Special Chapter

839 18 0
                                    

March 1, 2022

It's their 30th anniversary. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Xancha nagpapasalamat siya dahil hanggang ngayon ay masaya parin silang magkasama together with their child. Apat na ang anak nila ni Xancha.

Ang panganay nilang si Haña Kileytha ay siyang humahawak ng kumpanya nila.
Ang sumunod naman dito na si Achlys Iñigo ay inaasikaso ang ilang negosyo at kumpanya ng mga Monterosseau na ipinamana ng mga ito sa apat nilang anak.
And their third child, Xavey is a spoiled one. Spoiled kasi ito sa kuya at ate nito syempre pati sa kanya.
At ang bunso naman nilang napaka-kyut ay si Inno ay binata na. Spoiled naman ito ng asawa niya. Ganon na din siya. Spoiled naman sa kanya lahat ng anak nila ni Xancha.

Now that they are celebrating their 30th anniversary magkakasama silang nagsasalo sa hapag.

"Haña tama na muna ang pagtanggap ng tawag. We are here to celebrate." Saway ng asawa niya sa anak nila.

"Forgive me mommy, it's work po e but then para po sa inyo sige..." ini-off nito ang cellphone saka tumayo at hinagkan sila sa pisngi.

"Ate kasi e, ang workaholic mo." aniya ni Achlys na pailing-iling sa kapatid.

"Wow. Coming from you. Ikaw nga itong mas workaholic kaya naman until now single ka parin."

"Ay personalan ate? If i know tuyot ka. Atleast ako kahit single masaya ang sex life."

"Language Iñigo." seryosong saway niya dito.

Natawa naman ito saka agad humingi ng sorry.

"Ate can you put some adobo in my plate." Xavey said.

"Sure princess."

"Enough na yan ate. Baka tumaba ang sexy body ko e."

"Sus Xavey, kahit tumaba ka alam naman natin na maganda ka parin kasi mana ka kay mommy." Aniya ni Achlys saka nilagyan din ito ng isa pang putahe ng ulam.

"I know right kuya but then it's important parin to take care of our body. Diba mom?"

Nangiti naman ang asawa niya. "Yes nak. But if you're hungry don't stop to eat. Eat what you want to eat. Uso naman exercise kaya no need to diet just maintain what you're eating and eat some healthy foods."

"Your mom is right. At kung ano ang nakahain sa lamesa kainin nyo at huwag sayangin dahil hindi madali ang kumita ng pera kaya naman Xavey bawas bawasan ang kakashopping dahil hindi mo pa nagagamit ang mga pinamili mo ay bumibili ka agad ng panibagong mga gamit." sambit niya.

Tumango naman ang anak niya. "Noted po daddy."

"Noted. Ampk. Pero kanina lang may dumating na shoppee at lazada tapos ako pa ang nagbayad." Bulong ng bunso nila pero dinig naman nilang lahat.

"Inno my dear bakit mo naman ako binuko." Nakasimangot na sambit ng anak nilang si Xavey.

"Oppss. Napalakas pala ang pagkakasabi, sorry sadya." Pangisi-ngisi na aniya nito.

"Hmpk. Kala mo ah. Iyon pa naman yung shoes na branded ibibigay ko pa naman sana sa'yo."

"Ay legit ate? Good idea. Ako naman nagbayad kaya dapat lang na ibigay mo talaga sa akin."

"Ikaw... Kung hindi kalang cute e."

"Shh... Nasa hapag tayo kumain kayong dalawa hindi magtalo." Saway ng panganay nila.

Nakinig naman ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin siya sa asawa niyang napapailing nalang sa mga anak nila habang may munting ngiti sa labi nagtama ang mata nilang dalawa. He smiled to his wife then he hold her hand then intertwined it with his.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon