IÑAKI groaned as he get up from the bed to picks up his phone from the center table.
Napataas ang kilay niya ng makita kung sino ang tumatawag. Sinagot niya nalang ang tawag dahil paniguradong hindi siya nito titigilan kapag pinatayan niya nanaman ito.
"What?" Aniya saka siya sumimsim ng beer mula sa boteng nakapatong kanina sa center table.
"Buksan mo ang pinto, nasa labas kami ng penthouse mo." kalmadong boses na utos nito sa kanya.
"At ano nanaman ang gagawin nyo dito?"
"Buksan mo nalang kaya bud."
Walang sabi-sabing pinatay niya ang tawag at inubos niya ang beer na laman ng bote saka naiiling na naglakad patungo sa baba para buksan ang pinto.
Pagkalipas ng ilang minuto, bumungad sa kanya ang mukha ng dalawang palaging ginagambala ang paglaklak niya ng beer.
"Zup. beer?" Alok niya sa mga ito na masama ang tingin sa kanya.
Inagaw ni Hendricks ang hawak niyang bote, si Queno naman ay pinandilatan siya ng mata saka siya hinila sa sala at pinaupo doon.
"Uminom ka nanaman! How many times do we have to tell you stop fcking drinking!" Asik sa kanya ni Hendricks.
Lihim siyang napangiti, hindi niya akalain na magiging kaibigan niya ito. At ngayon ay pinapagalitan siya.
"Sinabi namin sa'yo bud, tawagan mo kami kapag malungkot ka. tsk. hindi iyang mag-isa mong inuubos ang mga beer dito sa penthouse mo." sigunda naman ni Queno.
"What can i do? I can't sleep..." aniya saka nag-iwas ng tingin umaga na kasi pero wala pa talaga siyang tulog.
Napabuntong hininga naman ang dalawa na nasa harapan niya saka naupo sa magkabilang gilid niya at sabay na tinapik ang balikat niya.
"Namimiss mo nanaman siya?" tanong ni Queno.
Natahimik siya.
Kailan niya ba hindi namiss ang babaeng mahal niya?
"Fck. My baby will be mad if I drink a beer in the morning but I can explain to her later, now. let's fcking drink." Sambit ni Hendricks saka ito tumayo at pumuntang kusina.
"Asus. Takusa ka pala kay Koren e." tukso niya dito.
Ang dati niya kasing sekretarya ang asawa nito. Hindi niya alam na magkakatuloyan ang dalawa dahil sa inutos niya kay Koren na akitin si Hendricks noong nasa isla pa sila ni...
Napabuntong hininga siya ng kumirot ang puso niya.
"Bud." Queno heavily signed, he can feel his stares at him. "You can't keep doing this to yourself. Kinukulong mo lagi yang sarili mo dito sa penthouse at naglalaklak ng beer. Ano hinihintay mo nalang na maisugod ka namin sa hospital at masunog iyang baga mo?"
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka niya isinandal ang likod ng ulo sa headboard ng couch at inipikit niya ang namimigat na talukap ng kanyang mata.
"What else i can do? Miss na miss kuna siya e. Maya't-maya siyang nasa isip ko. Sinubukan ko namang ibaling ang atensyon ko sa iba pero tanging beer lang ang nakakapagtanggal sa kanya sa isip ko. Sinabi ko sa kanya noon na kapag iniwan niya ako nasa malapit lang ako lagi at nakabantay sa kanya pero ilang buwan palang na ginagawa ko iyon ng sundan ko siya sa Canada, nakita kuna agad siyang masaya na nakikipag-date sa iba. Sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa ko nun para hindi sila lapitan. Gustong-gusto ko bangasan ang pagmumukha ng lalakeng iyon na hinawakan ang kamay niya pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na wala na akong karapatan pa kanya."
BINABASA MO ANG
I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)
RomanceXancha Hailey Delvega, ang babaeng bumago sa babaerong si Iñaki Geron. Dahil sa isang pagtatalik na nangyari pareho nilang hahanap-hanapin ang isa't-isa pero kahit gusto pa ni Xancha maulit ang sarap na pinagsaluhan nila sa gabing iyon kailangan niy...