ng maraming taon! Dahil sa'yo kaya ako naghirap!"

Tumulo ang mga luha nito at lumuhod sa kanya, pilit na niyakap ang bewang niya saka ito sumubsob doon. 

"P-Patawarin mo ako Xancha. Parang awa mo na hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako. Please baby. I'm begging you. Forgive me please... Handa akong tanggapin lahat ng mga masasakit na salitang sasabihin mo sa'kin wag mo lang ako iwan. Mahal na mahal kita."

Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi na walang tigil sa pag-patak.

Hindi. Hindi niya ito kayang pakisamahan o makasama pagkatapos ng mga naalala at nalaman niya.

Binaklas niya ang braso nito na nasa bewang niya. "Tumayo ka dyan Iñaki. Hindi ako madadala sa mga luha at pagmamakaawa mo." lumayo siya sa pwesto nito.

"Magmula sa araw na ito. Kalilimutan kong may nakilala akong Iñaki Geron. Ibabaon ko din itong nararamdaman ko para sa'yo. Dahil hindi ka deserving para mahalin ko."

"I'll wait for you. Kung i-iiwan mo man ako ngayon, maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Ganon kita kamahal Xancha. Siguro nga dapat lang na iwan mo ako pagkatapos ng mga ginawa ko pero hindi ibigsabihin nun na hahayaan na kitang iwan ako. Palagi parin akong nasa lugar kung nasaan ka. Hindi mo man ako makita, sisiguradohin kong nakabantay ako sa'yo. I love you baby... and I'm sorry that i hurt you." luhaan nitong sambit sa kanya.

Pinatigas niya ang puso na nanlalambot sa mga luha nito. "Wala ka nang aantayin Iñaki dahil hindi na ako babalik sayo." pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon iniwan niyang nakaluhod at luhaan ito sa loob ng kwarto.

Nang makababa siya ay nakita niya ang tinuring na Ina, Umiiyak ito habang nakayakap naman dito ang asawa nito. Si Hendricks naman ay nakaupo sa sofa malapit sa mga ito at tulala.

"Hendricks." tawag nito dito.

Para naman itong nagising sa malalim nitong iniisip saka napatingin sa kanya at kumurap-kurap.

"Alam mo kung nasaan ang parents ko?"

Tumingin naman ito sa mga kumidnap noon sa kanya.

"Tsk. Hindi ko sila magulang. I am asking for my real parents. Alam mo kung nasaan sila, right?"

Lalo namang umiyak ang ginang at inalo ito ng asawa niya.

"Anak, gusto ka naming makausap ng nanay mo. Pagbigyan mo naman kami."

Pagak siyang natawa. "After what you did to me and to my family, both of you deserve to be in the jail! At saka wag nyo na akong tatawagin pang anak dahil hindi kayo ang mga magulang ko!"

Hindi niya na binigyan pang pansin ang mga ito. Binalingan niya ulit si Hendricks. "Ihatid mo ako ngayon din sa kanila."

Wala sa sarili namang tumango si Hendricks pero pinagsawalang bahala niya iyon ang mahalaga ay makalayo siya sa mga taong nanakit sa kanya. Isa na doon si Hendricks pero ito lang ang mahihingan niya ng tulong ngayon, wala siyang pera at hindi niya alam kung nasan ang mga magulang niya.

"Okay." sagot nito saka naunang lumabas ng bahay.

Sumunod siya dito at bago makalabas sa pinto ay lumingon siya sa loob. Doon sa bukana ng hagdanan nakita niya si Iñaki na puno ng lungkot ang nakalarawan sa mga mata.

Paalam Iñaki.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon